Chapter I Daily Routine

7 0 0
                                    

Saddiea's POV

"I'm so late" Bulong ko sa sarili ko pagkatapos kong silipin ang wrist watch ko, 12:30 na ng tanghali 30 mins na lang umpisa na ng klase ko, Lakad takbo ang ginawa ko para lang umabot ako, Pagpasok ko sa room saktong kasunod ko na din ang prof ko.

"Muntik ka na malate gaga ka!" Usal ni Joy, si Joy nga pala, Bestfriend ko, Sira ulong bestfriend ko. pero mahal ko to, kahit praning to. kasi sa lahat ng tao sya lang ang nakaka jive ko. "Traffic kasi, Wala pa nga akong tulog e, Kahit kain man lang, dumiretso nako dito." pabulong kong paliwanag sa kanya, umupo na ako at tumingin sa harapan, "Bakit anong oras ba shift mo?" Tanong niya, "3am to 11am, kaya dumiretso na ko dito." sagot ko. "E bat di ka nalang maglaslas diba? Nagaaksaya ka lang pagod at pamasahe, Di mo na lang sabihing magpapakamatay ka." sagot niya sakin habang daldal na ng daldal yung profesor sa harap namin, nasa may bandang likuran ako kaya di kami masyadong halata,sabi sainyo baliw to e, "Next time I'll inform you." sagot ko,

Natapos ang klase na walang pumasok sa utak ko kahit isa, Ikaw ba naman pumasok ng walang tulog tapos gutom, goodluck na lang diba? Sanayan na lang. Wala e, sipag sipagan ang peg. sa wakas makakatulog na din ako, yung ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko habang nasa byahe pauwi. Pagdating ko sa bahay derecho na ko sa kwarto para matulog, Ay! oo nga pala kasama ko si lola ko at si baby bro, kaso wala sila. ewan ko asan, baka si lola nagpunta dun sa kapatid niya. as usual si baby bro nakatambay. makatulog na nga. 

I'm Only HumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon