mahal kong guitarista,

29 0 0
                                    


mahal kong guitarista,


Ikaw 'tong sikat,

Tagahanga mo lang ako.


Minsan kitang nasilayan

tumutugtog ng gitara

sa taas ng entablado

doon nagpakitang-gilas

sa bawat titig ko

buti na lang 'di ka natunaw

hangang-hanga ako sa talento mong taglay

na kahit tapos na ang programa'y 

hanap-hanap parin kita


Makalipas ang ilang araw,

Muling napakinggan, kakaibang tinig ng gitara

ako naman si tagahanga, sadyang bilib na bilib

iba ang kumakanta, ngunit

sayo lang ang aking titig

buti na lamang at hindi mo parin pansin.


Minsan kitang ninais makilala ngunit

 'di ata sang-ayon ang tadhana

maliban na lamang, noong muli kang nakita

kamag-aral mo pala aking kaibigan

walang padalos-dalos, tinanong ko agad

kung may kilala ba siyang  guitarista

umoo si kaibigan, ako nama'y sobrang saya


Nagulat ako isang araw, notification biglang bumungad

Si kaibigan biglang nag reply

minention ka pala niya, hiyang-hiya ako

"hi fan" yan ang bati mo

bagama't may pagka-hiya ay siya paring kinatuwa ko

na kahit sa comment lang ay napansin mo ako.


Sa bawat araw isa lang ang hiling ko

masilayan ka lang na nilalaro ang gitara mo'y sapat na sakin

'pagkat yun lang ang pinanghahawakan ko

sa kadahilanang mukha mo'y di ko tanda


Bagamat gano'y umaasa parin

na darating ang araw kung kailan

masisilayan na kita ng malapitan

at mukha mo'y aking matatandaan


nagmamahal,

iyong tagahanga



--------------------------------------

Hi junjun hahahha yes, mahal kong guitarista (char para sa "mahal" hahahha) this is for you. Lahat ng gusto kong sabihin sa'yo nandito na, kung gaano ko kagustong i-kwento sa iba kung paano ka nga ba napunta sa isipan ko?

Maaaring maraming taong humahanga sa'yo, lumalapit sa'yo every after mo mag perform, alam kong alam mo na isa akong tagahanga mo pero 'di gaya ng iba, di kita kayang lapitan. "Wala akong lakas ng loob" na lapitan ka kaya isa lang ang lagi kong sinasambit, "okay na kong masilayan ka mula sa malayo" pero laging bulong ng puso ko, "kahit na ayaw ng isipan ko, gustong-gusto kitang masilayan ng malapitan, gustong-gusto kong mapalapit sa'yo"

Ang drama ng puso ko hahahhaa pero kahit ganon, salamat sa pag i-inspire sakin. Salamat sa pagtugtog ng gitara na nagpapakalma sakin. Actually kayang-kaya kong panuorin araw-araw yung cover mo e hahhaha  

mahal kong guitarista, (nagmamahal, tagahanga)Where stories live. Discover now