Part Five

1 0 0
                                    

Andito kami ngayon sa Pancake House, eating our lunch with mommy Sandy, yes nasundo na namin siya sa airport

"Kamust naman ang 3rd year college life mo iha?" Tanong ni mommy Sandy habang kumakain

"Ahmm tita so far so good, everything is under control" sagot ko sabay ngiting matamis kay tita,

"Good for you and for my son how's work?" Tanong naman niya kay Steve na ngayon ay seryosong kumakain
"Fine i guese" baliwalang sagot niya, parang hindi nanay niya yung kausap, jusme Steve

"How's marriage life? Are you two going well with each other?"  Nagkatinginan kami ni Steve, para bang sinasabi ng mga mata niyang umayos ako sa isasagot ko

"Hmm well i guese everything is fine, nagkakasundo naman po kami sa lahat ng bagay, nagtutulungan din po kami, and steve is such a loving husband po mommy" i just hope na hindi napansin ni tita yung sarcastic tone ko hahahaha😅

"Yes, Clow is right ma, everything is fine and under our control so no need to worry" nakangiting sagot ni Steve sabay akbay sakin dahil magkatabi lang naman kami sa upuan, galing talaga umakting neto eh, best acting award goes to Steve!

"Mabuti naman kung ganun, i thought there is a chaos everyday in your house haha" birong sabi ni mommy Sandy which is actually true!!

"Ahmm what brought you here nga pala mommy?" Pag iiba ko sa topic

"Im just here to visit you guys, 1 week akong magstay sa bahay nyo and i don't take no for an answer" seryosong sabi ni mommy Sandy

"WHAT?!!!" -Steve
"ONE WEEK???" -me

Sabay naming sagot ni Steve na may kasama pang pagtayo yan ha hahahahaha

"Will the both of you please sit down and calm down!" Sigaw na mommy Sandy samin

"Sorry mommy, nabigla lang po kami, pero 1 week po kayong magstay sa bahay?" Tanong ko dito

"Yes darling, ayoko namang mag-isa sa hotel no, got a problem with that?" Inis na tanong ni mommy, oh no nagalit na ata samin

"No mommy---

Naputol yung sasabihin ko dahil biglang sumabat si Steve

"Ma pagpasensyahan mo na si Clow, nagulat lang sya sa 1 week kang titira samin, you know ma ayaw niyang may istorbo sa bahay gusto palagi akong nasosolo, simula ng kinasal kami naging possessive na talaga tong wifey ko" sabi ni Steve sabay tingin sakin at talagang nginitian pako ng mapang asar! This guy is getting into my nerves!

"Hubby naman ako pa talaga yung possessive satin? I hope you still remember what you did last week, you just fetch me in my school and said that you just miss me, ahhh how sweet of you talaga hubby" sabi ko sabay hawak pa sa pisnge ni Steve, Lord patawarin nyo po ako sa pagsisinungaling. Well Steve hindi ako magpapatalo dyan sa mga pang aasar mo😛

"Awwww you two are such a lovely. Couple, and i don't know Steve that you can be so possessive like that when you're inlove" pang aasar ni mommy kay Steve hahaha served him right💪

After namin maglunch tumuloy na kami dito sa bahay namin at tinulungan ko na mag-ayos ng gamit si mommy Sandy sa guest room

"Mommy sure po kayo ok lang po kayo dito sa guest room?"

"Yes Clow, thanks for your help" sabi ni mommy Sandy sabay kiss at yakap sakin, hayss sweet talaga ni mommy Sandy bakit kaya hindi nalang to namana ni Steve no?

"Ok mommy just call us if you need anything po ha, goodnight po" sagot ko bago tuluyang lumabas ng guest room

Pagkapasok ko naman sa kwarto ni Steve ay saktong kakalabas lang niya ng cr at ommyygaasshh eto na ata ang pinakamasayang gabi ko, nakahalf naked lang naman si Steve at naghehello sakin ang six pack abs niya, holy cow! First time ko makakita ng abs sa totoong buhay!

Nabalik lang ako sa realidad ng nagsalita si Steve
"Stop drooling honey, baka pasukan ng langaw" sabi niya habang nakangiting nakaloloko sakin sabay sarado sa bibig ko, what nakakanganga bako?? Owmy napaghahalataan ka Chloe!!

"Im not drooling Steve! Im just checking, and there is a difference between the two!"
Wala sa sarili kong sabi at para makaalis nako sa kahihiyan ay tumakbo nalang ako papasok ng cr, makapagshower na nga lang!!

Arranged Marriage at its finestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon