"Dad, I'll just go outside lang." Sabi ko sa aking daddy na nasa harapan ko kasama 'yung kabit niya.Agad-agad akong tumayo at lumabas sa restaurant na kinakainan namin. Masarap nga 'yung pagkain pero hindi naman makaya ng sikmura ko 'yung paglalandian nilang dalawa sa harapan ko. Nasa Paris kami ngayon. Akala ko date namin 'tong dalawa ni daddy pero isasama niya pala 'yung babaeng 'yun. Ano ako? Third wheel?
Masakit para sa akin. Nararamdaman ko na naman 'yung pakiramdaman na nadudurog at nagdurugo ang puso. Takbo lang ako ng takbo habang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata - luha na punong-puno ng galit at sakit.
Umupo ako at sumandal sa pader na puro bricks. Hindi ko na alam kung saan ako napadpad. Bahala na. Nasa city of love ako pero wala naman akong maramdaman na pag-ibig.
Bakit ba ang manhid niya? Bakit parang wala lang sa kanya 'yung mga ginawa niya? Bakit ang sama sama niya?
May makakasagot ba sa lahat ng bakit? Wala.
Isinandal ko 'yung ulo ko sa pader. "Aray!" Nauntog ako sa isang brick. Nagmomoment 'yung tao eh panira lang bes? Umirap na lang ako hanggang sa binalik ko ulit 'yung tingin ko sa brick na iyon. Sa sobrang galit ko, inalis ko iyon at hinagis sa kung saan. Naiinis ako. Ugh!
Wait.. Ano 'yun?
Dahan-dahan kong nilapitan 'yung pader. Parang may mga sobre dun sa likod ng brick na hinagis ko kanina. Kinuha ko iyon at binuksan. Malay mo pera 'yung laman diba?
Pero mali. Umasa pa naman ako!
August 20, 2006
"It is not in the stars to hold our destiny but in ourselves." —William Shakespeare
K A L I , PH
BINABASA MO ANG
Finding Jasper (Slow Update)
Storie d'amoreMay hinahanap ako. Ang first love ko na ang pangalan ay Jasper. Pwede niyo ba akong tulungan? Kung OO, edi wag ng magpaligoy-ligoy pa! Basa na! cover by: -itsmeblue