Basket ball court

8 0 0
                                    

Summer na at nag decision akong pumunta saming probinsya doon sa bohol. Taga doon kasi talaga ang papa ko.

"Ma, summer na naman eh, pwede bang punta tayo sa bohol? Para mabisita din natin si lolo" sabi ko habang nagpapacute sa mama ko. "Eh, ang aga pa naman Mae para pumunta tayo dun." Sabi ni mama habang nagluluto ng makakain namin.

Nag lakad na ako papuntang sala para makapaghanda ng mga plato para makakain na kami. Malapit nadin kasi maluto ang niluluto ni mama.

Nakakabingi ang katahimikan habang kumakain kaming tatlo. Ako lang kasi ang nag iisang anak nila.

"Ma, Pa, punta nalang tayo ng bohol please. Wala naman akong gagawin dito eh. Mas masaya kapag nandon tayo" hindi ko na napigilan ang pagsasalita ko sa kagustuhan kong pumunta ng bohol.

Mas masaya kasi kapag nandon ako kasi marami din akong mga kaibigan doon tapos ang sarap pa ng hangin don at namimiss ko na din maligo ng dagat doon. Island kasi yung bohol namin.

"Oh cgi" Sabi ni mama na labis kong ikinatuwa at halos mapatalon ako sa saya. "Salamat po ma, mwa mwa" habang nilalapitan ko si mama at niyakap. "Pero..." hinintay ko ang idudugtong ni mama pagkatapos nyang sumubo ng pagkain. "Maglinis ka muna ng buong bahay" napawi ang ngisi sa aking mga labi ng sinabi iyon ni mama.

E pano ba naman nag iisa lang ako at sinong gagawa? Mga magulang ko? Syempre hindi may trabaho sila pareho no kaya gagawin ko nalang nang makapunta na ako sa Island bohol namin

"Opo mama, maglilinis napo ako pagkatapos kong kumain. Maaga pa naman po eh para simula bukas makapunta na tayo---" pinutol ni mama ang sinabi ko "mauna ka nalang dun. Susunod nalang kami ng papa mo kasi marami pa kaming gagawin dito" aniya ni mama na siyang mas nakapag pasaya sakin.

sa totoo naman eh, mas gugustohin kung pumunta dun ng wala ang mga magulang ko para mas maka bonding ko yung mga kaibigan ko. Kaya sobrang saya ko na susunod nalang sila.

Nauna akong kumain sa kanila at tamayo na para ilagay sa lababo ang pinagkainan ko na kulay puti na plato tyaka black at puti na kutsara at tinidor.

Hinugasan ko ito pagkatapos ay nilagay ko kung saan ito dapat ilagay at pumunta na sa kwarto ko dahil syempre doon ako unang maglilinis no.

9:30 am akong nagsimulang maglinis at sa wakas natapos din ngunit nakalimotan ko palang mag almusal. Malapit nang mag gabi kaya kumain nalang ako dahil hindi ko talaga namalayan na hindi pa pala ako nakakakain.

Pagkatapos kong kumain ay nag impake na ako sa mga gamit ko papuntang probinsya bukas. Hindi na ako makapaghintay.

Syempre pinili ko yung mga damit na bagay sakin tyaka madalas kong dinadala kapag pupunta ako doon ay yung mga damit na mga sexy na damit kasi yun talaga yung mga hilig kong damit para nadin sa isusuot ko kapag nagdidisco din dun kasi malapit nadin ang fiesta dun eh.

Nilagay ko lahat ng gamit ko sa traveling bag ko na kulay black kasi ayaw ko yung mga kulay na subrang pangbabae.

Natulog na ako pagkatapos kong mag impake. Eh, hindi pa naman umuwi ang mama at papa ko galing sa trabaho eh.

"Mae! Mae! Mae!" Sambit ng mama ko ng siyang nagpagising sakin bigla. "Bakit Ma!?" Pasigaw ko ding sinabi galing dito sa kwarto ko ng marinig nya sa ibaba.

"Alas 10 na! Alas 12 yung byahe! Maliligo kapa, magbibihis, kakain, magsisipilyo, tapos alam kong halos isang oras kang magpapaganda dyan sa mukha mo!" Aniya ni mama na siyang nagpatawa sakin. "Opo, ito napo bababa na" sabi ko habang tumatayo. Eh, parang si mama naman yung excited na pupunta ako dun.

Inayos ko muna ang higaan kong kulay purple lahat pati cover ng kutson, unan tyaka habol. Tapos dinala ko na ang traveling bag ko tyaka pinatay ang ilaw sa kwarto ko bago ako bumaba.

The truth I've never knownWhere stories live. Discover now