Ayan, masyado talaga silang sweet. Buong oras namin sa lugar na yun e panay ka-sweetan nila ang nasaksihan namin. E eto namang lalaking kasama ko, wakeyr! -_- bakit nga ba sya magiging interesado diba?
So ang ending, ayun boring… Kung hindi lang siguro maganda yung lugar, nakatulog na ko. Buti na lang dala ko yung DLSR na regalo ng Tita Unie ko. Nature lover at Photographer kasi ako. Wait, I mean - aspiring photographer. :)
Fastforward po ...
"Pinsan! Iuwi mo na si Nayie ha? Ingatan mo. Sasama pa kasi ako kay Shin, pinapapunta ako ni Ma- I mean Tita. :) " - mahabang paliwanag ni Rayne.
Iba talaga 'to dumaMoves e. Mala-ninja. Kung di ko lang sya kilala, maniniwala talaga akong wala lang 'to e. -_- subukan ko-----
"At hep! Wag ka ng tumutol Dang! Nangako ako kay Tita Leng na babalik ka sa bahay mo ng kumpleto at sigurado kaya push na!" dagdag pa nya sabay tulak sakin papalapit kay Alphie. Napadako naman paningin ko sa mukha nya .. bakit parang ang lame ng expression nya? Ayaw nya ba?
*
Ang suma, e eto kami naglalakad papunta sa bahay namin. Hanggang kanto lang kasi ang Jeep. May tricycle naman kaso malapit lang bahay namin kaya nagpasya akong lakarin nalang. Pumayag naman siya.
Sobrang tahimik. Di dapat gan'to. Ang awkward. -_-
"U-ahm, A-alphie …"
"May bara ka ba sa lalamunan? "
" Ha? A-ahm, wa-wala a" sagot ko. Owmay, why am I stuttering? Gosh lang. Tumawa lang naman sya - or nagSmirk lang pala.
" Medyo malayo pa, pasensya na ha? Nagtitipid kasi ako sayang yung 20 e. Tsaka, exercise naman 'to diba? Alam mo ba, ang sabi sa nabasa ko dati - 30 minutes lang na paglalakad everyday pwede ng workout ... Cardio. :) " sinubukan ko lang na magkaroon ng topic. Ang blanko kasi pag gan'to.
"Yea, sabi nga. Madaldal ka 'nu? Wala sa itsura."
At that time, napahinto ako. Tinignan ko mukha nya tapos ...
"Stop drooling! :-| "
By that, tumalikod na sya at humakbang na papalayo. Drooling? Tsaka lang nagsink-in sakin. Pft. >< hinabol ko sya.
"Oy! Drooling ka dyan. Kung maglalaway ako, dun na sa Ex ko no! Feeling ka! "
Medyo napreskuhan naman ako sa kanya 'non. Grabe lang.
Alam kong parang di maipinta pagmumukha ko 'non pero wala talaga akong pakielam. Medyo nabadVibes ako sa sinabi nya. Tsss.
All the way ganun ako. Di nagsalita. Di ko namalayan andito na kami sa tapat ng bahay namin. At sya pa ang nagpaalala.
"We're here. Nakalimutan mo na bang dito ka nakatira?" Sabay turo nya sa bahay namin.
Umiling ako. B*b* ba sya? Tss. Di kna sya kinausap. Instead, binuksan ko na yung gate at pumasok. Isasara ko na sana kaso ---
"Ang hard. Wala man lang thank you? "
O nga pala. Dapat pa ring magpasalamat.
"Uhm, Ok! Thank you sa paghatid, Mister Yabang. "
By then, pabalagbag kong sinara yung gate. Nakita ko pa syang nagulat but I don't mind - ang yabang nya. Grrr.
Wala pa si Mama. Hay, gabi na naman yun makakauwi. Naawa na ko sa kanya. Sana talaga di ko sya ma-disappoint.
Dumiretso ako ng kusina para magluto. Pambawi man lang :) adobo. Paborito ni Mama. Nagipit lang ako ng buhok pagkatapos kinuha ang apron at nagsimula na. Hindi naging mahirap para sakin kasi nga madalas ko na 'tong lutuin para kay mama.
Maya maya pa, ready to eat na. 7 pa lang. Usually ang pinakamaagang uwi ni mama ay 8, pinakagabe 10 at kung minamalas, wala ng uwian. Hay, napakasipag nya talaga.
Nagdecide ako na maligo na muna at magbasa ng konti. Para naman di masayang ang oras.
Ilang sandali pa dumating na si Mama. Beso beso.
"Bumili ako ng pizza, oh iinit mo at pagod ako para magluto."
Tapos umupo sya sa sofa, sinandal ang ulo at pumikit. Hay.
"Ma, nagluto po ako ng Adobo. Gusto mo? :) "
Para naman syang nawalan ng antok nun at sumigla.
"Talaga anak? Tara na't baka lumamig pa yun. Hm, mukhang mapapasarap na naman kain ko ne'to a. Maswerte talaga ko at biniyayaan ako ng napakaganda at napakabait na anak. " Nakaakbay na sya sakin at iginayak ako papuntang kusina. Ang drama, pero sweet. Sanay na ko. :)
"Mama talaga, dame alam ay. Haha. Almusal nalang natin 'to bukas ma."
Tumango lang sya. Tapos kasunod na nun ay ang masayang kainan at kwentuhan.
-------
BINABASA MO ANG
When True Love Strikes
Ficțiune adolescențiMahirap magMove-on. Pero kelangan, dapat at tama. Mahirap mainlove muli, pero di maiiwasan.