CHAPTER 9: Confused

773 20 3
                                    

(A.N: Dedicated to ArianeChristelJuarez. Thank you for adding my story to your reading list. ^.^)

(---JENNY'S POV---)

Umaga na at pasukan na naman ulit sa school. Kailangan ko na bumangon. Tama, kailangan ko na bumangon kahit hindi naman ako nakatulog dahil mula sa trabaho, hanggang sa pag-uwi ko at hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Adrian bago siya umalis.

Ang ganda mo ngayon, Jen.

Ang ganda mo ngayon, Jen.

Ang ganda mo ngayon, Jen.

Ang ganda mo ngayon, Jen.

Ang ganda mo ngayon, Jen.

Argh! Leche ka talaga, Adrian. Hindi mo ako pinatulog dahil sa mga sinabi mo. Pagbukas ko ng pinto, nasa harap ko si Yumi. Kakatok sana para gisingin ako.

"Woah! Hahahahahaha! Ang laki ng eyebags mo, friend!" tama bang tawanan ako?

=_=

"Sorry. Hindi ka nakatulog no? Ano bang nangyari kahapon na naging dahilan ng paglaki ng eyebags mo?" tanong ni Yumi na umiinom ng kape. Wala kaming matinong breakfast ngayon dahil late na ako bumangon. Hindi rin ako nakapag-kwento sa kanya dahil late na din ako umuwi galing sa trabaho at natutulog na siya pagka-uwi ko dito sa condo.

"A-ahm. Sinabihan ako ni Adrian na maganda ako kahapon kahit na binugahan nya ako ng kape. Tss." Hindi ko alam kung kikiligin ako or magagalit dahil sa binugahan nya ako ng kape at dun sa sinabi nya.

"Ano?! Binugahan ka ng kape?!" sagot ni Yumi na muntik na ma-ibuga ang kape na iniinom nya sa akin. Buti na lang at nilunok na kaagad niya.

"Oo. Nun dumating kasi ako, mukhang may malalim siyang iniisip. Ni hindi nga niya napansin na nasa harap na niya ako. Tapos tinanong ko siya kung ok lang ba siya, ayun. Saktong na-ibuga niya sakin un iniinom niyang kape."

"Ikaw naman pala ang may kasalanan. Wrong timing ka naman kasi magtanong."

"Oo. Ako na may kasalanan. Pero sorry siya ng sorry sa akin dahil sa mukha ko talaga ang nabugahan. Nakakahiya. Ang dami pa naman tao nun mga oras na yun sa shop."

"Himala. Nag-sorry siya sayo. Pero nun nilagyan niya ng chewing gum ang palda mo, ni sorry wala akong narinig sa kanya."

"Oo nga. Parang siya yun Adrian na textmate ko kahapon. Hindi yun Adrian na mahangin." Nakakapanibago nga ang mga kinilos ni Adrian.

"See? Sabi sayo may soft side din yan si Adrian. Go, bff! Ay, teka. Maligo ka na nga. Baka ma-late tayo sa school. Dali!" utos ni Yumi. Kaya nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko para mag-ready. Nilagyan ko ng concealer ang eyebags ko para hindi masyadong halata na hindi ako nakatulog.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(---ADRIAN'S POV---)

Nandito ako ngayon, nakaharap sa salamin at tinitingnan ang sarili ko. Ang laki ng eyebags ko! Nasisira ang gwapo kong mukha dahil sa eyebags na to. Kung pwede lang to burahin, kanina ko pa binura. Oo, hindi rin ako nakatulog tulad ni Jen. Iniisip ko pa din yun nangyari kahapon sa coffee shop. Nakakahiya talaga. Sino ba naman ang hindi mahihiya kapag nabugahan mo ang taong gus-... ah, este, taong kausap mo. =_=

Siguro nagtataka kayo kung paano ko nalaman na hindi nakatulog si Jen. Basahin nyo ang flashback. Hehe.

*flashback*

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon