Chapter 9

145 10 3
                                    

[Victoria]

Nabanggit ko na rin kay Amber ang tungkol sa pag-aalok ni BoA saamin.

Sumang-ayon nga agad siya, kahit si Luna din pero kung ano ang desisyon ng nakararami doon siya unless tama.

Kaya nga hinayaan namin sila sulli at krystal kahit alam namin may usapan kami noon.

[flashback]

Lahat kami hindi pa rin mapaniwala sa mga nangyari. Lahat lahat, lalo na kay krystal.

Nagtago kami sa isang beach resort, hindi kami nandito para magsaya kundi mapag-isip isip, malayo sa kanila. Malayo sa lugar na yun.

Napagdesisyunan kong kausapin ang lahat. Dahil ako rin ang naglagay sakanila dito.

"Simula ngayon iiwan na natin ang mundong yun, kakalimutan na natin lahat lahat pati ang mga taong yun. Wala ng babanggit sakanila at makikipagkita. Simula ngayon wala ng f(x), hindi na tayo tatawagin ganun." sabi ko ng nakayuko, si krystal tulala lang.

"Sorry kung bakit kayo nalagay sa ganitong posisyon, siguro iniisip niyo na sana hindi niyo kaibigan. Okay lang, naiintindihan ko kayo lalo ka na krystal" bigla naman nila akong niyakap

Napagdesisyunan namin lahat na iwan ang mundo ng pakikipaglaban. Lahat kami nagbago ng itsura, hindi kami nagparetoke o ano. Nagayos kami, nagpagupit ganun.

Tinulungan namin si krystal makabangon makamove on.

Nagsama parin kaming lima sa iisang bahay dahil nakagawian na rin namin. Every month, pinapadalan kami ng mga magulang namin kaya walang problema dun.

Last year na namin nila luna at amber. Napagdesisyunan na din namin na iisang school lang ang papasukan.

Katulad din ng dati.

Tuwing maalala lahat lahat ni krystal, lagi akong naiiyak. Ako ang naglagay sa kanila sa posisyong ito.

[flashback]

Simple lang ang lahat katulad niyo normal teenagers.

May bestfriend na talaga ako si Luna, tapos nakilala namin si Amber na medyo boyish at kalog kaya naging magkaibigan din kami kaagad.

Si Sulli at Krystal magkasama na talaga sila ng makita namin sila. Nagulat na nga lang kami ni Amber na magkakilala pala to si Sulli at Luna.

Magkapitbahay daw sila dati, dahil dun naging magkakabarkada kaming lima.

Si Krystal na tahimik pero maganda.

Si Sulli na makulit pero may malasakit.

Si Amber na kalog pero mabait.

Si Luna na pamysterious pero pag kailangan mo ng tulong siya ang lalapitan mo.

Nakahanap ako ng mga totoong kaibigan sa buhay.

Isang araw sa hindi sinasadya, nakilala ko si Henry. Siya yung nagpatibok ng puso ko, nakakagulat man dahil kahit ako rin nagulat eh.

"aray" sabi ko dahil nabangga ako, papasok pa naman sana ako sa classroom.

"sorry miss" nagulat ako ng siya yung makita kong nakabunggo saakin

Naging magkaibigan din kami, minsan na nga lang din ako sumama kayla Luna pero mabuti dahil naiintindihan nila yun dahil alam nilang may gusto ako kay Henry.

Isang araw may binanggit sakin si Henry, "uhm..victoria gusto mo ba sumali sa team namin?" tanong niya na medyo pabulong pa

Anong team? Siguro sa club club ng school pero tapos na yun. "ha?" tanong ko dito

"yung mga nakikipaglaban, pero hindi ka pumapatay. May mga babae din kaming kateam ano ka ba, pero onti nga lang." sabi pa niya

"gusto mo isali mo rin yung mga kaibigan mo."

Hindi ko alam nahypnotize ata ako ni henry kya napatango ako, napilit ko rin sila krystal.

Lumipat kami ng isang dorm malapit sa building ng team. Iisang dorm lang ang nilipatan namin.

Lagi kaming nagtratraining, ang galing nga eh. Sa umpisa na gulat pa kami sa mga labanan, pero simula nun.

Lagi kaming nanalo sa battle between teammates, at sa battlefield kalaban ang iba pang mga team.

Pumapasok pa rin naman kami at hindi namin iyon pinapabayaan.

Si Hyori siya ang queen, or ang boss sa team. Siya rin ang nagbigay ng pangalang f(x).

Naging kami rin ni Henry na ikinatuwa ko rin. Aba siyempre no.

Ang infinite kateam din namin sila, si L na isng miyembro ng infinite ay ang boyfriend ni krystal.

Mabait si L, boyfriend material nga kumabaga. Ganun din naman si Henry saakin, pero lately minsan na lang kami magkita.

Tapos lagi ko pang naririnig yung mga chismisan dito na lagi daw nakasunod si Henry kay Queen (Hyori).

Habang naglalakad ako papunta sa office ni queen may nakasalubong ako, baguhan lang ito dahil binati pa ako. Rank 1 na naman kasi ang grupo namin sa pinakamagagaling lumaban.

Hindi naman ako hinarang ng mga bodyguards sa labas ng office ni queen dahil kilala naman nila ako. Papasok na sana ako ng biglang "mahal kita hyori, mahal na mahal" hindi ko tuluyang binuksan yung pintuan pinanuod ko lang siya pero sana hindi na ako sumilip pa.

May sasakit pa ba sa nararamdaman ko?

Subalit sa kabila ng lahat mahal ko pa rin si Henry. Isang araw naghamon sa amin si Queen lahat daw kami laban sakanya isa-isa para sa paghahanda sa nalalapit na The Big Battle o ang paglalaban ng team namin laban sa ibang mga team. Dito madedetermine kung anong team ang magrarank #1

Nakapag-usap kami ni Henry nung gabi bago ang paglaban namin sa queen. Nandito kami sa garden sa tapat ng apartment naming lima

"Henry"

"bakit?"

"mahal mo ba ako?"

"oo naman ano ka ba victoria"

"henry, okay ba tayo"

"ano bang problema mo victoria?"

"wala naman, hindi na kasi tayo nagkikita at nagkakausap. San ka ba nagpupunta?"

"victoria, uuwi na ako maaga pa bukas kakalabanin niyo si queen diba? Sige na magpahinga ka na rin"

Pag-uwi ko sa bahay, hindi ko alam pero may mali eh. May mali saamin

Isang araw nagulat ako, Sumabog ang lahat. Lahat lahat, yung galit ko. Niloko niya ako. May gang war ng araw na yun, pero imbes na ang kalaban namin, si queen ang pinuntirya ko.

Natamaan ako nung araw na yun, nasaksak ako sa may tagiliran.

Nakita ko si krystal, susugurin niya ng saksak si queen pero humarang si l.

Rule number 1: Always protect the queen, no matter what. Put it in your mind, queen first before yourself

Hindi alam ni krystal na si l ang sumangga nung saksak niya.

Tinignan ko si krystal, tinignan ko si queen na mismong nagsmile pa sa mga nangyayari. Nakita ko si Henry na tumatakbo, akala ko pupunta siya saakin. Akala ko ako ang tutulungan niya pero hindi umalis silang dalawa ni Henry pero bago yun "Sugurin ang f(x)!!" sigaw niya

Lahat ng mga kamembers namin nagulat sa narinig nila, pero bago pa kami masaktan. Tinulungan na ako ni Amber at dinala sa sasakyan si Sulli at Luna pilit kinuha si Krystal.

Hindi na ako tanga, para mahalin ka ulit Henry.

--

Naiintindihan niyo ba guys? Haha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cycle [f(x) Exo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon