CHAPTER 23: The Plan

577 9 0
                                    

(A.N: Dedicated to stylishtunes. Thank you for adding my story to your reading list. :D)

(---JIRO’S POV---)

Dalawang linggo na ang lumipas nang i-announce ni Tito Dwight ang tungkol sa kasal ni Adrian at Elise.

Talk of the town sila ngayon sa school.

Kahit ako, hindi makapaniwalang buhay pa at marami pang naniniwala sa arranged marriage.

Ang saklap talaga ng nangyari sa pinsan ko. Naaawa ako sa kanilang dalawa ni Jen.

Nandito kami sa cottage kung saan kami madalas kumain. Kami lang ni Yumi at Jen ang nandito ngayon. Si Adrian? Kasama si Elise. Kaya lalong nalulungkot si Jen. Mukhang tuluyan na masisira ang relasyon nila ni Adrian.

                “Yumi, pupunta lang ako ng restroom.” Nakatakip ang kamay ni Jen sa bibig nito. Para siyang naduduwal nang umalis.

                “Yumi, sundan mo si Jen. Mukhang masama ang pakiramdam niya.” Tumango naman si Yumi at agad na sinundan si Jen. Ilang araw na din namin napapansin na madalas mahilo at maduwal si Jen.

                “Jiro...” rinig kong tawag sa akin ni Adrian at kasama niya si Elise. Ano bang ginagawa nang babae na yan dito? Buti na lang at wala si Jen ngayon dito.

                “Bakit, pinsan?”

                “Si Jen?”

                “Nagpunta lang ng restroom.” Tipid na sagot ko sa kanya.

                “Jiro...”

                “Hmmm?” mukhang may mahalagang sasabihin ito sa akin at hindi matuloy-tuloy.

                “Nag-usap kami ni Elise at may plano kami para hindi matuloy ang kasal.”

                “Ha?”

                “Tss. Bingi ka ba?” pang-aasar pa nito sa akin.

                “Oo. Bingi ako. Pakiulit.”

                “Sabi ko, may plano kami ni Elise para hindi matuloy ang kasal.”

                “Ano naman?” nagkatinginan muna si Elise at Adrian.

                “Magpapakamatay ako.” Sagot ni Elise.

                “ANO?!” napatayo ako sa sinabi ni Elise. Seryoso ba siya? Magpapakamatay siya para lang hindi matuloy ang kasal?

                “Sssshhh! Umupo ka nga.” Utos sa akin ni Elise.

                “Hindi naman as in magpapakamatay talaga. Mahal ko ang buhay ko at hindi ko kayang gawin yun. Tatakutin ko lang sila Mom at Dad para i-urong nila ang kasal.” Huminga ako ng malalim.

                “Whoo. Akala ko, magpapakamatay ka na talaga.”

                “Hindi no. Ganito ang gagawin ko, pupunta ako sa rooftop ng building namin at kunwari tatalon ako. Syempre, may suot akong harness. Itatago lang natin ng maigi.”

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon