4th ANNIVERSARY
"...Nakakatuwa kasi nagsimula sa isang maliit na grupo, magkakaibigan tapos lumaki na ng lumaki. Tapos.. Diba? Sinong magsasabing after 4 years eh magkakasama pa rin tayo, buo pa rin kayo, lumaki na ng lumaki yung pamilya. Nakakainspire. Nakakatouch. Nakakatuwa na sa simpleng pagkakataon na ibinibigay sa akin na parang dati kaming mga bakla nag-uusap usap lang kami, parang sinasabi nila, "Ang taray no, ang bongga, nagpatawa ka lang! Nagpatawa ka lang tapos nagkaroon ka ng TV program, nagpatawa ka lang nagkaroon ka ng pelikula, nagpatawa ka lang sumikat ka, nagpatawa ka lang nagkaroon ka ng mga kaibigan, nagpatawa ka lang nagkaroon na ng fansclub. Nagpatawa ka lang nagkaroon ka ng pamilyang apat na taon nang nakataguyod. Hindi ko to inasahan na makikilala ko kayo lahat. Hindi ko inasahan na magkakaroon ng grupong itatayo para suportahan ako. Hindi ko inasahan ganito kalaki ang pagmamahal na makukuha ko mula sa inyo. Hindi ko inasahan na magiging ganito ako kaimportante sa puso ninyong lahat, na hindi ko naman kaano-ano. Pero sobrang.. nakakaiyak naman to. Kaya alam mo I am so blessed. I am so blessed. Napaka-generous niyong lahat. Ang generous sa panahon, generous sa pagtitiyaga, generous dun sa suporta, sa pagmamahal. Nahihiya ako sa mga efforts na ibinibigay ninyo sa akin kasi hindi ko naman nasusuklian. Hindi ko sinasadyang masuklian. Maaaring nasusuklian ko, hindi ko alam. Pero hindi ko kayang suklian sa mga paraang hindi ko alam yung mga pagmamahal na ibinibigay niyo sa akin kaya nahihiya ako. Nahihiya ako pag sinusundan niyo ko. Nahihiya ako pag kinakawayan niyo ko na hindi ko kayo nakikita. Nahihiya ako pag tinatawag niyo yung pangalan ko pero hindi ko naririnig. Nahihiya ako sa inyo pag pinupuntahan niyo ko pero hindi ko kayo napapansin. At hiyang hiya ako talaga sa inyo pag binibigyan niyo ako ng atensyon pero hindi ko kayang pansinin. Nakakahiya. Hindi ko alam kung paano itetake yung pressure para maibalik yung mga efforts ninyo. Nakakahiya. Minsan kasi sabi ko, sana wag nalang masyado. Alam ko kung gaano kalalim yung suporta niyo sa'kin, yung pagmamahal, pero sana wag masyado kasi parang hindi ko naman deserve. Salamat dahil, nagsimula naman to na, nabuo to kasi hinahangaan niyo ko, pero ang hindi ko inaakala, hindi ko ineexpect na pati yung mga bagay na hindi niyo dapat hangaan sa akin eh tinanggap niyo na lang. Diba? Kaya, salamat. Nahihiya ako. Hindi ako magaling magbalik ng pagmamahal kaya nahihiya ako talaga. Wala akong masyadong talent kung pa'no maibalik yung pagmamahal na ibinibigay niyo sakin sa tamang paraan. Kaya natatakot din ako kasi hindi ko alam kung saan to papunta. Yun nga, 4 years na pala kayo. Kasi marami din namang mga natuwa sakin nung una pa lang. Pero wala na sila ngayon. Marami din namang pumalakpak dati, pero hindi na natutuwa ngayon. Salamat, 4 years. Hindi ko alam kung hanggang saan to papunta pero maraming maraming salamat. Thank you.
*CE maraming maraming salamat ikaw ang pinuno nito, ikaw ang utak ng lahat ng ito. Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung tiyaga mo, yung pagmamahal mo. Maraming maraming salamat. Lalo na yung mga bata na kasama niyo, maraming salamat kasi binigyan mo sila ng mga bagong kaibigan. Diba?*
Alam kong itong VGPC ay sobrang laking blessing nito hindi lang sa akin kasi hindi naman fansclub ang naitayo ninyo, kundi grupo ng mga matatalik na magkakaibigan na papunta na sa pamilya. Na sana hindi ito magsimula at matapos bilang isang fansclub, diba? Maganda yung pamilya kayo, pamilya tayo, at hindi lang ako ang sinusuportahan ninyo, sana suportahan niyo ang isa't isa para maging mabuti, para maging successful, para maging maganda ang kahinatnan ng isa't isa. Kaya maraming salamat sa bawat isa sa inyo at again, I am sorry. Hindi ko alam basta I am sorry. Madami akong weaknesses at natatakot ako dahil baka maging dahilan yun para iwan niyo ko, pero you're still here. I'm just so thankful. Nakakatuwa na bukod dito sa pamilyang kasama ko (Team Vice), kasi ito yung kasama ko araw-araw, matatagal ko nang kaibigan, sila yung nakakakilala sa akin, sa dinami-dami ng taong nakilala ko sa mundo, at sa dinami-dami ng dumating sa buhay ko, at sa dinami-dami ng umalis din, sila lang yung naiwan na natira. Pero natutuwa ako, na pag nakikita ko kayo ngayon, after 4 years, marami pa rin palang natira. Kaya thank you and God bless everyone. Thank you!"
- Jose Marie "VICE GANDA" Viceral.
A/N: Edited some words na inulit or hindi nabuo yung sentence.
Yung may asterisk (*) eto yung message niya for Ate CE alone. :)
- Mab <3
![](https://img.wattpad.com/cover/14834792-288-k35be7e.jpg)
BINABASA MO ANG
VICE GANDA's Message for Vice Ganda Party Club
AcakA collection of Vice Ganda's Messages every VGPC Anniversary.