" THE MASTER'S INLOVE WITH THE PROSTITUTE "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER FIVE
" Maligayang pagbabalik anak." maluha-luhang sambit ni nana Azon kay Karen.
" Maraming salamat po tiya." tipid namang sagot ng dalaga.
Ilang araw din ang inilagi nito sa pagamutan para masuri ng doctor kung ano nga ba ang karamdaman nito pero sa awa ng Diyos ay " worried free " na ito sa kung ano pa lang bagay.
" Ikaw Karen ha tinakot mo kami mabuti na lang si Master Greg ang nakakita sa iyo eh." sermon na may pag-aalalang sambit ni Lorena.
" Sana naman friendship huwag ka ng mag-isip na magpakamatay gusto mo na bang sumunod sa kanila? Aba'y masarap pang kumain kahit tuyo ang ulam." pagbibiro pa ni Melvz.
Napangiti ang dalaga dahil dito. Tama naman kasi ang mga ito na hindi sulusyon ang pagpapakamatay niya. Siguro nga galit siya sa kanyang ama dahil sa nagawa sa kanyang ina pero ang nabalitaang patay na rin ito ay sapat na para maging kabayaran sa pagkakasala nito. Ang Diyos na rin mismo ang nagparusa dito at sa naging babae nito dahil sila-sila na rin ang naglokohan.
" Oo mga friends gusto ko pang mabuhay dahil sila ay patay na samantalang buhay pa ako. Malay natin sa pamamalengke natin ay makasalubong natin ang forever natin di ba?" sagot naman ng dalaga sa mga ito.
Para namang palaka ang dalawa dahil sa narinig. Kumbaga sa isang bata na nabigyan ng laruan ay tuwang-tuwa na sila.
" Naku kayong tatlo umayos-ayos nga kayo. Magsipagpahinga na kayo at manonood tayo ng live match ni Greg mamayang gabi. " nakatawang aniya ni Darwin sa mga ito.
Ramdam din naman niya ang tuwang lumulukob sa mga ito dahil sa ilang buwang nasa kanila ang pamangkin ng kusinera nila ay nakita na nila ang ugali nito.
" Sir naman bukas pa naman ang laban ni master ah." napakamot sa ulo na aniya ni Melvz.
" Ikaw Melvz akala ko ako lang makalimutin eh ikaw din pala. Haller master Greg will have a national karate fight tonight you know." paenglish namang supalpal ni Lorena dito.
Dahil sa hindi maunawaan ni Karen ang pinag-uusapan ng mga ito ay nagtanong siya kaysa naman parang wala siyang pakialam.
" Sorry po ate, kuya pero ano pong mayroon at may laban si Greg?" tanong ng dalaga at huli na para dugtungan ng master o sir ang pangalan ng bunsong anak ng kanilang amo.
Pero para sa kanya wala namang problema doon dahil kabilin-bilinan nito sa kanya na huwag niya itong tawaging master o sir lalo kapag ito lang ang kaharap. Laking pasasalamat na lamang niya at hindi malaking issue ito sa mga kaharap niya pero ang dalawang dalaga ay kulang na lamang kukuti -kititap sa ningning ang mga mata.
" May laban siya sa Baguio iha. Noong time na nakita ka niya he's in his way para ayusin ang lahat para sa napipintong laban niya. We all know him na ito ang tinapos niya. Alam mo na rin siguro na siya ang master sa sarili niyang gym. Live ang laban well as other competition may elimination round at ang may pinakamaraming panalo ay sila ang maglalaban. " paliwanag naman ni Lorie.
" Wow may God bless him ate sana po at manalo po siya." masayang aniya ng dalaga.
" Sana nga anak dahil alam nating lahat kung gaano kamahal ni Greg ang trabaho niya lalo ang magturo sa mga studyante niya sa gym. At ayun sa naikuwento niya sa akin dati kung makukuha niya ang titulo ng regional ay siya ang representative ng buong North Luzon at sa Manila naman ito gaganapin." muli ay paliwanag ni Lorie.
BINABASA MO ANG
THE MASTER'S INLOVE WITH THE PROSTITUTE - BY: SHERYL FEE ( COMPLETED )
General FictionFailure in love, heartaches, upside down of life as well as love, and how the master gain back his confidence in living his life.