Chapter 3: The Start

2 0 0
                                    

Hindi, hindi. Imposible naman atang mangyari yon?

Eh paano maging imposible? Na-witness ko na nga oh, kung paano ako kausapin ng mga taong di ko kilala at isa pa, yun na nga, may something na nagdala sa akin dito.

Pero... Teka, nanaginip ba ako?

End of Throwback

Ayun, napadpad ako dito. Una wala akong planong pumunta doon sa Villamor Hill, kaso lang naisip ko nun, paano kung nasa ibang mundo nga ako? Kaya sa takot ko, pumunta na lang ako. Basta sinabi ko na lang sa taxi driver na pupunta akong Villamor Hill.

Muntik pa nga akong pagalitan ng driver kac wala na pala akong pera, buti na lang may isa pa akong bag na dinala. Yun yung bag na di sa akin. Sa totoo lang, di ko naman talaga dinala yun, binigay lang yun sa akin, naiwan ko raw.

Kaya ayun, may pera pala sa bulsa ng bag kaya nakabayad ako.

Kinausap lang naman ako roon ng mga di ko kilalang tao basta pamilya ko raw. At ang tawag pa nila sa akin ay Paulo. Tumahimik na lang ako at ngumiti-ngiti. Hindi ko naman pinagsisihan na pumunta ako doon. Gutom na rin kasi ako at maraming masasarap na pagkain doon. 

Nang natapos yung kainan, nagkaroon sila ng karaoke.

Hmmmm, marunong naman akong kumanta, pero hindi na lang ako nakisali sa kanila. Nakakahiya, isa pa, di ko alam ang mga kantang nandun.

At nung umwi na, nagulat ako na ang laki pala ng bahay ko. 

Pagpasok ko sa sarili kong kwarto, meron na itong tv na sobrang lake at manipis, may computer na rin na parang ganun ganun din ang itsura sa tv. Nakakagulat nga dahil hindi pa ako naka kita ng mga ganun sa buhay ko.

Nung una nga hindi ko alam kung anong mga yun. Nagtaka tuloy ang katulong nang magtanong ako sa kaniya. 

Di ko alam kung anong mundo ito. Basta ang daming nagbago. Ibang-iba sa amin. SOBRA.

Move on tayo.

Nakita ko na lang na nangilid yung mga luha ni Kimberly. Gusto ko syang patahanin kaso nakakahiya naman kung gagawin ko yun.

"Ako rin..." Pagsasalita ko. At tumingin sya sa akin. "Marami rin akong naiwan. Lalo na si Jennie."

"Jennie? Girlfriend?"

Tumango ako.

"Aaahhh." Tapos pinunasan nya yung luha nya pati ang ilong nya..

"Sinubukan nya akong pigilan, at doon, sa oras na yun , sinagot nya ako." Napangiti na lang ako.

Nakita ko syang nakatingin sa akin tapos umiiyak na naman.

"Aaawww. Pero, paano na yan ngayon?" Tapos umiyak sya na parang bata.

"Hindi ko alam haha. Ikaw ba? Ano ba nangyari sa 'yo?"

"Magf-first year college na k-kasi ako. Tapos di ako nakapasa sa University na gusto kong pasukan. Huhuhu." Umiiyak pa sya. "Tapos, tapos, natatakot ako kay mama baka pagalitan nya ako. T-tapos, yung kaibigan ko pa..." Maslumakas yung pag-iyak nya.

"Anong nangyari sa kaibigan mo?"

"Matapos ang ilang taon naming pagsasama, isang kasinungalingan lang pa yun sa kanya. Kahit kailan, di nya ako tinuring na kaibigan. Ang mga hindi totoong balita tungkol sa akin noon, sya pala ang nagpasimula, lahat ng kinuwento ko sa kanya, pinagsasabi nya sa iba at iniiba-iba nya. At all this time, di ko alam na sya pala lahat ang may gawa nun." Mahaba nyang kwento.

Wala akong nasagot. Tahimik na lang kaming bigla.

Tinignan ko sya, namumula pa sya pero di na sya umiiyak ng tulad ng kanina. Tulala lang sya, nakatingin sa malayo.

Magic GraffitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon