Part Six

2 0 0
                                    

Pagkatapos kong magshower ay nadatnan kong nagbabasa ng libro si Steve, walang kapagurang magbasa tong lalaki to.
Alam ko na tutal maaga aga pa naman at wala siyang ginagawa, bat hindi ko subukan dba?

"Ahmm steve?" Nag aalinlangang tanong ko bago ko siya lapitan sa kama

"Yes?" Sagot niya at hindi manlang ako binigyang pansin

"You're not busy with office work so can i ask for your help? I need to study my report in marketing, please?" Paliwanag ko, sana naman pumayag siya, d naman siya busy eh!

"Let me think" aba aba napakadamot neto

"Ipagluluto kita bukas ng agahan!" Alok ko sa kanya, napatigil lang siya ng ilang saglit sa pagbabasa
"Pati narin sa tanghalian!" napaka! Hindi parin siya sumasagot ano bang gusto neto?

"Fine! Last tawad nato! Gagawin ko kahit anong gusto mo, turuan mo lang ako" pagkasabing pagkasabi ko nun aba biglang tumingin sakin habang nakangisi, oooh no parang ayoko ng ganyang ngitian ni Steve!

"Hoy Steve bat ganyan ka makatingin ha?" Tanong ko

"Bakit anong tingin bato? At tsaka tara na tuturuan na kita, tandaan mo yang sinabi mo ha" sabi niya sabay tayo at pumunta na sa office room, kinuha ko naman ang book at laptop ko bago sumunod sa kanya

"Here Steve, this will be my report, kindly explain this to me" abot ko ng book kay steve

"Ok, let me read first"
Habang nagbabasa pa siya sinimulan ko na muna gawin yung powerpoint ko para mamaya aaralin ko nalang yung content,
habang nagtatype ako hindi ko maiwasan mapatingin kay Steve na seryosong nagbabasa habang may suot na salamin, hayss that eyeglasses just increase his appeal, ang gwapo with his eyeglasses on😍

"Stop staring" what the? Ang tagal ko na palang nakatulala sa kanya, bumalik nalang ako sa pagtatype kaso i can't stop myself from glancing at him, sino ba namang babae ang hindi mahuhulog sa kanya? Sa loob ng isang taon naming pagsasama sa iisang bubong ay hindi ko napigilan na mahulog sa kanya, pero ayokong mag take ng risk, ngayon ngang hindi pako umaamin ang sungit sungit na niya sa akin paano pa kaya kapag umamin ako baka dnako kausapin niyan hayss.

I shrugged my thoughts away and just type again on my laptop.

"Come closer Clow, I'll explain everything now"

Matapos ang pagtuturo niya sakin ay nauna na siyang pumunta sa kwarto at naiwan ako ditong nagbabasa at sinusulat lahat ng mga sinabi niya, pagkatapos ko ay nagligpit nako at sumunod na sa kwarto.

Pagpasok ko ay mahimbing ng tulog si Steve hindi ko maiwasang hindi titigan ang maamo niyang muka, muka siyang mabait at ang aliwalas ng muka niya kapag tulog. Dapat dito kay Steve palagi nalang tulog eh hahahaha charot

Humalik ako sa pisnge niya at nahiga nako sa kabilang dulo ng kama bago ko pa hindi mapigilan ang sarili kong gapangin siya Hahahahaha😅

Nagising ako sa malakas na alarm ng phone, napabangon ako at tinignan ang orasan, what the?? 4 am palang ah? 5 am ako gumigising kapag may pasok.
Nakita kong bumangon si Steve, so siya pala ang nag alarm.

"Why so early Steve? 6 am pa naman din ang pasok mo sa office dba?" Nakapikit kong tanong kay steve, antok na antok pako😥

"Para sayo ang alarm na yan, magluto kana ng breakfast natin you said you'll do anything i say right?" Ngisi niyang tanong sakin, nagsisisi nakong sinabi ko yun haysss

Bumangon nako kahit pipikit pikit pako, d ko talaga alam bat nahulog ako sa lalaking to eh! Pasalamat siya at mahal ko siya kaya ipagluluto ko siya!

Akala ko babangon narin siya, kaso bigla ba namang inangkin ang buong kama at mukang matutulog ulit

"Hindi kapaba babangon Steve?" Tanong ko habang nakatayo nako sa may pintuan
"Not yet, just wake me up when you're done cooking" sabi niya at tuluyan nakong lumabas ng kwarto

Hmm si mommy Sandy kaya anong oras gigising? Ipagluluto ko narin ba siya?

Muntik nakong mapatili sa sobrang gulat ko pagpasok ko sa kusina

"Mommy Sandy?! Why so early nagulat po ako sa inyo" gulat na tanong ko

"Nako sorry iha ha, alam ko kasing maaga kayong pumapasok kaya eto nagluluto nako ng agahan niyo, sorry nangialam nako sa kusina niyo ha" sabi niya at bumalik na sa pagluluto

"Wala po iyon mommy, sa inyo rin naman po galing tong bahay haha, anyway ang bango naman po niyan hmmm" sabi ko sabay lapit sa kanya

"Nagluto ako ng bacon, hotdog, egg, at matatapos natong fried rice kaya gisingin mo na si Steve para sabay na kayong kumain"

Pinuntahan ko na si Steve sa kwarto aba at ang loko ang himbing parin ng tulog

"Steve wake up, matatapos ng magluto si mommy" sabi ko habang niyuyugyog ang balikat niya

"Hmm" sabi niya na at nag iba lang ng pwesto

"Steve wake up!!" Mas nilakasan ko pa ang pagyugyog sa kanya

"WHAT?!" mukang nasobrahan ata pagyugyog ko ah

"Oops sorry pinapagising kana ni mommy Sands matatapos na siyang magluto" sabi ko habang dahan dahang humahakbang paatras dahil ang sama na ng tingin ni Steve

"Tsssss, ayoko sa lahat ang ginugulo ang masarap kong tulog eh" sabi niya habang tumayo na sa higaan at onti onting lumalapit sakin, ang sama parin ng tingin niya, mommy Sands naman eh

"Napag-utusan lang naman ako Steve" sabi ko habang umaatras parin kaso nasa dulo nako ng pader at nakalapit na si Steve, sobrang lapit! Naduduling na nga ata ako dahil sa sobrang lapit niya

"Kilala moko dba? Ayoko sa lahat nauudlot ang tulog ko" pag tong si Steve dparin lumayo nako hahalikan ko nato! Onting lapit pa Steve sige!

"Duh Steve dba nagpapagising ka naman talaga sakin?" Sabi ko sabay irap

"Oo nga, pero ilang minute palang ang nakalipas Clow"

Dahil sa sobrang lapit niya hinarang ko na ang kamay ko sa balikat niya

"Lumayo ka nga Steve, naduduling nako sayo eh!" Sabi ko sabay tulak sa kanya

"Paano kung ayaw ko ha?!" Sabi niya sabay pigil at hawak sa kamay ko

"Pag ikaw dpa lumayo Steve walang sisihan ha" sabi ko sabay smirk, wala talagang sisihan dahil ikikiss ko talaga siya kapag dpa siya lumayo

"Try me Jasmine Chloe" matigas niyang sabi, try me pala ha sige bring it on! Hahaha

*chup
Yah kiniss ko na siya sa lips, smack lang naman baka dko mapigilan sarili ko eh HAHAHA

Nanigas sa kinakatayuan niya si Steve gulat na gulat siya sa ginawa ko kaya bago pa mabalik sa wisyo si Steve hinagisan ko siya ng tuwalya
"Maligo kana at bumaba na" sabi ko sabay takbo na palabas

Naligo narin ako sa cr sa baba at nagbihis na ng uniform ko. Pumunta nako sa kusina, nadatnan ko si mommy Sands na nakaupo at umiinom ng kape habang nagbabasa ng news paper, gawain ng oldies hahaha char!

"Hi mommy Sands kain na po tayo" maligayang bati ko

"Ooh nakaayos kana pala, mukang maganda mood mo ha?" Maganda talaga! Nakaisa ba naman ako kay Steve eh hahahaha

"Ganito po talaga ako palagi mommy haha, anyway bababa narin po si Steve in a minute" sabi ko sabay upo sa harapan ni tita, nagsasalin nako ng fried rice ng biglang sumulpot si Steve

"Ano yang muka mo anak? Gusot na gusot yang noo mo, umagang umaga Steve" napatingin naman ako Steve at sinalubong ang death glare niya ng matamis na ngiti ko hahahaha

"Mommy may magnanakaw kasing nakapasok sa kwarto eh" seryosong sabi niya at umupo na sa tabi ko

"Pffttt ano namang nanakaw sayo Steve?" Pigil tawa kong tanong. Tinawag pakong magnanakaw hahaha well kiss stealer nga naman ako haha

Kung nakakamatay lang ang titig nako kanina pako pinaglalamayan, cause of death: glare of Steve 
Hahahahahaha laughtrip galit na galit isang smack lang naman ginawa ko hahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arranged Marriage at its finestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon