chapter 3

76 8 1
                                    

Markie pov

Nandito ako ngayon sa aking bahay nagreresearch tungkol dun game marami na akong nalaman pero hindi parin ako kumbinsido kaya umalis muna ako at pumunta sa world book's of records building para magresearch naman about sa dimension at hindi naman ako nagkamali.

Nakasaad kasi dito na yung mga dimensions daw e parang kagaya na ng earth pero may mga pagkakaiba.

May mga dimension na nageexist ang mga magic at ibat-ibang races. ayon sa nakalap kong impormasyon ang  Dimension World Online ay binubuo ng ibat -ibang klase ng dimension na kung saan pati ang mundo namin ay nakakonekta rin dito, inshort ang DWO ay isang bagong mundo kung saan ang lahat ng bagay ay totoo.

Matapos kong mangalap ng mga iba't-ibang impormasyon sa loob ng game ay sinimulan ko na aking mga balak at plano.

Paguwi ko sa bahay ay nagpaghinga na ako at natulog narin para sa bukas.

===============================================

Markie pov

"Morning" sabi ko sa sarili ko ,tumayo  na ako at sinimulan na ang mga dapat gawin.

*school

Pagdating ko sa school ay kapansin-pansin ang mga estudyante dito na iisa - isa lang ang kanilang pinaguusap at yun ang tungkol sa game.

Dumeretso na agad ako sa room ko at buti naman hindi masyadong maingay dito kaya inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga dati kong kaibigan na mga lalaki na nagkukumpulan sa gilid at sa kabila naman ang mga babae na naguusap.

Pumunta na ako sa upuan ko at pinanood ko nalang sila. Naalala ko na naman yung araw na nagkandawatak watak kaming magkakaikaibigan. Pero bago ko pa maisip ang lahat ng nangyari ay ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa ibang mga bagay.

Matapos ang klase namin ay pumunta agad ako sa canteen pero bago ako makapunta dun ay nadaan ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan at parang may binabasa sila kaya nagtanong ako sa kanila kung ano ang nakasulat dun.

"Kuya, excuse me nga po pwede pong magtanong?"sabi ko kay kuya na nakashade.

"Sige, ano yung itatanong mo?" Sabi ni kuyang nakashade

"Ahm, ano po yung nakapost dun sa bulletin board?"sabi ko naman.

"Ah, yun ba?" Sabi into

Kaya tumango ako.

"Nakapost kasi dun na bukas na daw nila ipapalabas yung game, kaya ang daming excited at hindi na makapaghintay sa paglaro. " sabi into sakin

Ayos toh napaaga ang paglabas ng game hindi na ako makapaghintay.

"Salamat po kuya sa impormasyon" sabi ko.

Pagkatapos ko dun pumunta na ako sa canteen at bumili na ng pagkain at pumunta na sa secret garden ko.

Nandito ako ngayon sa secret garden, as usual lagi akong nagbabasa dito at minsan nagpapahinga o natutulog natin.

Fastforwad*

Markie pov

Araw ng sabado ngayon at maraming player ang nagsidatingan agad dito sa Gamerworldz ang iba dito ay sobrang aga tantsya ko mga 5 dito na sila. Maaga kasi magbubukas ang Gamerworldz mga 7 palang bukas kaya kailangan mong mas maaga dito makapunta para hindi ka maubusan.

After 98765432 years nakabili rin agad ako pero ang ipinagtataka ko kung iba yung uri ng nervegear ko. Kasi yung akin parang isang pirasong earpiece lang na may pipindutin ka sa gitna nito. Tinanong ko yung mga nagbebenta dun kung bakit ganto yung akin pero isa lang yung sinabi nila na ako daw "200" na tao na bumili nito. Kaya matapos nilang ipaliwanag sakin ang nangyari. Parang najajackpot ako sa lotto kasi kokonti lang ang mga taong nakabili ng ganito na hindi baba sa "20" katao.

Dimension World Online(slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon