Prologue

5 0 0
                                    

May kulot at mahabang buhok. May kulot na maikli. May tuwid na mahaba. May tuwid na maikli. May mga mapungay ang mata. May mga singkit. May mga matatangkkad. May mga maliliit. May mga magaganda't gwapo. May mga pangit. May matataba. May mapapayat. May mga mayayaman. May mga mahihirap. May mga maingay. May mga tahimik. May mga matatalino. May mga mangmang. May mga maswerte. May mga minamalas. Pero lahat imperpekto. Lahat may sariling galing at talento. Lahat may kakayanan. Lahat may dahilan kung bakit nabubuhay.

Mga bagay na naiisip ko matapos kong nalaman na di ako nakapasa sa University na gusto kong pasukan. Dagdag mo pa ang kaibigan kong tinalikuran ako.

Ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Ngayon, nasa ilalim ako. Pero patience lang, Tataas din ako.

Di ko na alam ang gagawin ko. Di ko alam kung paano ko ito sasabihin kay mama. Ine-exprect nya pa namang papasa ako. Pero ano? Wala. Walaaaa!

Di ko pa alam ang kung paano ko kakausapin ang kaibigan ko. Pwede ba syang matawag na plastik?

Pumasok ako sa mall para magpalamig. Naglakad ako papuntang grocery para bumili ng pagkain. Tulala ako habang naglalakad kaya di ko napansing may tao sa harap ko. Nabangga ko sya kaya nag-sorry ako at nagpatuloy sa pamimili.

Nag-aalala talaga ako sa reaksyon ni mama pagnalaman nya 'to. Ini-imagine ko na... "Ma, di ako nakapasa."

"Ano?! *sampal*"

Naku, mahirap yun!

Kumuha ako ng maraming inumin. Pagkatapos nun, umalis na ako para magbayad nang may lalakeng malapit na akong mabangga ng push cart nya.

"Sorry, miss." Sabi nya.

"Okay lang, okay lang." Sagot ko sa kanya at dumeretso na sa cashier.

Lalabas na sa ako ng mall. Habang naglalakad ako, may nakita akong isang painting na lumiliwanag. Pero di ko maintindihan kung bakit nakadikit yun sa glass. Tumingin ako sa paligid, pero bakit parang walang nakakita nito. Dumadaan sila sa harap nito, pero di man lang sila nasisilawan.

Kinakabahan ako... Kukunin na ba ako ni Lord? Patay na ba ako? Dahil ba sa push cart? Eh di naman ako tinamaan nun, malapit lang. At hello? Push cart lang yon, kahit mabangga ako nun, di ako mamamatay. Di ko na lang pinansin yun at nagpatuloy sa paglalakad at bigla may humigop sa akin na kung ano. Napasigaw na lang ako at pagkatapos nun, wala na akong may nakita pa.








Bae Suzy as Kimberly S. Domingo

Kim Seokjin as Samuel F

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kim Seokjin as Samuel F. Diaz









Author's Note:

All names, places, and events involved in this story are pure fiction. Any resemblance to actual person, place or event are complete coincidence.

This story is originally made by me. If my story is similar to any other stories (motion or written) is, again, a complete coincidence.



>>>>>>>>>>>>

Magic GraffitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon