The Deal

206 7 0
                                    

Elgie's P.O.V 

"Hoy Elgie! Namboboso ka na naman!"

Sabi ni Paolo, tropa ko. Sabay tawa niya ng malakas. Mukang siraulo lang -.-

"Loko Pao! Huwag mo kong igaya saýo! " - ako

"HAHAHAHA ! Tama nga naman Pao, alam mo namang si Zenith lang ang sinisilip niyan e"

Sabi ni Khiell, Isa pang tropa ko. Tapos nag-apir pa yung mga loko-loko =___________=

Pero sabagay, tama naman sila e. Oo! Sinisilip ko nga si Zenith PERO sa ROOM niya ha? Isip niyo na naman. :3

"Oy pre! Ayan na pala si Zenith e."- khiell

 Pagtingin ko, natulala na naman ako. Putik! Ang ganda talaga! Parang anghel! 

"Boy torpe , papalapit na oh? Tunganga forever na lang?"- paolo

Parang bakla talaga to si Pao magsalita, pero hindi yan bakla! Babaero yan e -.- Pero hindi ko sinagot yung pang-aasar ni Pao. Nakasunod lang ako ng tingin kay Zenith.

Grabe, Ilang taon na ba kong inlove dito? Simula first year crush ko na to e. 3rd year na'ko ngayon pero natutulala pa rin ako sakanya. Hay, ewan! Natotorpe ako sa kanya!

Nagulat ako ng may nagpunas sa gilid ng labi ko.

"Tulo laway mo boy!"- Paolo


Siraulo talaga to. -.- Buti pa tong si Khiell.

"Pao bakit mo pinunasan? Mabaho na kamay mo niyan!"-khiell

Sabay apir ng mga loko-loko. Bakit ko nga pala naging kaibigan to? Tss. Maya-maya inakbayan ako ni Paolo.

"Tara na boy torpe, may klase pa tayo."- Pao

"Mamaya na yung daydreaming! HAHAHA!"- khiell.

"Kaibigan ko ba talaga kayo? Tsk. Tsk. Mukha kayong mga siraulo e."-ako

7 days of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon