† 2 †

60 5 18
                                    

Invisible | Ch. 2

--

Kalene's POV

May nakita akong lalaki na naka suot ng tuxedo. Mukha naman syang mabait. mga siguro 5'8 - 5'9 ang tangkad nya.

Medyo malayo siya sa akin pero muka siyang nakatitig. Hinihintay yata ako. Pero hindi ko sya mamukaan pero naandun ung aura na mabait sya.

Feeling ko nga eh, matagal na kaming magkakilala.

Tinakbo ko ang distansya na papunta sa kanya sa 'di kalayuan.

Tumakbo ako.

Hala...

Sige...

Takbo pa...

Medyo napagod ako kakatakbo pero nung malapit na ako sa mamang naka tuxedo....

*poof*

bigla siyang nawala na parang bula.

--

HOY KALEEEEEEENNNGG!! ALAS SIYETE NA DI KA PA BA GIGISING DIYAN O ANO?

Isa lang pala iyong panaginip, pero muka talagang pamilyar ung aura nya.... Jusko!! Malelate na pala ako!

Dali dali naman akong pumunta sa hapag kainan.

May sinasabi si mama pero di ko na maintindihan. Syempre nagmamadali nako noh!

Sabay upo sa upuan, at kinain ung bacon and eggs na hinanda para sakin ni mama ng madalian.

Woo! agad ko naman itong naubos at kumaripas papuntang banyo. Agad ko namang tinanggal ang aking damit.

Buhos, sabon, shampoo, banlaw.

Agad naman akong nagbihis nung pagkatpos ko maligo. Okay lang kung di ayos. Basta naka damit. Ahahaha bahala na nga!

Tumakbo ako pababa ng stairs at muntikan nako matapilok. Kinuha ko ang bag ko sa sofa at agad na nagpaalam kay mama.

"Bye ma!" masayang sabi ko sabay halik sa pisngi.

Binuksan ko ang pinto ng bahay at nako!, isang araw nanaman 'to puno ng saya (wow ha?) joke lang. Wooh! makikita ko uli si Xarred.

At agad na akong pumunta sa school.

--

[time check 7:31 am

pasokniKalene: 8 am]

--

Zabre's POV

Waaaah! Ano ba yan! katagal ni Kalene!

Kay bagal talaga nun!

Nandito ako sa classroom nila, medyo malamig, kasi may aircon. Nandito ako sa bandang sulok, naka upo sa ibabaw ng bookshelf,  buti nalang, pinagpalang multo ako kasi, kung hindi eh magigiba na 'to.

Pinagmamasdan ko mapuno ang classroom. Medyo marami na ding tao kasi magsisimula na ang klase. Pero wala pa namang masyadong tinuturo kasi first week pa lang naman.

Sa ilang taon ko na pagbantay ko kay Kalene kahit di naman ako guardian angel,  nasusundan ko sya kahit saan. (Pwe, hindi naman ako mamboboso, tumigil nga kayo! Haha) Kunwari sa classroom.

Minsan, pinagtitripan ko ung mga estudyante kasi imposible naman nila ako makita. Pero kadalasan, nakikinig parin ako sa mga tinuturo ng teacher nila. E maaga kasi ako namatay, kaya ayun, may misyon ako na kelangan tuparin para makasama si Lord, pero tinatamad ako, tsaka ang boring.

Paminsan minsan, gusto ko rin mag explore, kaya nga nung binalikan ko ung mga lugar na pinuntahan ko nung buhay ako, at duon ko nakita si Kalene.

Ilang taon ko din sya binantayan, sinundan, pinagmasdan o kung ano man. Napamahal na nga yata ako sa babaeng 'to eh.

Ilang beses na rin kaya syang muntik nang mamatay, at nailigtas ko din sya sa mga oras na iyon.

Bumalik na lang uli ako sa realidad ko nung may tumunog na cellphone. Buti wala pang teacher.

Tinignan ko ang orasan.

7:56 am.

Pagkatapos nun, saktong dumating si Xarred, ang taong karibal ko kay Kalene. (Wow ang OA pakinggan) Hindi naman talaga karibal, di naman niya mahal si Kalene eh. O baka oo naman. Di ko lang alam. Duon siya umupo malapit sa pinto na upuan.

Aisshhh! Tinignan ko uli upuan ni Kalene. Hala wala parin!

*RRIIINNNGGG*

sabay bumukas ang pinto. Akala ko si Kalene. Yun pala ang adviser nila, si Miss Aira Olivar.

Third PPOV

Agad namang pumasok sa classroom si Ms. Olivar.

At sinabi nyang,

"Class monitor, paki lista ang mga wala pa sa upuan. At kung walang bag angupuan, markahanmo ng absen--"

"MA'AM! sorry if I'm late, medyo traffic posabandangkantosadinadaanankopapuntasa school kasi may nagbangaan." sabi ni Kalene, pagkabukas niya ng pinto.

Yung itsura niya parang nanay na may sampung anak. Na naka uniform. Haist! basta imaginine mo nalang!

Excuse naman ito ni Kalene pag nalelate siya ng onti. Minsan iba, pero mukang ganun parin! Sa isip isip ni Kalene, nagpasalamat siya at hindi duon ang ruta ng sinasakyan ng adviser niya, kung hindi, lagot siya.

"Nako Kalene! Buti umabot ka pa. Baka namarkahan ka nang absent sa record. Sige na, umupokanasaupuanmo." Sagot ng adviser niya.

Dalawang subjects na ang lumipas at ngayon ay recess na.

Kalene's POV

Yes! Recess na. Gutom na gutom na ako.  Mmmm! ang sarap siguro ng baon ko. Buti nalang eh pinayagan kami kumain sa loob ng classroom kasi first week of classes palang naman.

Ano kaya ang baon ko?

*Halungkatsa bag*

*halungkat pa*

*halungkathanggangsamagkakaguloguloanggamit.*

Shet.

Wala akong baon.

Paano na to.

•Invisible | Ch. 2 end•

---

A/n: sorry kung ambagal ko magupdate! ayaw pahiramin ni tita saakin ung netbook nya kahit umo-oo naman sya, halatang nananadya. Ambagal kasi dito sa phone ko, tas di pa ako makapag dedic (sira pc namin)

tama na nga satsat! hahaha

kung nagustuhan nyo ung storya ko

vote/ comment!

hahaha ang kapal ko manghingi ng votes e 2nd chap palang xD

-C

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon