" THE MASTER'S INLOVE WITH THE PROSTITUTE "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER ONE
" Anak tama na iyan uwi na tayo." pukaw ni Mang Ambo sa anak.
" Mauna na lang po kayo itay. Babantayan ko po si inay kahit sa huling sandali." malungkot na sagot ng biyente dos anyos na si Karen.
Nakabuntunghininga si mang Ambo sa sagot ng kanyang anak. Nauunawaan naman niya ito dahil kahit man siya ay mahirap din ang mawala ng gano'n na lamang ang asawa.
" Anak alam kung mahirap pero tanggapin na lang natin na wala ang nanay mo. Kahit naman magdamag ka dito hindi na natin maibabalik ang buhay niya. Kaya't uwi na tayo kaysa naman pati ikaw at magkasakit din. Nagbabadya ang ulan anak kaya't uwi na tayo." pangungimbinsi nito sa anak na nakaupo sa mismong tapat ng libingan ng yumao nitong ina.
Pero hindi ito pinakinggan ng dalaga bagkus at nakatingin siya sa malayo kaya't walang nagawa si Mang Ambo kundi ang iwanan ito.
In her mind, ( Karen ) na mas gusto pa niyang sumunod sa nanay niya kaysa ang marinig ang katutuhanan o ang dahilan ng pagkakasakit nito na naging dahilan ng kamatayan. Pero bandang hapon ay muli siyang kinausap ng guwardiya ng cementaryo.
" Ma'am hapon na po at kung maaari ay ayusin ni'yo na rin po ang sarili mo para makauwi ka na rin sa inyo. Isasara ko na po ang gate both entrances at exit kaya ako na po ang nakikiusap na kung maaari ay uwi na rin po kayo." pakiusap nito.
" Sige po kuya. " tipid niyang sagot dito at tumayo na rin para makaalis.
Pero kung ang panahon din ang magbiro, kahit ano pa ang mangyari kahit ano pa ang iwas mo ay mangyayari at mangyayari pa rin ito. Dahil ang iniiwasang marinig ay malaman ni Karen ay kusa rin niyang nalaman sa mismong mga mata niya. By her own, in her barely eyes.
" Itay? Anong ibig sabihin nito? Magsalita kayo itay!" malakas na tanong ni Karen isang hapon na galing siya sa paglalaba sa malaking bahay ng may kaya sa lugar nilang Bicol.
" Huwag mo akong sigawan Karen dahil hindi ako bingi! Kung ano ang nakita mo ngayon iyun na iyun!" ito na ang may ganang magalit.
Pero pa sa isang anak na nagpupursige para makatulong sa pamilya ay hindi na pinakinggan ang sigaw ng ama.
She lost her respect to him!
" Akala ko bulong-bulungan lang ang lahat itay pero totoo pala. Akala ko normal lang para kay inay ang pagiging masakitin nito dati dahil sa kanyang pagtanda! Akala ko hindi mo iyan magagawa pero hindi itay dahil ngayon alam ko na! Na kaya laging nagkakasakit si inay dahil sa kunsumisyon." hilam sa luha na sumbat ni Karen sa amang may kaulayaw na iba.
" Bastos naman ng anak mo Ambo. Kung hindi mo iyan sabihan maghiwalay na tayo ngayon din." malandi namang sulsol ng babaing nasa likuran ng ama na hindi na yata nahiya dahil nandoon siya pero patuloy pa rin itong nangungunyapit sa ama na tanging kumot ang nakatakip dito.
Ang masakit ay ang bunsong kapatid pa ng kanyang ina ang babaing walang hiya ang kaulayaw ng kanyang ama samantalang ilang buwan pa lamang ang nakakaraan simula ng pumanaw ang kanyang ina.
" Ikaw namang babae ka wala kang delikadeza! Walang hiya ka dahil sa lahat ng sakripisyo ni inay sa iyo ganyan pa ang iginanti mo! Patawarin ako ng Diyos pero I swear to God aalis ako sa bahay na ito pero isinusumpa ko kayong dalawa dahil makasarili kayo. Sarili lang ninyo ang iniisip ninyo." umiiyak na sambit ng saka tumalikod pero hindi pa siya nakakalayo ay nagwika ang kanyang ama.
BINABASA MO ANG
THE MASTER'S INLOVE WITH THE PROSTITUTE - BY: SHERYL FEE ( COMPLETED )
General FictionFailure in love, heartaches, upside down of life as well as love, and how the master gain back his confidence in living his life.