Im only one call away, i'll be there and save the day. Superman got nothing on me. I'm only one call away.
I groaned. Kanina pa tumutunog ang cellphone ko sa tawag ng kung sino man, hindi ko lang pinapansin dahil sa sobrang antok ko. Late na ko nakauwi kagabi dahil sa inventory ng cafe na pagaari ko kaya late na rin ako nakatulog.
Umikot ako sa pagkakahiga at tinabunan ng unan ang ulo ko, hindi pinapansin ang pag ring ng cellphone. Pinakaayaw ko sa lahat ay yong naiistorbo ako sa pagtulog.
Pero sobrang persistent ng tumatawag. Paulit ulit at wala yatang balak tumigil. Bumalikwas ako ng bangon at gigil na ibinato ang unan sa baba ng kama dahil sa sobrang inis.
Sinulyapan ko ang alarm clock na nakalagay sa bedside table ko. 2:13 AM.
Im only one call away, i'll be there and save the day. Superman got nothing on me-
Naniningkit ang mga mata kong dinampot ang pesteng cellphone ko. For sure, this persistent caller, whoever he or she is, I swear, masisinghalan ko ng wala sa oras. I answered the call without looking who's the caller.
"What the hell?!"
"Are you lost baby girl?" aniyang caller at binuntotan pa ng halakhak.
Fuck! As expected. Wala namang ibang taong nangungulit sa'kin ng dis oras ng gabi kundi siya lang.
"Fuck you, Montezor! Are you aware what time is it?! It's two fucking AM! Leche ka wa—"
"Whoah! Relax, Sorry okay? Wag na sumigaw. Ang sakit sa tenga."
Naiimagine ko na ang pagkalukot ng mukha nya dahil sa pagsigaw ko pero wala akong pakialam. Antok na antok talaga ako at walang kahit na ano o kahit pa sino ang magpapaganda ng mood ko sa ngayon dahil sa nasira kong tulog.
"Hobby mo ba talagang gulohin ang tulog ko? Pwede namang bukas kana tumawag or dapat kagabi ka na lang tumawag. God! magpatulog ka na naman! Late na kami natapos sa inventory kagabi kaya please lang, wag ako ang kulitin mo ngayon bago ako tuluyang mainis sayo!"
I heard him sighed.
"Sorry na agad. Wag na ikaw magalit.. Hmm."
I rolled my eyes. Masyadong malambing o mas tamang sabihin na masyadong pa-baby. Paniguradong may pabor na namang hihingin to dahil sa tono ng boses niya.
"..It's just, uh.. Ano kasi—"
"What?!" angil ko. "Sabihin mo na ng diretso, antok na antok na ko."
"E kasi ang clingy na ni Sofia, I need to get rid of her. There.. uhm.. I need you tomorrow. Please!"
Napakamot ako sa ulo ng wala sa oras.
"Leche! Akala ko pa naman it's a matter of life and death na, babae mo lang pala ang pinoproblema mo. And wait, who's this Sofia?"
"My latest fling,"
Napairap ako sa hangin.
"Dennise ang pangalan ng latest girlfriend mo Raffa, hindi Sofia.."
"It's just a fling, baby.. I don't do girlfriend. Tsaka last week si Dennise, Sofia na ngayon."
Wow! So ngayon ako pa mali? Pasensya naman. Ang gago lang kasi, akala mo nagpapalit lang ng damit kung magpalit ng babae.
"Two days ko na siyang fling at ayoko na. Ang clingy na nya masyado kaya sige na naman, huh? Tulongan mu na ko. Plitthh?" dagdag nya pa.
Napahilot ako sa aking sintido.
"Whatever, Raffa! And please, stop with that pa-baby talk. Hindi bagay sayo. Inaantok na talaga ako, bye n—"
"Wait! wait!" agap niya. "Asia naman, sige na please! Matitiis mu bang sumakit ang ulo ko dahil sa pangungulit niya. Kawawa naman ako pag lagi niya kong kukulitin. Bukod sa sasakit ang ulo ko, magkakawrinkles pa ko dahil dadagdag lang siya sa problema ko. Sige ka, ikaw din wala ka ng gwapong bestfriend."
Yeah, I'm his bestfriend or mas tamang sabihin na self proclaimed bestfriend.
Raphael Louise Montezor or Raffah— He's a brother of a well-known supermodel Nichole Ann Montezor, bestfriend ko since highschool, na nasa Europe na dahil sa kanyang career. Bago siya umalis papuntang Europe, two years ago, ay inihabilin niya ako to her brother, Raffah. Kaya naman itong unggoy na si Raffah ay F na F ang pagiging bestfriend ko daw.
Bestfriend na panangkalan nya twing may ididispatsa syang babae. Bestfriend na problem absorber nya. Bestfriend na mood enhancer nya. Bestfriend na laging andyan twing bored sya. Bestfriend na taga gawa ng thesis nya. Bestfriend na food-buddy nya at bestfriend sa kung ano mang maiisip ng may saltik nyang utak.
"You still there?"
Bumalik ako sa aking pagkakahiga habang hinihilot ang gilid ng ulo ko.
"Yeah, nandito pa.. And for your information, matagal ka ng pangit Montezor.. Wag mong idahilan ang wrinkles sa pagiging pangit mo."
I heard him laughed.
"So, tutulongan mu na po ato?" pa-baby talk na tanuong niya. Naiimagine ko na naman siyang nagp-puppy eyes.
"As if my choice ako," sarkastikong sagot ko.
"Shoot! Okay.. Tomorrow, I'll text the time and place, huh? Thank you, the best ka talaga kahit kelan.."
"Whatever!"
"Uhm, okay.. Sige na matulog ka na ulit. Basta bukas, huh? I-text kita. Goodnight, Asia.. I love you.."
NAGING CHARACTER PO SI RAFFAH SA PPBNLP.. PERO MAGKAIBA PO SILA NG TIMESLOT, OKAY? THIRD YEAR COLLEGE PA LANG SILA DUN, DITO PO FOURT YEAR NA SILA. SALAMAT! AGAIN, WAG PO MAG EXPECT. XOXO
