I HAD ENOUGH
Umaga ng Sunday at magsisimba kami ngayon ni Kiana.
Nagsisimba kami dati kasama si Marie at Eros. Simula nong naghiwalay kami ni Eros di na kami nakapagsimba ulit.
Medyo kinakabahan ako baka kasi makita namin sila ni Eros sa simbahan ayokong maugnay pa sa magugulong mga utak nila.
Nasa sasakyan ako ni Kiana at patungo kami ng simbahan.
"Mabuti naman at magsisimba na tayo ulit ang hahaba na ng mga sungay natin kailangan natin ng paalala sa mga simpleng kabutihan. Buti at sinet aside mo ang personal issues mo."- sabi ni Kiana na nagdadrive
Tumango lang ako sa mga sinabi nya.
Ayoko rin namang maging alibi sa hindi pagsimba ang makasalamuha sila.Kung nandon man sila di ko narin siguro papansinin.
Pag kinausap ako di ko na lang rin papansinin. As if naman na kakausapin ako nun.
"Ano gagawin mo pag nandun sila? Ang panget pa naman ng last convo nyo ni Eros."- Kiana
Oo nung alam nya na yung call. Sinabi ko sa kanya pagkaalis nila ni mommy. Pagkatapos kong sabihin sa kanya syempre nainis nanaman at nagalit sya para sakin. Pagka tapos ay nagsaya nalang kaming dalawa sa boracay.
Ang rami naming pictures na kami lang dalawa at agad ko pinost yun medyo nagiging adik na ako sa social media eeeh.
"Hindi ko na papansinin. Kaya wag mo narin pansinin."- Sabi ko sa kanya
"Ows? Di ko ata yun kaya kasi pag nakita natin sila dun patawarin ako ng Diyos may dugong dadanak."- maldita nyang sabi
Grabe ang oa talaga bagay sila ni Kiddie!
"Huwag ka ngang oa di bagay sayo maging killer. Ang ganda² mo tas papatay ka lang ng mga walang kwentang tao."- walang gana kong sabi
"Hahahaha So! Convince ka na pala na wala silang kwenta."- natatawa nyang sabi
"May kwenta naman sila sa ibang tao pero sakin wala na silang kwenta. Di ko sila kailangan sa buhay ko. Ikaw ba? May kwenta pa sila sayo?"- tanong ko sa kanya
"Dear Miguela naging kaibigan ko si Eros dahil sayo. Di naman kami close nun kay okay lang wala sya. Well as of Marie feeling ko pati ako tinaksil nya, kasi diba? Mas close kami kesa sa inyong dalawa pero di nya nasabi sakin mga insecurities nya."- mahaba nyang sagot
Hhmmm... Oo nga naman. Pero di ko maiwasan mag isip na sayang talaga pinagsamahan namin.
"Baka dahil bestfriend tayo. Baka nga pati sa friendship nating dalawa insecure din sya."- wala sa sarili kong sabi
Huminto at pinark nya ang sasakyan sa parking lot. Tinigil nya ang makina at saka bumaling sakin.
"Actually yun din naisip ko. Baka ganun nga."- malungkot nyang sabi
Lumabas nalang kami sa sasakyan at pumasok na sa simbahan.
Plano namin mamili ng school materials mamaya sa National Bookstore pagkatapos mag simba kasi start na ng class bukas. Nung isang araw lang kasi namin nakuha ang requirements namin kaya ngayon lang kami mamimili.
Natapos ang simba at nakasakay na kami sa sasakyan si Kiana ng walang nakikitang Eros at Marietta.
Baka iniiwasan din nila kaming makasalamuha."Swerte nila ah di nila ako nabangga ngayong araw natu dahil baka masuntok ko si Eros. hahaha"- natatawang panunuya ni Kiana
Relieved naman ako dahil di namin nakita ang dalawa. Baka kung ano nanamang eksena ang mangyari nasa simbahan pa naman kami.

YOU ARE READING
Sana Ako Nalang
FanfictionA STORY OF BROKEN FRIENDSHIP, BROKEN FAMILY AND BROKEN LOVE. SANA AKO NALANG.