Chapter II So what's new?

12 0 0
                                    

So after 5 hours of sleep, yes 5 hours. nagising na ko. actually pinilit kong magising, hello may pasok pa ko as a call center girl diba? Nagcheck agad ako ng phone. "Wala man lang nakaalala sa akin" Nilapag kong muli ang cellphone ko, Ganun ba kalungkot ang buhay ko? bulong ko sa sarili ko.

Di naman ako snob or something, pero hindi ko alam kung bakit napaka konti lang ng tao sa paligid ko. Siguro kasi pili lang ang mga pinapapasok ko sa buhay ko, Yung sigurado akong mapagkakatiwalaan ko. Mahirap na diba. Meron kasi yung iba itatake advantage ka lang e.

After kong maligo nagprepare nako. Nagbihis na ko at paalis na. Habang nasa byahe naka salpak sa tenga ko ang headset ko,

make me your aphrodite,

make me your one and only.

but don't make me your enemy. Your enemy,

So you wanna play with magic

Boy you should know what your falling for,

Baby do you dare to do this,

'Cause I'm coming to you like a dark horse.

Ilang araw na akong lss sa kantang to, as in ilang araw na! Saktong pagdating ko sa office, Nakita ko si Dhel, And beki kong kaibigan. "Hi beks, Kamusta booking?" ngingiti ngiti kong tanong sa kanya. "Puta ka, anong booking. Wit busy aketch para maglovelife, Bakla bat ba wala kang jowa? Tibo ka? yung totoo tibo ka no? Sayang ang ganda mo girl, at ang alindog mo? Ay pak! Irampage mo" Lecture niya sakin, "Tibo mo muka mo, Baklang to. Di ako Tibo gaga. Wala lang, Walang magkamali e," Sa totoo lang di naman ako man hater at di rin naman ako panget, Well hindi naman ako magandang maganda pero may ipagmamalaki naman. Maputi, Tama lang ang height para sa babae, Tuwid na mahaba ang buhok at may kurba naman kahit papano, Bakit nga ba walang nang liligaw sakin? siguro nga hindi rin noticeable ang beauty ko. "Girl, may rereto ako sayo. Bet mo?" pinakita niya yung picture sa phone niya. Gwapo naman. Mukang edukado, "Okay lang, Da hu ba itey?" Curious kong tanong sakanya. Bigla namang dumating yung TL namin, Si TL Vito, Na oh so hot at yummy, na parang lahat ng babae, bakla, at taken na mga kawave ko e pinagpapantasyahan sya. Syempre damay na din ako, pero slight lang, Mainit dugo ko dyan e, kasing init ng dugo niya sakin, ewan ko ba lagi na lang ako, Ako nalang ng ako.

"Montemayor! No more daydreaming on the floor" Sigaw niya habang naglalakad papunta sa cubicle niya, Sabi sainyo e, mainit dugo sakin niyan e. "Whatever" Mahinang sagot ko, Saka na ako nagumpisang magtrabaho.

Buhay nga naman no? Napaka un-fair minsan, Yung tipong, Tahimik ka na. Wala ka ng ginagawa kalmado ka na. Tapos biglang ikaw pa rin may kasalanan, Ikaw pa din mali. Ganun yata talaga? "Life is a fucking mess, And you just got to deal with it." Bulong ko sa sarili ko habang nakikipag usap ako sa customer, Pero hanggang kelan nga ba magiging mess yung buhay ko? Kasi parang kahit anong pilit kong ayusin parang wala namang nangyayari. Medyo nakakapagod din. E ano pa nga bang magagawa ko, Fight na lang ng fight never give up.

Ilang mainit ang ulo na customers ang nakausap ko, bla! bla! bla! paulit ulit lang, Mumurahin ka kapag hindi nila nakuha yung sagot na gusto nilang marinig. minsan sasabihin pang sinungaling ka. Sanay na ako sa mga irate customers na to. Di mo rin naman pwedeng patulan kasi macueQA ka, Mas malala yun. Kaya ang solusyon, Mute sabay sigaw ng "PUTANG INA MO!" Unmute na ulit at balik sa normal na temper, galing no? hehe kaya kung tatanungin nila ko, What's new? Fvck there's nothing new at all.

Natapos ang araw ko na ganun lang, Walang bago, School-Office-Bahay-School-Office-Bahay. Yan lang naman lagi e.

I'm Only HumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon