Goodbyes.

5 0 0
                                    

Andito kami ngayon sa NAIA. Ngayon na kasi flight ni bestfriend. Hay, nalulungkot ako pero naiintindihan ko naman e.

"Shinbebe, magpakabait ka dito ha? Gusto ko ako pa rin ang Ulanbebe mo. Gusto ko, ako lang ang ulan na makakabasa ng tuwa sayo."

Nangingilid na luha ni Dang nun kaya naman niyakap na sya ni Shin.

"Of course bebe, you will always be my rain. :) Iloveyou. Wag maglaway sa mga lalake dun ha, alam kong maraming mas hot sakin dun pero gusto ko ako pa rin ang apoy na makakatunaw sa'yo." - si Shin.

Actually, nakokornihan na talaga ko sa kanila. Tss. For whoever's sake, para silang mga teenager. XD

"Hephep! Bago kayo langgamin dyan, oy babaita! Yung regalo ko, di porket sa Canada ka ng araw na yun wala kang ipapadala. Di excuse 'yon. Mag-ingat ka dun ha? Payakap nga, mamimiss kita. "

Nobela kong sabi. Sinadya ko yan.

"Bantayan mo si Shin ha? :) ikaw at si Alphie lang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa kanya. MagIngat ka rin dito, at nga pala! Sana pagbalik ko, iba na laman nyan. "

Sabay turo sa dibdib ko. Ngumiti lang ako at tumango. Hm, sana nga. Sana ng Rayne magdilang anghel ka.

kay Alphie naman sya bumaling ..

"Ikaw pinsan, wag mabagal ha? Ingatan mo ang dapat ingatan! :)"

"Dame mong sinasabe, ge na baka maiwan ka pa! -_-"

Poker face na naman. Naku, bipolar talaga 'to. Konting beso pa tapos, tuluyan ng naglakad palayo si Rayne at mga magulang nya.

*****************1 year after*************

It was so fast. Graduate na kami. Though, di kame pare-parehas ng course sabay sabay lang kaming grumaduate nina Shin at Alphie.

At nga pala, kung kukumustahin nyo 'ko. Konting tulak na lang, makakalimutan ko na talaga si Dobolyu. Konti nalang, sana itulak mo na 'ko - Alphie.

Tama kayo ng basa, si Alphie ang nagiging daan ko para makarating sa lugar kung saan wala ng Perez sa mundo ko.

Hindi mahirap mahulog kay Alphie, kasi bukod sa pamatay nyang itsura, dating at amoy e meron syang mga katangian na nakakapagpainlab sa'kin ng todo. Bukod dun, palagi kaming magkasama ni Alphie. Ganundin naman si Shin, kaya alam ko ang mga ginagawa nya. alam ko kung pano nya pagtaksilan si Rayne.

Alam ni Rayne lahat ng gnagawa ni Shin, pero hindi sya naniniwala. Ang saklap diba? Inihabilin nya sa'kin pagkatapos, pag may mga binigay akong balita - tatawa lang sya. Palaging ganon kaya siguro nasanay na din ako. Sinubukan kong pagsabihan si Shin, pero hindi sya nakikinig. In the end, pinayuhan na lang ako ni Alphie na hayaan ko na lang daw si Rayne to find it in her own. Useless lang naman daw at baka yun pa pag-awayan namin.

Naisip ko naman na tama din naman sya, besides kung umuwi man si Rayne ngayon o bukas - iisang sitwasyon pa rin madadatnan nya --- ang boyfriend nyang niloloko sya.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo? Si Shin at Rayne na naman ba yan?"

Si Alphie. Nandito ko ngayon sa terrace ng bahay namin, hinihintay sya. Nagtext kasi sya kanina na pupunta sya. Kaya ayan.

Tinanguan ko lang sya. Tapos humugot ako ng napakalalim na hininga.

" I am torn between the two. Naaawa ako kay Rayne, pero at some point naiintindihan ko si Shin. "

Ipinatong ko yung kamay ko sa dalawang tuhod ko at tumingin sa langit. Ang hirap. Nakakalungkot.

" Si Shin, lalake rin kagaya ko... once na bumalik si Rayne, alam kong magtitino na sya. Tsaka di pa naman sya garapalan mambabae a? Date date lang, tapos kasama pa tayo. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When True Love StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon