Credits to Lemuelle Ongkingco
Sorry for the late update.
Hope you'll like this Chapter!
---------------------------------------------
Chapter 5
Mei's P.O.V.
Time check: 4:30 am
Wah!!! Ang aga ko nagising siguro excited lang ako kaya ganito. Wala akong magawa! Bababa na nga ako gutom na rin naman ako eh! Pagkababa ko nakita ko agad yung mommy ni Lene.
"O, Mei bakit ang aga mo nagising?" sabini tita
"Siguro po excited lang pumasok"
"Ah. Sige. Taas na ako ha. Naantok pa ako eh."
"Sige po tita" aalis na sana siya pero may last 5 words pa siyang sinabi sakin "Take care of my daughter" then she went upstairs.
Palagi naman sakin sinasabi yan ni tita eh :((( pero siyempre gagawin ko yun kasi I love my best friend...
Time check: 5:30 am
Ayan! 5:30 na! Pwede na ko maligo! Tumaas na ako para maligo pero nakita kong lumabas ng kwarto si Lene.
"Goodmorning Lene!"
"Goodmorning Mei!" then we hugged.
"Sige ligo muna ako. Kumain ka na sa baba ah."
"Hindi ka ba kakain?"
"Nakakain na ako"
"Ah sige sige"
Pagkatapos kong maligo si Lene naman ang sunod kaya dun muna ako sa baba mag-iintay.
"Best, tara na" nagulat na lang ako nung tinawag na ako ni Lene.
"Sige"
Tahimik ang buong byahe. Siguro inaantok pa kami ni Lene.
"Nandito na po tayo mam" sabi nung driver
"Osige kuya, tawag na lang ako kapag magpapasundo na kami." sabi ni Lene.
"Best, saan una mong classroom?" Tanong ni Lene.
"Room 203"
"Dun din ako! Tara sabay na tayo!"
Pagkapasok namin sa classroom maraming sumalubing na-Hi kay Lene.
"Uy shar" sabi nung isang lalaki na abot tenga ang ngiti. Siguro may gusto ito kay Lene.
"Hi Nash" oh...so Nash pala pangalan niya. Feeling ko magiging sila.
"Hi Shar!" sabi pa ng isang lalaki. Nag-smile lang si Lene.
"Sino yang kasama mo Shar?" sabi nung lalaking nag-hi sa kanya.
"Ah, si Mei. Bestfriend ko." sabi ni Shar sa dalawa. "Mei, si Brace and Nash. Nash and Brace, Mei" dagdag ni Lene. So Brace pala name niya.
"Hi, Mei!" Sabi ni Brace. An lalim rin ng dimples niya :) papakita ko rin sakin
"Ah-eh, he-he. Hi" tapos nag smile ako.
"Uy! ang lalim pala ng dimples mo" sabi ni Brace habang tinuturo yung dimples ko "ako rin oh" nagsmile siya. angkyoott!
"Yieee!" sabay na sabi ni Lene and Nash.
"Psh, oo na lang" sabi ko tapos pumunta na ako sa upuan na vaccant.
"Best, okay ka lang?" tanong ni Lene.
"Oo naman. Pano mo naman nasabi na hindi ako okay?"
"Kasi inasar kita kay Brace eh..." yumuko pa siya. Aww...ang sweet talaga ng bestfriend ko.
