Malapit naaaaaa.
---
VICTORIA POV
"Victoria, pwede bang mag-usap tayo?" tanong ni Luna, kakauwi lang namin galing sa school at sila Krystal naman ay nagsipuntahan na sa kanilang kwarto
"Mahalaga ba yan?" tanong ko
"Sa Purple Coffee tayo magkita, sige na" at pumasok na siya sa kanyang kwarto
Si Luna ang naging bestfriend ko, siya kasi ang pinakakilala saakin at siya yung pinakanakakaintindi. Siya rin yung nandyan para payuhan ako o tulungan sa mga desisyon ko. Speaking of, naalala ko yung sinabi ni BoA, pero kaya nga kami naging ganito diba? Nagbabagong buhay na kami.
*bzzt*
Chineck ko yung cellphone ko, at may nagtext saaking unknown number.
Lee Hyori & Henry Kim Wedding.
Wtf is this? Aish!
[Purple Coffee]
" Ano ba yung sasabihin mo luna, at kailangan dito pa? Pwede naman tayo sa kusina o kung saa--"
"Buhay si L" Ano daw? Sinong buhay? Si L?
"Luna, okay ka lang ba? Maaring nailipat ng libingan o kung ano pa man pero imposibleng buhay pa siya. Luna tayong lima, kitang kita natin yung pangyayari" sagot ko sakanya
"Pero victoria makinig ka muna. Nung sinabi nila Sulli at Krystal yung walang bangkay. Pumunta ako sa sementeryo kinabukasan nagtanong ako pero wala talaga. Victoria isipin mo, sinaksak siya ni krystal sa may dibdib pero hindi ibig sabihin nun patay na agad si L, hindi yun sa puso victoria" diretsong sabi ni Luna
"Luna, patay na si L okay? Patay na siya kaya tumigil ka na, Magugulo lang yung isip ni krystal. Isipin mo yung isang buwan siyang halos mabaliw"
"Pero paano kung tama ako? Malakas ang kutob kong buhay si L."
"Leave that question." sagot ko
"Napagisipan ko din pala yung sinabi ni BoA sayo, para saakin okay lang bumalik sa dati. Tandaan mo Victoria, walang hindi makakaalam ng nangyari sa nakaraan at hindi natin pwede iwan ang nakaraan ng ganun ganun na lang. Itanong mo kayla Krystal yan, kung majority eh bumalik ang f(x) okay lang saakin. Tara na" saad niya
---
SULLI POV
"Krystal, mauna ka na. Inutusan pa kasi ako ni Mr.Guevarra sa stock room kainis!" Bakit ako pa diba? Pwede naman iba? At ang ipapakuha isang cartolina, isang glue, gunting, tape, colored paper. Azar ang dami nun ha!
"Okay sige, intayin ka na lang namin nila eonnie sa baba" [eonnie - older sister]
Isang glue, check! Isang tape, check!
*boogsh*
Napatingin ako sa pintuan, "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya, mukha rin siyang nagulat sa pagsara ng pintuan eh siya nga yung nagsara
"May pinapakuha si Ma'am Agaphe eh, bakit ba"
"Tss" sagot ko na lang
Dumiretso ako sa paper racks, cartolina ah teka di ko alam yung color aish! Kumuha muna ako ng colored paper, babalikan ko na lang yung cartolina yun na lang naman kulang eh.
*click*
Teka bakit ayaw bumukas? Hinatak ko na. Aish! Ano ba to, wag mong sabihin nalock pa kami rito ni Chanyeol. Yeah alam ko na pangalan niya, dahil kay Krystal no.
"Hoy!" sigaw ko sakanya na kumukuha ng gunting
"Oy bakit?" sigaw niya
"Buksan mo nga" sabi ko
"Ano ako? Katulong mo? Parang bubuksan lang yung pinto eh"
"Excuse me, eh ayaw bumukas. Ikaw kaya nagsarado ng pinto. Now open it!!"
"Tsk" lumapit siya at binuksan yung pinto pero ayaw pa rin. OMG
"Nalock tayo" sabi niya
"WHAT?! ARGHHH. Gumawa ka ng paraan para buksan" sabi ko sakanya
"Bubuksan din yan?" Sagot niya at bumalik sa pagkuha ng materials
"Kelan? Anong oras?"
"Mamayang 7 or 8 ewan ko depende sa janitor"
'WHAT? TULONG MAY TAO DITO NALOCK KAMI. HELLO!!! TULONG TULONG"
"Baka may makarinig sayo, eh kaunting tao lang yung dumadaan dito"
" AHHHHH!" chineck ko yung phone ko pero azar! Lowbatt, pinaglaruan ko kasi kanina.
"May phone ka ba?" tanong ko sakanya
"Oo bakit"
"May number ka naman siguro ni krystal diba? Close kayo" sabi ko sakanya
"Wala kong load, and sorry to say walang signal" sabi niya pagkatpos binalik sa bulsa niya ang kanyang phone.
Nakakainis talaga! Oh now we're stuck.
