Pakikipagkilala

6 0 0
                                    

Excited na ako dahil mayo na at ngayong buwan na ang fiesta sa lahat ng purok dito. Nasa purok 7 kasi kami nakatira tapos hanggang purok 8 lang kaya malapit samin yung puntod (dulo ng dagat) at tyaka yung paaralan nila dito.

Niligpit ko muna ang hinigaan ko bago ako bumaba katulag nalang ng ginagawa ko sa cebu. Inayos ko din ang sarili ko ng hindi ako mukhang impakta pag nakita nila ako.

"Kumain kana dyan" sabi nung pinsan kong lalaki na si Jers. "Hindi muna ako kakain. Mag gagatas nalang muna ako tyaka bread" sabi ko sa kanya habang kumukuha ng baso. Hindi na siya nagsalita pa at lumabas na namay dalang pagkain.

Nakalimotan ko na wala pala akong dalang gatas. Pumunta ako sa bahay ni nanay para magtanong kung may gatas ba siya para hindi na ako bibili.

Nasa harap lang kasi ang bahay nila nanay sa bahay namin. Sa liit pa naman ng Island nato.

"Nay, nay may gatas po ba kayo dyan? Kung wala bibili nalang po ako" sabi ko ng ginigising ang nanay ko. " andon sa ikatlong kwarto Mae. Nasa lamesa nakalagay" sabi ni nanay habang pinipilit idilat ang mga matang sobrang antok pa. "Cgi salamat po" dahan-dahan akong naglakad papunta sa ikatlong kwarto nila dito. Hanggang apat kasi eto para nadin sa mga bisita yung iba.

Binuksan ko ang pinto.ang kulay brown tyaka pumasok sa kwartong sakto lang ang mga 5 tao tyaka hinanap ko yung gatas na natabonan pala ng plato.

Dahan-dahan din akong bumaba ng hindi ko magising sila nanay at tatay pati narin yung anak nilang pamangkin kong lalaking sobrang cute.

Bumaba na ako sa hagdanan tyaka kihuna ang kulay black kong tyenelas na mumurahin lang. Alam ko naman kasing masisira lang.

Bumalik ulit ako sa kusina namin at tyaka nilagyan ng gatas ang baso ko bago binuhusan ng mainit na tubig. Umupo ako sa upuang kulay green tyaka dahan-dahang kumuha ng pan at kinakain sabay inom ng gatas.

Pagkatapos kong uminom ng gatas ay nilagay ko yun sa may lababo namin dito tyaka iniwan na kasi hindi katulad sa cebu na maraming tubig. Huhugasan lang to kapag tapos na lahat kumain para hindi sayang ang tubig.

Lumabas ako ng bahay namin tyaka umupo sa labas kasi mas mahangin kumpara sa loob. Makikita muna agad ang mga taong naglalaro ng basketball sa basketball court.

Umupo ako dun katabi sa tindahan ng pinsan ko para nadin makatulong ako kapag marami ang bumibili.

Tinitignan ko yung mga barkada kong naglalaro habang tinutulongan ko yung pamangkin kong grade 5 na si Kriz sa pag gawa ng ice water.

"Ate alam mo bang dito na nagta-trabaho si Nik sa amin?" Sabi ni Kriz habang binibigyan ng biscuit yung bumibili "Ah... Talaga? Anong trabaho ang mayron siya sa inyo?" Tanong ko kay Kriz na siyang umupo na sa tabi ko "Tumutulong po siya kay papa'ng mangisda at magbenta ng isda doon sa kabilang isla" sabi ni Kriz habang gumagawa ng ice water.

Hindi na ako kumibo at binaling ko na ang atensyon ko sa pag gawa ng ice water.

"Hi Mae" sabay kaway ni Del sakin.

Hindi na ako nagsalita at kumaway nalang din sa kanya.

"Pabili ng ice water" tumayo ako at kumuha ng malamig na ice water tyaka binigay sa kanya.

"Mae kami din" lumingon ako sa likod ni Del nang malaman kung sino yung nagsalita at lumakas bigla ang pintig ng puso ko ng nakita kong si Nik yun

"Ah... cgi ito oh" ini isa-isa ko silang binigyan ng ice water habang si Kriz ang kumukuha ng kanilang binabayad.

Umalis na sila pagkatapos nilang bumili at umuwi sa kanya-kanyang mga bahay.

Ang iba nakita kong naglalaro ulit habang yung iba nakipag-usap sa kanya-kanya nilang mga tropa. Binigyan ko na ng pansin ang cellphone ko pagkatapos naming gumawa ng ice water.

The truth I've never knownWhere stories live. Discover now