Nagising ako dahil sa isang panaginip. At bigla kong naalala na may parang humigop sa akin kanina kaya napabangon ako agad. Nakita ko rin na nasa ibang lugar na ako. Pero dala dala ko parin itong binili ko kanina at itong bag ko.
Nasa isang kwarto ako. At halatang kwarto talaga ng isang babae. Pero bakit ako nagising sa sahig eh meron namang kama? Kaloka.
Tinignan ko ang buong lugar. May nakita akong study table na color pink. May mga nakadikit na mga sticky notes sa wall na harap nito. Meron ding mga posters na nakadikit sa dingding. Mga posters ng mga mangilan-ngilang mga artista.
Tinignan ko ang bookshelf nito. May mga learn korean at learn japanese. May mga english novels pang nandito. Lalo na tong Harry Potter. Ang dami nga eh. Hmp, di naman ako nagbabasa nito. Meron din ditong bagay na umiilaw-ilaw. Lightstick ata tawag dito. Nakabili ako nito noong bata pa ako eh, tapos may star sa ibabaw. Pero iba ito. Bilog ang design nya. Kaloka, tanda tanda na bibili pa nyan? Hmm... Sabagay, may iba't-ibang hilig naman talaga ang mga tao.
At wait, may laptop pala dito. Ginalaw ko ito at bigla itong nag-open. Nanonood siguro ng movie ang may ari ng kwartong ito.
Nagulat ako nang may bumukas ng pinto. Napatingin na lang ako sa babaeng hindi ko kilala.
"Anak?" Sabi nya.
"A-anak?" Nagtataka kong tanong.
"Hindi hindi, mama? Ma, ikaw ba yan?" Pabiro nyang sagot. "Bilisan mo na dyan. Ang delivery mo dumating na." Dagdag pa nya.
A-ano? Delivery? T-teka, anong nangyayari?
Lumabas ako ng kwarto para kunin yung delivery ko raw. Nang matanggap ko na iyon, pumasok agad ako ng kwarto. May papel na nakadikit sa labas. Siguro may pangalan ito. Pero wala akong pangalan dito. May nakita ako, pero di ito akin.
Lumabas ako para tanungin ang mga tao sa labas.
"Umm, excuse me po." Sabi ko.
"Nasaniban ka ba, anak?." Sagot ng babae.
"Ano nga po pangalan ko?" Tanong ko. Wala ako dito para mag biruan, girl.
"May amnesia ka ba?" Pabiro nyang sagot.
"Koreana M. Cabrera pangalan mo." Sagot nung lalake tapos tumtawa pa. Di ako yun noh. Tsaka S. Domingo ako.
"Ano nga po? Please. Sabahin nyo." Sabi ko.
"Ewan ko sayo." Sabi nya na lang at di na ako pinansin.
Pumasok na lang ako sa kwarto at tinignan ulit yung papel na nakadikit sa box. Ang pangalang nakalagay doon na reciever ay Kistina Marie M. Cabrera.
Masgumulo ang isip ko nang mabasa ko ito. Mayghad! Anong nangyayari?! Sino to? Ako?
Kaytagal kong tulala sa kakaisip kung anong nagyayari. Kasi parang kilalang-kilala aa
Ko ng mga tao sa labas eh. Kung umasta akala mo namanh parang ang tagal na namin magkakilala. At dahil nabo-bore ako, binuksan ko na lang yung box.Pagbukas ko, napa-wow na lang ako. Adik siguro sa kpop tong babaeng toh. Alam na, kasi intsik yung nakasulat eh.
May nakita akong kulay puti na something tapos pagbukas ko may CD sa loob. Album siguro. May mga posters pa, at yes, mga koreans sila. May mga maliliit pa na pictures. May sweatshirts pa. May nakita rin akong dalawang eyeshadow palette, which is great. At meron ding make up brush set dito, which is greater.
At dahil bored nga ako, kinuha ko na lang yung cd at pinlay sa may dvd. Yes, may dvd si ateng. Yaman.
At habang tumutugtog iyon, napapatanong ako sa sarili ko. Nakakapakinig pa ba ako ng totoong musika? Ang gaganda ng mga kanta ha. Kahit di ko maintindihan, it's a jam. Charot.

BINABASA MO ANG
Magic Graffiti
FantasyShe had no idea why she was there... In a world she do not understand. •Fantasy // Adventure // Mystery // Humor •Tagalog with a touch of English (accurate)