3rd Anniversary

309 8 0
                                    

3RD ANNIVERSARY

".... Maraming maraming salamat for always being there for me, for always being here for me, sa mga panahong kailangang-kailangan ko kayo, kahit sa mga panahong hindi ko kayo masyadong nararamdaman, kahit sa mga panahong hindi natin kailangang magparamdam sa isa't isa nandya-dyaan pa din kayo. Sa mga panahon na pwedeng tayong mag-relax pero nandya-dyaan pa din kayo, maraming maraming salamat.

Ito talaga yung panahon na, masasabi ko na ang swerte-swerte ko kasi ang daming taong nasa harap ko, nasa likod ko, nasa gilid ko, may mga nang-iwan pa sa'kin,pero being with you here, na nakikita ko kayo, nakakalakas ng loob, nakakalakas talaga ng loob. Kilala niyo naman ako since day one na nakilala niyo ako, hanggang ngayon, hindi naman ako nagbabago. Hindi ko kayo niloloko. Kaya aaminin ko, kahit hindi ko naman aminin alam na alam niyo na, I am in pain....

I am in pain..... I am about to break anytime now. But I have always been asking for the grace and the glory of the Lord para hindi ako mag-crash. Kasi this pain cannot control, it can make me break or crash anytime. But I can break, I can break for myself, and I can break for you, because in my break, all of you will break as well.Ayokong madurog ako, at habang nadudurog ako, nadudurog din kayo.

Pero I must acknowledge, kailangan kong i-acknowledge,  i-acknowledge natin yung nararamdaman. Kasi hindi naman lahat pwedeng saya. Diba? Katarantaduhan yung lagi tayong masaya. Diba? Mabuhay tayo sa katotohanan maraming pagkakataon na masaya, pero may pagkakataon din na malungkot. Ang malungkot lang dun, isa dun sa maraming pagkakataon na yun.

Pero kahit sa likod ng kalungkutan e meron ding saya. Kasi habang nalulungkot ako meron din akong mga kasama. Diba? Ang hirap malungkot mag-isa. Ang hirap umiyak ng walang nahahawakan. Ang hirap lumaban ng walang kakampi.....

Nahihirapan din ako....

Salamat kasi hindi niyo ko iniiwan..

Unang araw palang, alam niyo yung mga kahinaan ko. Alam niyo yung mga kapangitan ko, pero sinama niyo yun sa mga bagay na mamahalin niyo sa akin. Maraming maraming salamat kasi hindi kayo madamot.

Ako yung nahihiya kasi at times ako yung maraming naiipagdamot sa inyo. Nakakapagdamot ako ng atensyon, nakakapagdamot ako ng panahon. Kasi isa lang ako e. Sa sarili ko na nga lang hindi ko na rin maibigay. Sa pamilya ko napagkaitan ko na rin. Hindi ko alam kung paano ko hahati-hatiin yung pagmamahal ko sa napakarami.Pero maraming salamat kasi nauunawaan niyo pa rin ako. Salamat talaga. Maraming-maraming salamat.

That's why I have to be strong, because if I don't choose to become strong, and if I don't choose to be stronger each day, parang sinayang ko lang yung mga pagmamahal niyo sa akin. Kaya bilang ganti ko sa pagmamahal na yan, lalaban ako. Tatayo ako kahit nahihirapan na ako. Ang hirap tumayo ng pilay pero kailangan maitayo ko pa rin 'to. Kahit pabukal na ko tatayo pa rin.

Maraming salamat sa pagpapahalaga niyo rin dun sa mga panahong napangiti ko kayo. Sa mga panahong napasaya ko kayo. Sa mga panahong hindi ko man sinasadya pero nakainspire ako, maraming maraming salamat sa pagpapahalagang yun, at pinapahalagahan ko rin kayong lahat. Hindi ko man maipakita, dahil hindi naman tayo nagkikita. Hindi ko man maparamdam sa pamamaraang gusto ninyo, pero I have my own ways kung pa'no ako magiging grateful. I have my own ways kung papaano ako magiging thankful. maraming maraming salamat. Sobrang salamat. I am just thankful.

There is beauty in the ugly. Ang pangit ng mga nangyayari pero meron akong mga magagandang bagay pa rin na nakikita. Ayokong lamunin ng kapangitan ang mga pangyayari. Mahahalaga sa aking kung ano ang mga magagandang pwede nating matutunan dito. Maraming maraming salamat. Salamat talaga. I will never forget this night. Kasi iilan 'to sa mga gabing naghahanap ako talaga ng kaibigan. Ilan 'to sa mga iilang araw na naghahanap ako ng masasandalan, ng magiging kakampi. Maraming nang-iwan sa akin. Katulad nung nangyari din sa inyo, marami nang umalis, pero may mga bumalik, at marami ring sumama ulit.

But this too shall pass. Masaya. Nakakatuwa nga e, kasi after nung mga pangit na nangyayari, there's still a reason to celebrate like this, diba? May anniversary. Meron pa rin dapat talaga tayong dapat ipagdiwang. Hindi naman lahat puro alat lang. Merong tamis at merong tamis pa rin lagi. Salamat.

Hindi ko alam kung sapat yung pamamaraan ko kung paano ko talaga ibibigay yung pagpapasalamat sa inyo pero dun lang sa alam ko, ito lang yung munting paraan kung pa'no ko ipaalam sa inyo. Mahal na mahal ko kayo lahat. Maliit lang ang puso ko, pero I am very proud na kahit maliit lang yung puso ko punong-puno ito. Kesa yung malaki pero wala namang laman.

Hindi naman perfect yung puso ko. May lungkot din doon, may mga bahaging malungkot pero, I will transform this sadness into something beautiful na ma-sh'share ko sa inyo. In time makikita niyo ulit yung Vice na malakas na malakas, na mataas na mataas yung energy. Yung Vice na magandang maganda yung ngiti, yung totoong totoo yung ngiti, yung hindi pilit ang ngisi sa mukha. In time...... In time.

Then again, thank you so much for being there for me, thank you so much for being here with me, thank you so much for your sincerity. I can feel na sobrang genuine ng pagmamahal niyo sa akin, at ibibigay ko sa inyong lahat yun. Thank you so much. I love you everyone. Thank you."

VICE GANDA's Message for Vice Ganda Party ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon