CHAPTER 14.1: Cupcake

688 13 2
                                    

(A.N: Dedicated to JellicaCampo. Thank you for being a fan! :D)

(---JEREMY’S POV---)

Hello sa inyo! Ako nga pala si Jeremy Shin. Ang dead na dead kay Jen. Kaya hanggang ngayon, wala pa akong girlfriend dahil si Jen lang ang gusto ko maging girlfriend at maging asawa. Umaasa pa din ako kahit kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Oo, martir ako. Pero alam ko na dadating din ang panahon na mamahalin ako ng taong mahal ko.

Ihahatid ko nga pala si Jen ngayon sa Maryland Academy. Masaya ako ngayon dahil nakasama ko ulit siya pagkatapos ng isang taon pamamalagi sa US.

                “Jeremy, bakit ka nga pala nasa Maryland Academy last week?” tanong ni Jen.

                “Ah, yun ba? Nagpasa ako ng business proposal. Balak ko kasi maglagay ng isang maliit na branch ng Starsky Coffee Shop.”

                “Talaga? Iba na talaga kapag businessman. Papasa-pasa na lang ng business proposal.”

                “Hahahaha! Hindi naman. Andito na pala tayo.”

                “Oo nga. Thank you sa paghatid ha.” Bumaba na si Jen ng kotse. Pagtingin ko sa back seat, nakita ko yun box ng cupcakes na binigay ko sa kanya. Nakalimutan niyang dalhin. Bumaba ako ng sasakyan para ibigay sa kanya.

                “Cupcake, sandali lang!” lumingon naman siya sa direksyon ko at lumapit.

                “Naiwan mo. Ulyanin ka na pala ngayon ha.” Asar ko sa kanya.

                “Sira! Thank you! Sige ha. Punta na ako sa department.”

                “You’re welcome, cupcake!” ninakawan ko siya ng halik sa cheeks. Nagulat siya at hinampas ako.

                “Jeremy!” halatang nainis siya kaya tumakbo na ako pabalik sa kotse.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(---ADRIAN’S POV---)

Nandito na ako sa school. Sinundan ko sila Yumi kanina hanggang sa ihatid siya ni Jeremy sa school. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Jen na ihatid ko siya. Hindi ako mapalagay kapag nakikita ko si Jeremy. Nakikita ko sa mga mata ni Jeremy na may gusto siya kay Jen pero hindi ko alam kung bakit hinahayaan lang ni Jen si Jeremy.

                “Cupcake?! Bakit cupcake ang tawag ni Jeremy sa love ko?! Tss.” Pwede ko pa palagpasin ang pagtawag ni Jeremy ng cupcake kay Jen pero ang sumunod na nangyari ang hindi ko palalagpasin. Hinalikan ni Jeremy sa cheeks si Jen.

                “That’s it!” Bumaba ako ng kotse ko at sinugod si Jeremy. Nakatikim siya ng suntok sa akin.

                “Adrian! Stop!” pinigilan ako ni Jen. Gusto ko pa suntukin si Jeremy para magtanda siya.

                “Jeremy, bumalik ka na sa office. Ako na ang bahala dito.” Agad naman umalis si Jeremy.

                “Adrian! What’s wrong with you?! Bakit mo sinuntok si Jeremy?!” sigaw sa akin ni Jen.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon