Learn.

12 1 0
                                    

  Haay. Thanks God its Friday. :) Goodmood akong pumasok sa University.

Pagpasok ko ng room, nakita ko kaagad si Rayne na nagbabasa. Lumapit ako syempre, magkatabi kami ng upuan e. Inagaw ko yung binabasa nya.

Nakakunot-noo syang humarap sakin. "Bastusan lang ha." Tapos ingaw nya ulit at itinuloy ang pagbabasa.

    "Ang sungit yata. Oh, kumusta kagabi?"   Pag-iiba ko. Mukhang badtrip nga. Matamlay e.

Huminga sya ng malalim bago tumingin ng diretso sa mga mata ko, halatang di nakatulog 'to kagabi a.

    "Shin needs to break up with me."  Malungkot nyang sabi. Naguluhan naman ako.

     " Ano? Teka, dapat pala ang tanong ko ay ... bakit? "

With that, napadukmo na sya at umiyak ng umiyak.

   "Hey, do you mind answering my question?"   Sabi ko habang pinaPat ko likuran nya.

Kinompos nya muna sarili nya. Nagpahid ng luha at tsaka nagsimulang magsalita ...

     "I'm leaving, Nayie."  Kita mo yung lungkot ng mga mata nya. Di ako nagsalita. "Si Mama kase, kelangan nyang operahan sa Canada. Ayokong masaktan si Shin. Matagal bago bumalik. Nayie, ayokong mahirapan si  Shin. Ayokong maghintay sya. Ayoko syang iwan."

Napaiyak na naman sya. This time, tumayo na 'ko at niyakap sya. Alam ko kung ga'no kamahal ni Rayne si Shin, bilang bestfriend alam ko kung pa'no kinilig ang babaitang 'to.

   "Dang, ipaliwanag mo sa kanya. I'm sure maiintindihan nya 'to. Mahal ka ni Shin, and if he really do, willing syang tanggapin at hintayin ka. Wag mo lang syang iiwang nakaHang. Alam mong hindi gusto ni Shin ang maiwang walang alam. "   Siguro naman napakalma ko sya.

Kapag sineswerte nga naman. Pinapauwi lahat ng estudyante dahil nagkarong ng Bomb threat. Natakot kami pero mas nangingibabaw sakin yung tuwa't galak. Chance na'to para maayos ni Rayne yung problema nila ni Shin. Sa lunes ang nakatakdang flight nya, kelangan may magandang usapang maganap.

Umuwi muna kami sa mga bahay namin. Naligo ako at nagpalit ng damit. Inayos ang mga gamit na dadalhin, yea - maga-Out of town kame. Si Rayne, si Shin at ako. May private Resort sila Rayne. Mayaman kasi family nya, yun nga lang may sakit si Mama nya. Cancer. Napaka-Imperfect nga naman talaga ng buhay. Kung sino ang mayaman, may sakit na pwdeng kumuha ng buhay sa sandaling panahon lang. Hay. Sana gumaling na si Tita Reena.

NakapagPaalam narin ako kay Mama, pumayag naman sya since sinabi ko naman yung tunay na dahilan. Marami lang naman syang pinabaong payo at sermon sakin - haha, advance ang Mama e. :)

Ilang sandali pa, may bumusina ng kotse sa tapat ng bahay namin. Nagmamadali akong lumabas ng bahay at niLock ito. May duplicate keys si Mama kaya di yun problema.

Nakadungaw si Rayne. Si Rayne na pinipilit maging masaya.

    "Hop in, Dang! :) "   tapos sinara na nya yung windshield ng kotse. Pagbukas ko ng pinto, I saw Alphie on the other side of the backseat with his earphones plugged in. Nakashades sya at nakasandal sa Upuan ng kotse. Hay, bakit sya kasama? -_-

     "Sinama ko, para di ka maOp. [wink] "  Hay naku ka Rayne, kung di ka lang problemado - naku!

Ngumiti nalang naman ako. Sinaksak ko din yung earphones ko sa tenga ko. Suplado ako pagnasa byahe since pagod at alam kong malayo ang Resort na yun, natulog nalang ako. Sanay na si Rayne sakin.

Hindi ko sila naririnig.Todo kasi volume ng earphone ko. Gan'to talaga ko. Napamulat nalang ako ng may tumanggal ng isang earphone sa tenga ko. Tss ><

When True Love StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon