Chapter 7

63 0 0
                                    

Tiffany's pov.

Tsk. At talagang nakisingit pa siya ha?

"Rrriiiiinnngggg"-"class, dismissed" Agad nang nag ring yung school bell namin. Lunch na namin. Nawalan na ako ng ganang kumain, dahil siguro yun kanina. Ah basta...

Dahan-dahan nang nag-silabasan ang ibang mga kaklase ko. Yung iba,  andito parin. Dito lang ata sila sa room kakain.

"Tippani. Would you like to accompany me?" Patayo na sana ako sa upuan ko ng biglang lumapit sa akin si Taeyeon.

"Why don't you ask that Triesha girl?" Walang gana kong sinabi sabay turo dun sa bruhang babaeng yun.

"Uhh, about kanina ba 'yan? Kung oo, sorry na. Ako na ang humihingi ng pasensya para sa kanya." Agad niyang iniyuko ang ulo niya. Yung parang bata na nakagawa ng malaking kasalanan sa mama niya. Ayt-haha.

Mas lalong umiinit ang ulo ko. Rrrgghh! Ba't niya pinapagtanggol yung babaeng yun?! Bakit? Sila ba? Ha! Tsk.

"Okay. Forgiven." Walang gana ko paring sabi. Agad naman napa-angat ang ulo niya at ngumiti. Napangiti ako nung makita kong ngumiti siya. Ang cute cute niya kasi!  Ehhh-stop that Tiffany.

"Thank you! So, does it mean sasamahan mo na ako?" Rgh! Ang cute niyaaaa. Puppy eyes! It melts my heart.

"Fine." I said then giggled. Nag-smile lang siya. Nilagay ko muna yung books at notebooks ko sa bag at sabay na kaming lumabas ng classroom papunta sa canteen.

"Tae, anong bibilhin mo? Isabay mo nalang sakin." Sabi ko kay Taeyeon nang dumating na kami sa canteen.  Medyo marami-rami narin yung mga students dito. Mga grupo-grupo sila.

"Hash brown pie and chocolate drink." She said and smiled. Nginitian ko siya pabalik at saka ako umalis sa harapan niya para bumili narin ng pagkain namin.

...

...

...

Ang haba ng linya bess!! Naiinip na ako ha. Haystt. Siguro mga 15-ka tao pa bago ako..... Ilang sandali nalang talaga,  at ako na yung susunod.

7 minutes na ang nakalipas at sa wakas ako na ang susunod.

"One Lasagna, One hash brown pie and two chocolate drink miss." I said as I handed her my money. Nginitian niya ako sabay pagbigay niya sa akin nang sukli ko.

Ilang sandali lang ay dumating na ang mga pagkain na inoorder ko. Tinignan ko muna yung nasa likod ko at yun parin naman. Ang haba parin ng linya.

Umalis na ako sa pwesto ko, dala-dala yung pagkain. Isa-isa kong tinignan ang mga lamesa dahil hindi ko nakikita si Taeyeon. Maliit pa naman yun. Hehe

And there she is! I finally saw her, she was laughing with... another girl?
Naramdaman ko nalang na bigla kong binilisan ang paglalakad ko.

Nang andun na ako sa harapan nila,  agad na tumingin sa akin sa Taeyeon at tinulungan niya ako dun sa mga pagkain para ilapag sa lamesa. Hanggang ngayon, di ko parin nakikita yung mukha ng babae kase natabunan ng buhok niya. At dahil sa sobrang curious ko tinanong ko na kung sino siya.

"Ah miss, may I know you?" Agad namang napa angat ang ulo niya.

"Jessi?!" Nagulat ako at parehas lang din naman kami ng reaksyon. Agad akong napa-upo sa tabi. At ayun, kwentuhan ng kwentuhan lang kami ng....

"Uhh guys? Andito parin ako." Agad kaming napalingon ni Jess sa harapan. Pumapout lang si Taeyeon kasi naman nawala na sa utak namin ni Jessie na andito pala siya.

"So, ano na? Magka-ano ano ba kayung dalawa jess?" Napalingon ako kay Jessica ng tinanong siya ni Taeyeon. "Cousin slash bestfriend!" Sigaw ni Jessica,  buti nalang at di kami nakakuha ng atensyon ng iba. Dahil sa sinabi niya, napangiti nalang ako ng bahagya. Tumango-tango lang si Taeyeon at kumain ulit.

Si Jessica yung pinaka paborito ko sa lahat ng pinsan ko. Kahit na medyo nakakabwisit yang walang yang yan, mahal ko parin yan.  Naku, ice princess man yung tinatawag sa kanya pero alam kong sa kaloob-looban niya ay sobrang bait niya.

Nung mga bata pa nga kami, parati kaming nag aaway niyan. Wala padin kasi kaming kamalay-malay nun sa mga ginagawa namin. Hanggat sa naging dalaga na kami at yun, nagkakasundo kami parati,  lalo na pagdating sa pag sho-shoping, mga girly accessories,  etc. Pati na rin sa mga secrets niya, sakin niya sinasabi. Pag mag problema siya,  kaming dalawa yung nag dadamayan. Ganun din naman ako sa kanya. May tiwala kami sa isa't-isa. Btw, matagal-tagal narin ako di naka pagshopping ah.

Habang tahimik lang kaming kumakain, hindi naman awkward yung katahimikan. Chox lang. "Shopping tayo guys! Kaylan free niyo?" Pinutol ko na yung katahimikan. Boring kasi.

Agad namang napa-angat ang ulo ni Jessica at parang sisigaw kaya naman agad kong inilagay ang kamay ko sa bibig niya para di siya maka sigaw. 

Narinig ko yung mahinang pagtawa ni Taeyeon kaya napatawa narin ako.

"Why are you covering her mouth?" Tanong niya na medyo natatawa.
"Eh kasi, kung alam mo lang pagdating sa shoping para talagang baliw yan." Sabi ko habang natatawana sabay alis ng kamay ko mula sa bibig ni Jessie.

"Tiff naman eh." Inirapan ko lang siya dahil nag pout siya.  Ermm, creepy. Feeling ko, unti unti ng tumatayo ang mga balahibo ko. Minsan lang yan nagpapa cute eh. Haha, sarap nga sapakin ng mukha.

Narinig ko ulit yung pagtawa ni Taeyeon. May sasabihin pa sana ako eh kasi biglang nag bell. Kaya agad kaming nagsitayuan.

"Kita nalang tayo maya Tae, Tiff." Tumango nalang kami ni Taeyeon at nagsimula ng maglakad.  Iba yung direksyon ng pupuntahan ni Jessica kasi di magkatabi yung room namin.

At ayun nanaman. Balik naman kami sa dati. Pero okay narin yun kase parang mas magiging close kami ni Taeyeon. Eh kasi naman, ayaw ko talaga sa babaeng Triesha na yun.

Ohh, speaking of the devil....

"Hi Tae!  Ba't di ka sumabay sa amin kaninang mag lunch?" Sabi niya sabay upo sa tabi ni Taeyeon. Pfft. Tae your face.
Pagkatapos niyang umupo ay sabay niyang nilabas ang suklay niya sa kikay bag niya tapos isinuklay na niya iyon sa kanyang buhok at humarap ulit kay Taeyeon. Hinihintay niya yung sagot.

Napansin ko nalang na humarap si Taeyeon sa kin at ngumiti. Kaya naman agad kong ibinaling ang mata ko sa ibang direksyon. Nako, nako! Nakakahiya naman kung nahuli niya akong nakikinig sa usapan nila.

"Kasama ko kasi si Tiffany. Ang saya din niya kasama... At di ako nag sisi nang sa kanila ako sumama." Feeling ko pinapakilig niya ako eh. Waahh!

Feeling ko din habang sinasabi niya yun,  ngumingiti siya. Kinilig naman ako kahit yun lang, kaya agad akong panggap na busy sa pagcecellphone ng namalayan kong nasa bulsa ko pala yun. Tanga lang?

Agad kong ikinuha sa bulsa yung phone ko at naglaro ng games. Yung everwing. Hehe.

My Overprotective GirlfriendWhere stories live. Discover now