I woke up and remembered, AALIS PALA KAMI NI FAITH PARA MAMILI NG SCHOOL MATERIALS SA BOOKSTORE. Kailangan ko nang mag prepare, madami na palang texts ni Faith, earlybird.
"Scarlett!"
"Huy tagal mag reply oh"
"Woi gising na tirik na tirik na yung araw"
"Puntahan na nga lang kita dyan"
"GISING!!!"Sinagot ko lang,
"I'm sorry, just chill up"
Naghanda na ako, bukas na pala yung first day namin.
Tinawag ako ni Nanay Silva, she is our maidservant na tinuturing ko na din like my mom. Siya na kasi nakakasama ko since bata pa ako, my parents are constantly busy with their business in states so my company is Nanay Silva lang.
"Anak, si Faith andito na", sabi ni Nanay Silva habang nag p-prepare ng breakfast.
"Scarlett hurry up, 'di pa ako kumakain. Tara na kain na tayo! Bumaba ka na dyan", pag aaya na parang bata. Ang kulit talaga neto.
"Going down", matipid sagot ko. Grabe, ang bango ng luto ni Nay. Amoy palang talaga ng luto nya, mabubusog ka na.
"Hi nay, Good morning po!", pagbati ko kay Nanay Silva.
"Good morning din anak, nako umupo na kayo ipinaghanda ko kayo ng almusal", sabi niya.
"Mukha pong masarap yung breakfast! As always naman hehe", makulit na sabi ni Faith. Loko talaga 'to.
Pagkatapos namin kumain pumunta na kami ng bookstore, habang naghahanap kami ng mga kailangang bilhin ni Faith, may nakabangga ako.
Ano ba 'yan, hindi kasi nag iingat!
"Hey, watch where you're going!", inis na sabi ko sa lalaki nakabunggo ko.
"Oh, sorry", sabi nya. He looked at me with a mark of apology on his face. Napansin ko napatingin siya sa dibdib ko. I interrupted him as I clear my throat.
I just nodded at ipinagpatuloy ang paghahanap ng mga kailangan namin ni Faith. Tapos etong babae na 'to, makatingin parang may ibig sabihin na ewan.
"Uy ikaw ah, makatitig ka kay Kuya Tangkad sobra huh", pang aasar nya
Well, he's a good-looking guy. I won't lie. Ang gwapo, brown eyes, matangkad, medyo brown din yung buhok, maputi tapos yung lips nya. Parang rose, he's such a hottie. I won't lie.
"Oh please, Faith. Tigilan mo 'ko ng mga paandar mo. Tara na sa counter"
Then we proceed to the counter and after that we went home.
BINABASA MO ANG
The Concupiscence (R-18)
RomanceDo you believe that lust can turn into real affection? What if things will suddenly be more than what you thought? Is this love could have a happy ending and lasts forever? Or could not have a happy ending and won't lasts forever?