PINAGSAMAHAN
Pinaka boring na summer sa buong buhay ko.
Sana may magandang mangyari.Hindi ko parin makalimutan kung paano nya pinasagot si Marie sa harap ko pa.
Sabi nila nakakainlove daw ang lalaking loyal sa mga girlfriend nila.
Sabi din nila kaya inakit ni Marie ang EX ko na si Eros dahil nahumaling sya sa magiging loyal ni Eros sakin.
Eros is the school's cutie and good boy.
Yung tipong napaka inosente na hindi mo talaga maiisip na mag chi-cheat.Kaya nga inlove ako sa kanya masyado.
Pero syempre di ako desperada.Noong sinabi nya na mag hiwalay na kami ay pumayag ako kaagad.
"Ba't ka pumayag na maghiwalay kayo nun!?"- sigaw nang kaibigan kong si Kiana
"Kasi alam ko na may something na sa kanila ni Marie nun."- mahinahon kung sabi.
Oo, kaya madali ko syang pinakawalan dahil naramdaman kong nag iba na sya at hindi ako desperada.
February 1 kami naghiwalay at March 1 naman sya sinagot ni Marie.
Ang kapal ano?
"Kahit na no! Dapat pinaglaban mo! Mas maganda ka naman sa Marie nayun! Inggitera! talaga! Sinayang nya lang pagkakaibigan natin!"- malakas sa sabi nya.
Tsk. Hindi na no! Kasi kung mahal nya ako di nya ako iiwan. Kasi kung loyal talaga sya di nya na papansinin si Marie.
Tsaka kung talagang kaibigan ang turing ni Marie sakin di nya yun magagawa.Naiinis rin ako kay Marie.
Masyado syang maharot.
Alam nyang may girlfriend nangharot pa.Pero well di na ako magiging bitter.
Chill naman ako kahit thrill na ng buhay ko. Pero ang boring na talaga ng summer."Hay naku! Ewan ko sayo! Ang panget mo na! Natutulog ka pa ba!? Haliparot na Marie anong bang meron sa mga may jowa na't binakuran na't lahat-lahat hinaharot pa! Ang ahas!"- Naiinis na utas ni Kiana.
Tumahimik nalang ako.
Okay din naman kasi mag co-college na kami sa pasukan. Di ko naman siguro sila makikita araw-araw.
"Hay naku! Miguela ah! Ang talino mo sana kaso ang bobo mo rin! Naturingang Valedictorian ng batch natin! Ano lang ba yung Marie nayun? 2nd honorable mention!? Pwe! Ang plastic nya ah! Maypa support-support pa sya nong nanligaw sayo dati si Eros!"- galit parin si Kiana habang sinasabi nya yan.
Salutatorian si Eros, 1st honorable mention naman si Kiana.
Ang awkward nga nung graduation kasi nag-uusap kami ni Kiana tas nasa gitna si Eros.Ako, si Eros, si Kiana tapos si Marie na di naman pinapansin ni Kiana.
Kaya ngayon lang nagalit ng ganyan si Kiana dahil kanina....
.
.
.
.
.Naglalakad kami sa mall nang may biglang naka bangga kay Kiana at natapunan sya ng juice sa damit.
"Ang tanga! Ano bah!"- sigaw nya sabay angat ng ulo nya para tingnan kung sinong naka tapon.
Nasilayan namin ang naka ngising mukha ni Marie.
"Ayy.. Sorry akala ko basurahan."- mahinahon nyang sabi.
Susugorin na sana sya ni Kiana ng biglang dumating si Eros at pinigilan si Kiana.
"Kian! Ano bah!?"- sigaw nya habang hawak-hawak si Kiana.
"Wag mo akong ma Kian-kian jan Eros sasakalin ko yang impakta nayan!"- sigaw nya at nagpupumiglas

YOU ARE READING
Sana Ako Nalang
FanfictionA STORY OF BROKEN FRIENDSHIP, BROKEN FAMILY AND BROKEN LOVE. SANA AKO NALANG.