Nasisiyahang nagselfie ako sa harap ng salamin. Kakatapos ko lang mag ayos para sa 'Operation Break-up' ng self-proclaimed bestfriend ko. Medyo antok pa ang pakiramdam ko pero kailangan ko na talagang bumangon. Bukod sa may kailangan akong i-review s inventory namin kagabi, dadaan ako sa school ni Raffah.God, ang pangit pakinggan. Para kong ulirang ina na pupunta sa school ng anak ko. Tsk tsk.
Raffa:
Where are you? Come here. Nandito ko sa cafeteria sa loob ng school. She's already here! Can't concentrate sa pagreview. May exam kami later. Come on, matitiis mo ba ko?😭
May kasama pa talagang emoticon sa dulo na umiiyak. Gosh, ang pababy lang talaga. Review my foot! Kelan pa natutong magreview ang unggoy na to? At yung babae namang yun, matutuktukan ko yun mamaya. Ang aga-aga ha! Now i know why Raffah wants her out that fast.
Tsk. Maka-that fast naman ako, akala mo naman ay may tumagal nga sa unggoy na yon! E kadalasan naman talagang days lang ang girlfriend nun or fling. Ugh, nevermind!
I composed a reply to his text.
Ako:
Ok baby! Mom is coming..😂
Mabilis kong kinuha ang clutch bag ko at nagmamadaling lumabas. Tinext ko muna ang manager ng cafe ko na sya na muna ang bahala dahil paniguradong late na naman ako nito makakapasok, uh well, depende sa kung gaano ka-convincing ang arte ko mamaya.
Sumakay na ako sasakyan ko at nagsimula ng magdrive papunta sa YP University.
Hindi pa ko nakapagpark ng maayos ng kinatok na ni Mang Pilo, isa sa dalawang bodyguard ni Raffah, ang bintana ng kotse ko.
Mabilis kong ibinaba ang salamin ng kotse ko.
"May problema po ba, Mang pilo?"
"Good morning pu Ms. Asia,-" bumuka ang bibig ko para sana batiin din sya pero "-Ako na pong bahala magpark ng kotse mo. Iyon po ang bilin ni Sir Raffah, dumiretso na daw po agad kayo sa kanya. ASAP!"
Napangiwi ako. Kung makautos talaga ang unggoy na yon, akala mo hari. Well, maghintay sya!
Bumaba ako ng sasakyan, hindi ko na pinatay ang makina ng kotse ko.
"Sige po, Mang Pilo," nginitian ko sya. "Puntahan ko na po muna yon at baka umiyak. Salamat!"
Tumango lang sya sakin. Halata ang pagkailang. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay naiilang pa rin sya sakin. I mean.. hello? High school pa lang ako ay nakikita at nakakausap ko na siya dahil sya ang dating driver slash bodyguard ni Nichole. Hindi naman sa feeling close ako pero ewan ko ba, para kasing laging may gap.
Second year highschool ako nung unang beses akong nakapunta sa kanila. Isinama ako ni Nichole noong nagkaroon ng company party na sa mansyon nila ginanap. Pagkatapos noon ay nasundan na nasundan ang pugpunta ko sa bahay nila.
Naglalakad na ako papuntang cafeteria ng school. Kabisado ko naman ang bawat parte ng school na to. Bukod sa dito ako nag graduate, almost two years ago, ay madalas din ang pag punta ko dito dahil sa anak ko. Chareng! Dahil kay Raffa. Pag naisip nyang magpatulong saken magreview, papapuntahin nya ko dito. Pag hindi nya trip ang pagkain sa cafeteria, papagdalahin nya ko ng pagkain dito. Pag wala syang cheerer sa paglalaro ng football, papapuntahin nya ko dito. At kung ano- ano pang maisipan ng puro kapa-baby-han nyang utak.
Poker face, pumasok ako ako sa loob cafeteria. Ramdam ko na pinagtitingin ako. Well, sino ba namang hindi? Black backless fitted dress na hanggang kalahati lang ng hita ko ang haba. Mas nadagdagan pa ang height kong 5'7" sa suot kong 5 inches black stilleto. Mataas na nakatali ang buhok ko. Para kong modelo na naligaw dito. Charot lang uli. Malamang magtitinginan sila. Hello? School to, hindi galaan. Subrang out of place kaya ng suot ko.