Wala akong choice kundi umuwi dun sa bahay kung saan ako nagising kanina.Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Ang daming tao na nakakakilala sa akin na di ko kilala. Di ko alam kung anong pinagsasabi nila. Basta oo na lang ako ng oo. Tatango na lang kung tatango. At tatawa na lang kung tatawa. At higit sa lahat, yung sinasabi ng mga professors. Di ko maintindihan! Malapit na nga ata sa alien langguage yun eh. Jusko, di ko keri.
"Oh? Anong nangyari sa 'yo? Stressed?" Tanong sa akin nung lalake. Kuya ko siguro to.
"Wala." Sagot ko.
"Kanina pa to nagri-ring cellphone mo oh. Tumtawag si... Sino nga ba yun?" Tapos tinignan nya kung sino.
Tama, sariling cellphone ko pala ang dala ko. Pero mayaman tong so Kristina ah. Pati cellphone bongga.
*ring*
"Ah, ito ito. Annika, Annika pala pangalan nya. Sagutin mo na. Kanina pa yan eh." Dagdag pa nya.
"Hello?"
["Hoy girl! Nasan ka na? Unang-una na kami sa pila. Bilisan mo, baka mahuli ka!"] Sabi nung Annika.
"Saan ba kayo?" Tanong ko. Syempre, sasakay na lang tayo.
["Girl naman, syempre, dito sa labas ng MUA Arena. Girl, bilis! Ganito na lang, mauuna kami dito sa pila. Singit ka na lang okay? Bibigyan kita ng space."] Sabi nya.
Teka? Ano bang meron sa mua arena? Juskong buhay toh.
"Teka, ano bang meron?" Tanong ko.
["Nakakaloka ka ha. Bilisan mo! Pumunta ka na dito! Pahaba na ng pahaba yung pila.]
"Oh sige sige." Sagot ko.
Tinatamad akong pumunta. Ano ba yung nandoon? Huhu.
Pumasok na ako sa kwarto. Nilagay ko yung bag sa study table ko nang may nakita akong something na papel na nakaipit sa ilalim ng laptop ko.VIP ticket?
Pero sino na naman tong mga 'to? Muli kong sinasabi, di ako fangirl. Tinatamad ako.
Pero sayang. Mahal siguro 'to. Marami sigurong may gusto nito. Ibenta ko na lang kaya?
Ah bahala na! Nakakapagod.
Binuksan ko na lang yung laptop. Tapos nanood na lang ako ng mga movies na nandito.
Gaano ba ka-fangirl ang taong ito? Ang dami nyang korean dramas dito di naman ako nanonood nito. Meron lang akong napanood, yung Descendants of the Sun, Goblin, at tsaka yung Bok Joo Bok Joo nga lang napanood ko. Cute naman.
Nag-scroll pa ako baka may mga western movies sya dito. And yes, meron nga.
Napaisip ako, try ko kaya manood nitong kdramang 'to. Maganda naman siguro dba? Tulad nung Descendants of the Sun. Like duh? Nilagay lang yun ng classmate ko sa laptop ko kaya pinanood ko na lang.
*Ring*
"Hello?"
["Ano ba, Kris? Nasan ka na?"] Pagalit nyang tanong.
"Di ako pupunta." Agad kong binaba ito. Ano bang pake ko dyan.
Pipindutin ko na sana yung Strong Woman kaso naisipnkong mag facebook muna.
So, nag-open ako ng facebook. Tinry ko mag-open ng account ko pero ayaw. Incorrect email and password. Ilang beses ko syang sinubukan pero ayaw.
Sinubukan kong i-type ang 'kristina' sa email. At may automatic na lumabas sa ibaba nito. Naka save yung account nya. Baka meron na talaga akong fb account dito.
BINABASA MO ANG
Magic Graffiti
FantasyShe had no idea why she was there... In a world she do not understand. •Fantasy // Adventure // Mystery // Humor •Tagalog with a touch of English (accurate)