Prologue

90 4 0
                                    

Napangiti ako ng makita ang lalaki na matagal ko nang mahal palapit dito sa cafeteria.

May dala-dalang bulaklak.
May tarpaulin na nakasulat ang mga katagang WILL YOU BE MINE?

Tumibok ang puso ko ng pagkabilis-bilis.

Napangiti ako sa sarili ko.

Nakangiti na akong nakatingin sa kanya.

Ang saya siguro maging sa kanya nalang.

"Will you be my girlfriend?" - sabi ni Eros na nakangiti at sigurado na ang tagumpay.

Napangiti ako sabay pigil sa mga luhang nagbabadyang tumolo.

"say yes! Say Yes! SAY YES!"- sigaw ng mga taong naka palibot.

Mas lalo tumambol ang puso ko.

"Yes Eros! Yes! I love you!"- sigaw ni Marie na halatang maligaya.

Napangisi nalang ako sa sakit.
Pasimple kong pinahiran ang luhang lumandas sa pisngi ko.

"Yeeeessss! Whhooohhoooo! I love you too Marie!"- sigay ni Eros na masaya at masyadong kontento.

Ang saya siguro maging kanya. Ulit.
<|3

.
.
.

Naranasan mo na bang humiling na sana ikaw nalang ulit?

Sana ikaw nalang ang nagpapasaya sa kanya?

Sana ikaw nalang ang kahawak kamay nya?

Sana ikaw nalang ang kasama nya lage?

Sana ikaw nalang mahal nya?

Mahirap humiling sa isang bagay na  halos impossible.

Mahirap humiling lalo na alam mo 'di naman para sayo.

Humiling ka na  rin bang sana ikaw nalang?

Kasi ako?

Oo...

Sana ako nagpapasaya sa kanya.

Sana ako kahawak kamay nya.

Sana ako kasama nya lage.

Sana ako nalang ang mahal nya.

Sana ako nalang ulit, Eros.

.
.
.

"Pwede bah!? Stop pretending! And please! Stop loving him! Ayokong nasasaktan ka at wala akong magawa!"- sigaw ni Tristan sa harapan ko na mukhang galit na galit.

Sana Ako NalangWhere stories live. Discover now