1st ANNIVERSARY
"....Wala na akong ibang pwede pang sabihin kundi maraming maraming salamat sa inyo mula sa pinakamaliliit at pinakamalalaking efforts na inexert niyo para sa akin, para sa ikasisiya ko. Maraming maraming salamat, sa pag appreciate sa akin. Sobrang naaappreciate ko din yung appreciation niyo sa akin. Hindi ko man naibabalik ito sa paraang gusto ninyo, gusto ko lang sabihin sa inyo na, from the bottom of my heart thankful, nagpapasalamat at minamahal ko kayong lahat. Maaring hindi ko maibalik, sa kung ano mang paraang ineexpect niyo yung bawat ginagawa niyo sa akin. Kasi maaaring hindi niyo ako kilala, baka merong hindi kayo alam tungkol sa akin, kaya nagpapaumanhin ako sa inyo kung may mga pagkakataong iniisip niyo na hindi ko kayo napaglalaanan ng atensyon, ng oras, hindi ko napapansin yung mga ginagawa niyo sa akin, gusto kong humingi ng paumanhin, pero mabasa ko't hindi yung mga simple at talagang effort kung effort na message niyo sa akin, sa facebook, sa twitter, sa text, lahat, gusto kong malaman niyo na alam ko kung ano ang nasa loob niyo, at alam kong mahal na mahal niyo ako. Thank you so much God Bless You all! Sobra ang appreciation ko. Ayun lang. Sobrang naaapreciate ko, first time kong nagkaroon kasi ng ganito yung may nagsurpresa sa akin ng ganito, saka, 'di kasi ako sanay ng may fans, alam niyo yun? Kaya na-o-overwhelm ako, maraming salamat sa... lahat! Sobrang thank you, Godbless you, bahala na ang Diyos sa inyo, Diyos nalang ang magbabalik sa inyo ng efforts niyo.. Thank you..
Saka 'eto pa, seriously nagpapasalamat din ako sa mga parents, sa pag-a-allow ng mga anak niyo sa mga ganito aktibidades, alam kong masyado pa kayong bata para magpuyat. Nahihiya ako sa inyo kasi sobrang laking atensyon na ibinibigay niyo sa akin.. Nahihiya ako talaga sa inyo. At saka, sa susunod, wag niyo na akong masyadong bigyan ng regalo, hindi sa hindi ko naaapreciate yun, nahihiya ako talaga, kasi hindi ko alam kung paano ko ibabalik sa inyo yun. Masaya na akong pinanonood niyo ako. Naapreciate ko talaga sobra. Pero, baka isipin niyo hindi ko naaapreciate ha, dahil baka isipin niyo ayoko ng mga regalo, ayoko lang na naaabala kayo, tama na yung nagmamahalan tayo, pinapanood niyo ko, sinusuportahan niyo ko, at alam na alam ko na yon, kahit sa pananahimik niyo, nararamdaman kong mahal na mahal niyo ko. Thank you very much sa inyong lahat!"
BINABASA MO ANG
VICE GANDA's Message for Vice Ganda Party Club
De TodoA collection of Vice Ganda's Messages every VGPC Anniversary.