† 1 †

63 6 7
                                    

Invisible | Ch. 1

--

Kalene's POV

Hmm...

Sa tingin mo, kelan kaya ako mapapansin ni Xarred?

Isip isip ko habang hawak hawak ko ang aking rabbit plushie. Hating gabi na at hindi parin ako makatulog. At ang lamig lamig dito, jusko. Andami kasi nung nainom kong kape. Grabe, hindi ako mapakali dito, kelan ba kaya? hindi ko alam kung papaasahin na lang ako ni Xarred o kung ano ba. Haaaaay... Di ko alam.

Hinawi ko ang kurtina ng kwarto ko para makita ang mga bituin sa langit... Kaso wala ako masyadong makita. Sabi kasi ng pinsan ko pagka daw gabi at wala masyadong bituin sa langit, baka umulan daw...

So ayun. Mga siguro pito lang nakita ko?

Pssssh di talaga ako mapakali o makatulog kahit anlamig na dito (naka off lang yung aircon at nasa 1 lang ung desk fan) triny ko na din magbilang ng tupa kaso walang nangyari... E kung titigan ko nalang kaya ang kisame...?

Gumulong ako sa kama ko at...

!!!

muntik na akong mahulog. Hindi ko alam pero dapat mahuhulog nako eh, pero para bang may biglang force na nagpabalik sakin sa kama (I swear hindi ako yun)

Mga ilang minuto din makalipas (at sa pagmumuni muni ko kay Xarred) Nakaramdam na din ako ng antok.

...at may biglang may mainit-init (pero hindi masyado) akong naramdaman o parang dumampi sa aking pisngi at biglang tumaas ang mga balahibo ko.

Hindi ko alam, pero agad namang bumilis yung tibok ng puso ko (E sino ba namang hindi matatakot, bigla ka kayang maramdaman... hahahaha)

Inayos ko ang kumot ko at pinatay ang lampshade sa tabi ko.

-

Zabre's POV

Haaaaaaaay. Ang ganda talaga ni Kalene pag natutulog. Bakit ba ayaw nya tumigil kakapantasya jan kay Xarred na yan..? Eh di hamak na mas gwapo pa ako dyan eh. Kung sana lang makita din ako ni Kalene pero mukang malabo yun mangyari.

Ako ngayon ay nakaupo sa may sahig ng kwarto ni Kalene, pero naka Indian sit. Pinapanood ko lang sya at nako, hindi sya makatulog. Bigla syang humarap sa side ko, pero kamalasan nga naman, e nako! muntik na syang mahulog. Buti natulungan ko siya. Ilang minuto pa at nagbibilang sya ng tupa, at kung ano ano ginagawa niya para lang makatulog.

Kawawang bata.

Naawa ako tuloy sa kanya. May pasok pa kasi siya kinabukasan. So ayun hinalikan ko sya at...

Hinalikan ko siya sa pisngi.

Nakita ko na naramdaman ito ni Kalene. Tuwang tuwa naman ako. Pero sana makatulog sya.

At... ayan.

Ay. Nakalimutan ko nga pala sabihin sa inyo kung ano ba ako. Ako nga pala si Zabre at ilang taon na din akong humahanga kay Kalene. Nasaksihan ko halos lahat ng nangyayari sa kanyang buhay, masaya man o malungkot. Hindi ako guardian angel pero mukang ganon na rin. Kamalas malasan nga lang eh hindi nya ako nakikita. Multo na kasi ako. Pero nararamdaman nila ang presensya ko at ang nakakakita lang sakin eh ung mga taong may third eye. Pero sana naman mabuhay ako kahit saglit lang para makilala rin ako ni Kalene at malaman nya lang din na may nagmamahal sa kanya, e langya naman, pinagpipilitan nya 'yang si Xarred na hindi naman karapat dapat.

Malungkot na rin akong umalis sa kwarto ni Kalene at tumungo sa kawalan.

Kailan nya nga ba ako mapapansin...

At kailan ako magiging tao?

At bakit pa si Xarred na napaka manhid? bakit hindi nalang ako?

ay oo nga pala. Ako ay isang hamak na multo lang na kung saan saan pagala gala at pinagmamasdan ka kung kailan ko magustuhan.

Pero Kalene, gagawin ko lahat sayo para mapansin mo lang ako, sumanib pa ako sa tao.

Invisible | Ch. 1 end•

---

A/n : Hello :3 sana naman maituloy ko ung storya and tatry ko magupdate this Holy Week as far as i can kasi wala naman akong gagawin :)

-C

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon