Sharlene's P.O.V.
---FLASHBACK---
Wahhh!!! Excited na ko! 1st year na namin ni Gab!!!
Nasan na kaya yung lalakeng yun?
Hanap...
Hanap...
Hanap...
Ayun!
"Babe! Babe!" Lumingon siya pero bakit parang ang lungkot niya.
"Happy 1st year anniversary babe!" Tuwang-tuwa ako kasi naka-abot kami ng 1 year! Mahal ko yan eh. Mahal na mahal!
"Babe? What's wrong?" cinupped ko yung face niya para sakin lang siya naka-focus.
"Sharlene..." inalis niya yung kamay ko "Ayoko na! Break na tayo!" WHAT?!?!?! Anong pinagsasabi niya???
"Huh? Niloloko mo ba ako?"
"Break na nga tayo diba!"
"Bakit? Diba mahal mo ko? Babe! Wag mo kong iwan!" iyak na ako ng iyak halos di ko na siya makita.
"Sharlene, dare lang sakin lahat ng ito. Hindi ko to ginusto. Sa simula pa lang hindi na kita minahal. Iba ang mahal ko!"
"Babe! Please!" hinahawakan ko braso niya para hindi siya umalis.
"Wag mo nga akong tinatawag na babe! Diba break na tayo!" tinatry niyang alisin ang kamay ko sa braso niya pero di niya matanggal sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko.
"Babe! I mean, Gab please! Okay lang kahit break na tayo pero sabihin mo sakin na hindi totoo yung dare."
"Sorry, sharlene pero totoo lahat ng sinabi ko walang labis walang kulang" with that...iniwan niya na ako...
---END OF FLASHBACK---
"OMG! Ang sama naman pala nung Gab na yun! Pati na rin nung nag-dare sa kanya" sabi ni Alexa.
"Dun ko lang nalaman na masakit pala magmahal" may konting luha pa rin pero nakakaya ko na "at dun ko rin pinangako sa sarili ko na never na ulit ako magmamahal"
"Teka! Teka! Teka! Wag mo muna sabihin yan mamaya makain mo lahat ng sinabi mo"
"Nope, never na talaga." pagkatapos tumawa na lang kami ng tumawa.
"Shar!" Sino tumawag sakin?
Nash's P.O.V.
"Shar!" Oo. Ako yung tumawag sa kanya. Nakita ko kasi siya kasama si Alexa at parang okay naman siya. Nung lumingon siya tumakbo agad ako sa kanya. Hinawakan ko yung dalawang pisngi niya.
"okay ka lang???" sobra akong naawa sa kanya nung nakita ko siya kaninang umiyak para bang nakungkot ang puso ko.
"Sige, alis na ko ha" sabi ni Alexa. "Shar mukhang mali ata inakala mo" hindi ko na pinansin si Alexa as in nakatutok lang ang dalawa kong mata sa mata niya.
"Nash..." binaba niya yung mga kamay ko at hinawakan niya na lang "okay lang ako. Wag ka masyadong mag-alala" bigla na lang siya tumawa.
"Bakit ka tumatawa???"
"Kasi..hahaha..yung..hahaha..mukha mo..hahaha"
"Anong meron sa mukha ko???" naiinis na ako ha...
"Kasi masyado kang nag-aalala"
"Bahala ka na nga diyan!" aakmang aalis na ako pero bigla niyang hinawakan kamay ko. Bakit ganun, parang 'i felt butterflies in my stomach'
"Ito naman oh. Sorry na. Okay, ulitin na lang natin. Nash, okay na ako may naalala lang ako kanina kaya ako umiyak." Shar, bakit ang ganda ganda mo...
