"Krystal!!" napalingon si Krystal sa tumawag, si Sulli lang pala.
"Tara mall tayo?" haya nito
"Sulli, September 25 ngayon. Alam mo na" sabi niya dito
"Ayy oo nga pala, pero hindi ka pwede pumunta dahil makikita ka nila kaya tara na" hatak ni Sulli pero "Pero gusto ko naman siyang dalawin ng ganitong araw oh. Magtatago naman ako eh"
"Pero mapapahamak ka krystal"
"Hindi yan, mag-iingat ako sulli. Malapit na rin yung 1st death anniversary niya"
"Hay samahan na nga kita. Tara na"
Nakadating si Sulli at Krystal sa libingan ni L. Nasa may malayong parte sila at natatabunan ng puno, "Bakit walang tao?" tanong ni Sulli
Lumakad si Krystal papunta sa puntod, pero ni isang anino ng may tao wala. Nagulat si Krystal sa nakita, walang lapida?
Pero hindi dito yun eh. Sa tapat ng punong to, nasan na yun. Nag-ikot si Krystal "Krystal, baka may makakita sayo" sigaw ni Sulli na nagtatago pa rin sa puno
"Sulli, nawawala si L. Sulli hindi ko siya makita" mabilis na tumakbo si Sulli papunta kay Krystal at literal na napanganga ito. Walang bakas ng pangalan ni L, pero dito yun.
May dumaang tagapangalaga ng mga libingan. "Manong nasan po yung bangkay dito? Dito po kasi yun sa tapat ng punong to" tanong ni Sulli
"Ay, wala naman kasing nakalibing talaga dyan. Sige mauna na ako" sagot nung manong
"Kim Myungsoo po ang pangalan niya"sigaw ni Krystal
Pumunta sila sa opisina, at binigyan ng folder "Ang pagkakaarrange niyan ay sa apelyido. Hanapin niyo na lang"
Kim
Kim
Kim
"Krystal walang kim myungsoo?"Sulli
"Kim myungsoo? Tara sumunod kayo sakin"
Pumunta pa kami sa may loob nung office tapos binigyan niya kami ng folder.
"Ma'am, yan po yung listahan ng mga nalipat dito o nalipat sa ibang cemetery na mga bangkay."
"Ahh sige po" sagot ko
Isang oras na ang nakalipas, nadouble check na namin pero wala talaga.
"Krystal, wala eh"
KRYSTAL POV
Anong nangyayari? Nakauwi na kami ni Sulli, pero yung fact na hindi ko makalimutan.
May dumating isang babae, nagpatulong kami sa paghahanap ng bangkay ni L.
"Kim Myungsoo po, L"
"Sige po wait lang po ah" sinearch niya na sa computer pero wala talaga. May pagkakataon kapareho ng apelyido, or kapareho ng pangalan pero hindi siya yun
"Oy, bakit ngayon lang kyo?" bungad saamin ni Amber
"25 ngayon" sagot n Sulli sabay diretso sa kusina
"Ay onga pala, pero krystal bakit ngayon araw ka pumunta? Buti't di ka nahuli"
"Wala naman ata talagang makakahuli eh" sagot ko sabay upo sa couch
"Anong ibig mong sabihin?" Luna
"Walang patay, walang bangkay." Sulli
"Ano ulit sulli?" labas ni Victoria sa room niya
"Hindi ata talaga patay si L" Sulli, napalingon ako sa sinabi niya. "Nung araw na yun, kanina ko lang din naisip eh baka kasi buhay talaga si L. Nasaksak sya pero hindi sa puso. Posibleng maligtas si L diba, kung sinugod agad nila sa ospital. Ewan ko" biglang kain ni Sulli ng donut
"Kung hindi ka mapapatay ni Victoria, ako ang papatay sayo. Manloloko ka hyori!!!" at sinugod ko siya alam kong maaring mapatay ko siya pero hindi isa lang ang nasa isip ko. Pinaglaruan niya kami, Lahat kami, Niloko niya.
"Aaaaaahhhhh" sigaw ko, bigla siyang humarap saakin at nagulat dahil pasugod na ako pero nung oras na pagkasaksak ko sakanya may nagligtas pala. "L!!!!!!!" sigaw ko pero bigla akong hinatak nila Amber
"Tara na krystal"
"Pinatay mo siya krystal, pinatay mo siya. Pinatay mo ang mahal mo"
"Hoy krystal!" napaback to reality ako.
Pinatay ko siya? Tama naman yung sinabi ni Hyori diba. Pero nasan na siya?
"Krystal hoy!!" Amber waving her hands in my face
"Oh bakit?" sabi ko
"Lutang ka dyan. Nako, baka nalipat lang ng pinaglibingan."
"Oo nga, may punto si Amber, hindi maaring buhay pa si L dahil diba nandoon tayo nagtatago nung inilibing siya. Sige na magsitulog na" sabi ni Luna
Malakas ang kutob kong maaring buhay si L.
THIRD PERSON POV
"Nakita po namin si Krystal at Sulli na pumunta sa sementeryo, hindi pa po ata nila alam ang tungkol kay L"
Ang galing talaga ni Hyori itago ang lahat, ngunit malapit na malapit na.
Mabubunyag ang katotohanan, Magbabayad ang mga may kasalanan.
Wedding Invitation
-----
Malapit na, malapit na! :)
