† 3 †

51 4 13
                                    

Invisible | Ch. 3

--

Kalene's POV

...Paano na kaya ito?

Bawal naman ako magutom sabi ni mama sakin dati pa kasi nagkakahyperacidity ako. So ayun, pinagmasdan ko yung room.

Medyo kaunting tao nalang natira, kaulad ng grupo nina Paul. Sila yung tipong mga bully, pero pag nakausap mo, hindi ka mapapaniwala na sila yung kinakausap mo.

At may nakita akong pamilyar na muka.

Mas pamilyar sa lahat ng kaklase ko kasi crush ko sya.

...si Xarred.

Medyo malungkot ang muka niya kumpara kay paul at mga kabarkada niya. E nako bahala na nga yan! Gutom na ako eh. Baka maulcer pako sa sobrang hyperacidity. Ang OA mo talaga! maisip isip ko. Siyempre, unahin ko pa lovelife kaysa pagkain? Hindi noh!

At ayun may nakita pa akong isang grupo sa classroom, at iyon ang grupo nina Charlene. Sila lang naman ang natira sa classrom at yung iba bumaba para pumunta ng canteen.

By the way, yung grupo nina Charlene, sila yung matinong grupo dito. As in. Tawag nga ng iba sa kanila ay "weirdo" kesyo walang boyfriend, di sikat di mahilig sa mga kung anong trip nila.

Biruin mo mga tao ngayon, weirdo pa ang tawag sa mga matitinong tao? O jusko, may saltik talaga ang karamihan sa ngayon.

At kung nagtataka kayo kung bakit wala akong kasama eh yung isa absent, at yung isa naman, pauwi palang galing U.S. iba talaga pag mayaman no? pa absent absent nalang.

*crrrroooocrooock* (a/n: sfx ng kumukulong tiyan. hehe)

Medyo naglakad ako patungo sa kinauupuan nina Charlene, Erika, at Eliotte. Nasa sulok sila ng room, nagkekwentuhan. Hindi naman nagkekwentuhan pero muka silang nagaasaran na ewan...

Lumapit pa ako ng onti pero medyo naiintindihan ko na.

Mukang jackpot tayo rito ah.

"Eeeeeee! sayo nalang tong sandwich ko. Busog na ako." Sabi ni Erika habang winawagayway yung balat ng chippy at bread pan sa muka ni Charlotte.

"Eh. sayang naman tong sandwich. Eliotte gusto mo sayo nalang?" sagot ni Charlotte na tanong niya naman kay Eliotte.

"No thanks. Di pa ako gutom eh." sabi ni Eliotte.

lumapit ako pasimple at kunwari di ko narinig ang paguusap nila.

"May pagkain pa ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Oo naman! meron pa!" sabay na sinabi nina  Erika at Charlotte habang nakangiti.

Binigay nila yung sandwich sa akin at inalok nila akong makikain sa kanila.

Xarred's POV

Duon muna ako sumama sa grupo nina Paul. Nairita kasi ako kanina sa mga kabarkada ko, wala ba namang respeto. Kainis! Kaya ayun, medyo hindi maipinta mukha ko.

//flashback//

[kaninang umaga]

"Hahahahaha wawa naman 'tong si Xarred. Ampon lang. Hahahahahahaha!"

Kutya sa akin ng mga kabarkada ko kanina. Oo totoo yun, pero hindi ko alam kung ano ba trip nila. Baka siguro wala lang magawa. Nandito kami sa may open field ng paaralan namin. Kumakain lang naman kami ng chichirya tapos bigla silang nagbulungan. Tas bigla akong inasar.

Nag walk out ako at tinawag naman ako ng kaibigan ni Paul.

"Hoy Xarred!" sigaw niya.

Humarap ako sa direkyon na kung nasaan siya.

"Bat magisa ka lang? Gusto mo sumama?" nag aayang sabi nung kabarkada ni Paul.

"A-ano kasi--" Biglang naputol ang sinabi ko ng bigla niya akong hinatak.

Tinanong ko din siya kung bakit siya mag isa at sabi niya pabalik siya ng classroom  kasi may binayaran lang siya sa cashier at dun siya dumaan sa may open field. Niyaya niya akong sumabay sa kanila sa recess. Edi ayun. Nauna nako bumalik sa room.

//end flashback//

Nung naka upo ako, tinitignan ko kung sino yung mga tao sa room. At yung atensyon ko biglang napunta kay Kalene. Magisa ata tapos mukang gutom na ewan. Nung naramdaman ko na siyang tumitingin sakin, bigla ko namang binaling yung atensyon ko sa sahig.

Wow ang kinis.

Zabre's POV

gaaaaah! ang boring naman dito. nakakaleche.

Tinignan ko ulit si kalene at muka naman syang ok. Kasama siya nina Charlotte habang nagtatawanan. Tumagos nalang ako sa kabilang room. Walang katao- tao kaya medyo ginulo ko yung gamit.

Iba talaga pag bored, no?

•Invisible | Ch. 3 end•

--

a/n: baka habaan ko yung next chapter. ahahaha depende pa.

kung nabasa nyo to, paki vote nalang? salamat hehe

-C

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon