Clinic
Zelina POV
Pag ka gising ko ay mukha agad ni Mommy, Daddy, at Stephen ang nakita ko na mukhang nag aalala.
"Are you okay ate? May masakot ba sayo? Ha? Ate sumagot ka nga!" Natawa na lang ako sa inasal ng kapatid ko. Sobrang OA nya talaga pag dating saakin.
"Okay lang ako stephen don't worry. Hahaha" sabi ko nang natatawa. Bigla namang tumikhim si Zeus kaya agad akong napatingin sakanya. Naalala ko na siya pala ang lumigtas saakin.
"Ahhm. T-thank you nga pala sa pag ligtas saakin Zeus." Sabi ko nang nahihiya, dahil sino ba namang hindi mahihiya dahil ang isang nerd e tinulungan ng isang heartthrob, e syempre mahihiya ka diba.
"Wala 'yon. Okay ka na ba?" Tanong nya.
"Ah-ahmm. Oo okay na ko. Thank you ulit." Pag papasalamat kong muli sakanya habang naka ngiti.
Biglang bumukas ang pinto ng clinic at iniluwal nito ang best friend ko, ang kaisa-isang best friend ko sa school sya si Natallie Ruth De Vera.
"Nakuu! Beshieee! Kamusta ka na? Okay ka lang ba? Ha? Masakit ba yung ulo mo? Yung katawan mo? Nakuuu! Sorry beshie di kita napag tanggol sa lesheeng Roxanne na yan! Nakoo ka! Bat di ka-----" pinutol ko agad ang sasabihin nya ang daldal kasii! Ang OA talaga nya pag dating saakin!
"Shhhh! Oo beshie okay lang ako! Don't worry! Walang masakit saakin!" Sagot ko sakanya nang natatawa.
"Para namang lalaban yang si ate kay Roxanne." Sabat naman ni Stephen sa pag uusap namin ni Natallie.
"He! Manahimik ka nga! Palibhasa isa ka sa ng nam bubully sa school noh!" Sagot ko sa sinabi nya.
"Totoo ba yun ha Stephen?" Tanong ni Mommy and Daddy. Uh-oh. Yari na si Stephen kay daddy neto. Sesermonan nanaman siya nila mommy! Hahaha.
"Ah-Eh Ahh, hehe. M-minsan lang naman po dad!" Sabi nya habang kumakamot sa batok nya. Napatawa na lang kaming lahat sa sagot nya. Bigla namang nag ring ang cellphone ni daddy. Kaya nag excuse na muna siya saamin at lumabas ng clinic. (Clinic sa school)
"Ehem" tikhim ni Zeus. Kaya napatingin kami sakanya.
"Ah, baby, labas muna kami ha? Tara na Stephen, Natallie." Aya ni mommy sakanila. Tango na lang ang isinagot ko kay mommy. Bumalot naman ang katahinakan sa loob.
"Ehem, sinabihan ko na pala sila Roxanne na tigilan ka na nila." Finally binasag nya na ang katahimikan ditoo.
"Ah, di mo na kailangang gawin yun noh. Salamat ulit ha." Sabi ko habang nakangiti.
"Ahm. Ano, pwede ba tayong maging kaibigan? Hehe" Sabi nya habang kakamot kamot ng batok nya, at ako namn ay di makapaniwala, ang heartthrob? Magigipag kibigan sa isang Nobody? Sa isang Nerd? Imposible! Pero sige na nga! Payagan na siya naman ang nag ligtas saakin e.
"Ah, oo sige" sabi ko habang nakangiti. Bigla namang bumukas ang pinto at sinabi nya na pwede na daw akong pumasok, saktong pag labas ng nurse ay pumasok naman sila mom.
"Anak, aalis na kami ng mommy mo, may meeting pa kami e, Zeus salamat nga pala sa pag ligtas sa anak namin." Sabi ni mommy.
"Sige po mom, dad, ingat po kayo. Asan na po pala si Stephen?" Tanong ko sakanila.
"Pumasok na siya kani-kanina lang. Oh sya, alis na kami baby ha, Natallie, ikaw na bahala kay Zelina ah." Sabi ni mommy sabay halik sa pisngi ko.
"Ingat kayo dad!" Tango na lang ang isinagot nila at umalis na.
"Zelina, Natallie, una na kayo ha, may pupuntahan pa ako e." Pag papaalam ni Zeus saamin.
"Ah, sige. Salamat ulit." Sabi ko at ngumiti.
"Uuuy, si Zelinaaa! Pumapag ibiiig!" Pangangatyaw naman saakin ni Natallie.
"Ano ka ba naman natallie! Mag kaibigan lang kami ni Zeus noh!"
Sabi ko sakanya nang naka kunot ang ulo, kung ano ano ba naman kasi ang pinag sasasabi.
"Hmm, okay sabi mo e." Sabi nya na para bang hindi naniniwala. Kaya pinabayaan ko na lang sya at nag patuloy na lang sa pag lalakad. Nga pala, classmates kami ni Natallie, Roxanne and yung mga alipores niya, pero si Zeus ay malayo ang room nya kesa saamin. Habang nag lalakad kami ay may biglang humarang saamin, well, sino pa ba ang haharang saamin, sila Roxanne lang naman.
"Oh, nakalabas ka na pala sa clinic nerdy." Sabi nya habang naka taas kilay.
"Oh! Andito pala ang Reyna! Ahg Reyna ng mga unggoy!" Pang aasar ni Natallie kina Roxanne.
"How dare you!" Sigaw ni Roxanne at aktong sasampalin niya si Natallie pero agad nya naman iyong nasalo.
"Nat, tara na please, hayaan mo na sila." Pag aya ko sakanya, pero parang ayaw nyang umalis kaya hinila ko na lang siya.
"Ano ba naman yan Zelina! Hindi ka manlang lumaban! Kaya ka nila binubully ng binubully kasi ayaw mong lumaban! Tapos tingnan mo yang itsura mo! Mahabang palda, makapal na salamin, sa madaling salita Nerd ka. Isa pa yan sa dahilan kung bakit ka nila binubully e. Bat di ka na lang kasi mag bago? Show them the real you!" Pangaral niya saakin.
"Eh, what's the problem with my outfit? Mas okay nga eto e! Di tulad ng sakanila na kulang na lang hindi mag suot ng damit!" Sabi ko habang nakatingin sa dinadaanan namin.
"Edi mag lagay ka na lang ng make up diyan sa mukha mo nang mag mukha ka namang tao" dagdag nya pa.
"Ayoko nga rin nun. Baka mag mukha pa akong clown!" Pag papamukha ko sakanya na gusto kong maging nerd na lang forever.
"Hay nako bahala ka nga" pag gigive up nya. Kaya nag patuloy na lang kami sa pag lalakad hanggang sa nakarating kami sa room at dumiretso na lang kami sa upuan namin at hinintay na pumasok ang prof namin. Habang wala pa ang prof namin ay linagay ko na lang ang headset ko sa aking tenga at nakinig ng music. *now playing: Perfect Two*. After 123456789 years andito na rin siya kaya tinago ko na yung phone ko at headset at nakinig na lang sa prof namin. Habang nag lelesson kami ay nagulat kami kasi biglang bumukas yung pinto at niluwa ng pinto si............---------❤❤--------❤❤---------❤❤----
May nag babasa po ba neto?
BINABASA MO ANG
The Nerd's Revenge
Teen FictionWhat if, ang dating Nerd na laging inaapi, pinagti-tripan ng mga taong walang magawa sa buhay ay naging isang babaeng palaban, matapang, walang inuurungan o sabihin na lang natin na naging Leon dahil lamang sa isang tao? Isang taong naging dahilan n...