"A good friend knows all your best stories, a BEST FRIEND has lived them with you."
AN: Ang kwentong ito ay alay ko sa lahat ng mag best friends. Kahit straight kaman or transgender (transgender which categorize all males and females who shifted from one gender to another). Gusto ko lang naman kasing bigyang diin at inspirasyon ang bawat kaibigan na umaasang magkakaroon ng mas malalim na relasyon ang kanilang pagsasama di lang bilang kaibigan, beshy, beasty, Bes, Best, etc. Ang Kwentong ito pala ay tungkol sa mag bestfriend na lalake. Kung ikaw ay open sa mga same sex stories and even movies or any material pwede mo tong basahin. Pero kung i-jujudge mo lang ang ganitong material as well as same sex relationship well, sorry, find other stuff to critic. Definitely, you do not belong to this world if you don't understand the way and nature of being one of the LGBTQs.
Enjoy and learn something, that's what I want you to get from here!
"Sa tingin mo kaya kong tanggapin yang sorry mo? No way Niel!, you lied a lot. You don't deserve any friend, at isa pa wala akong kaibigan na sinungaling at manloloko. Akala ko pa naman we will be friends forever, promise natin yun diba? Naaalala mo pa ba?" Si Franz na dinuduro pa ang kaibigan dahil sa sobrang galit nito.
"Sorry na Franz, alam ko naming ikakasira natin to eh, pero..."
"Pero ano? Ha? Pinilit mo parin na pairalin yang nararamdaaman mo. Ang selfish mo kasi eh! Kahit kalian makasarili ka, diba?" Si Franz na kwenekwelyuhan na ang kanyang kaibigan.
"Simula ngayon di na kita kaibigan. Kahit kailan huwag na huwag ka nang lalapit sa akin." Dagdag niya pa at tuluyan nang umalis.
"Franz, di mo kasi naiintindihan," umiiyak na paghabol ni Niel. "Franz wag mo akong iwan please, please, Franz let's talk, sige na naman oh parang awa mo na (hinawakan niya pa ang kamay ni Franz nang maabutan niya ito sa paglalakad).
"Wala tayong dapat pag-usapan!" At tinulak niya ito dahilan para mapa upo ito sa kalsadang kanilang kinaroroonan.
"Franz, please patawarin mo ako, sorry, sorry, Franz please," hagulgul ni Niel ngunit hindi manlang lumingon ang kaibigan nito. Wala na, tapos na ang masasayang araw na kanilang binuo ng matagal na panahon.Wala na ang pagkakaibigan nila.
Habang nakasalampak sa kalye si Niel ay ang alaala nila ng kanyang kaibigan ang laman ng kanyang isipan. Wala siyang pakialam sa iilang taong dumadaan. Nanatili itong nakahandusay. Umiiyak, dinaramdam ang labis na sakit at pagkadurog ng kanyang damdamin kasabay ng pagkawasak ng isang pagkakaibigan na matagal nilang binuo at pinagsaluhan ni Franz.Wala na, wala na ang lahat.
"Ano ba yan nakakainis naman yang Franz na yan. Ganun na lang agad yun. Di niya ba naisip ang matagal nilang pagkakaibigan. Tsk tsk tsk, nakakaiyak, pati ako apektado sa sinapit ni Niel. Hmmmm, sana di yun mangyari sakin. Tiyak, hindi ko kakayanin ang ganung kaganapan sa buhay. Ang hirap nang ganun, masakit, nakakamatay." Mahabang saad ni Vince matapos i-lock ang cellphone nito.
"Kainis akala ko pa naman okay yung takbo ng istorya. Kainis talaga, kung nandun lang ako lagot talaga yang Franz na yan saakin," naiinis na dagdag nito. Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya nito sa nabasang kwento.
"Huy! Kanina ka pa parang tanga diyan, ano ba ginagawa mo?" Si Lanz na kanina pa pala tinitingnan ang kaibigan na kababata at kapit bahay niya rin.
"Kanina ka pa diyan?" Tanong ni Vince na nahihiya.
"Oo no. Nakita ko yang pagiging OA mo. Para ka talagang tanga. Basa pa more kasi tol!" Pang aasar pa nito.
Kaibigan ko ba talaga to? Ah oo, saabagay ganun daw ang tunay na kaibigan yung dudustahin ka na ipapamukha sayo ang katangahan mo at ang lahat ng mali mo.
"Makapagsalita naman to. Diba pwedeng affected lang?"
"Ewan ko sayo, tara na nga nagugutom na ako." At nauna na gang naglakad si Lanz.
"Tara na tas iiwanan mo ako? Ay wooww, kaibigan nga kita tol!" Nagmamaktol itong humabol sa kaibigan.
"Dami mo kasing drama, para kang sira."
"Grrrrrrrrrrrrr, pigilan niyo nga ako, may masasapak talaga ako nang di oras dito eh. Nakakarami na siya ha," pagpaparinig ni Vince.
"Sino, kausap mo?"
"Ahy talagang binuburaot ako nang gagong to. Diyan ka na nga, kainis ka naman eh." Padabog na naglakad ito at nilampasan ang kaibigan.
"Uy, Vince, ang tanga mo talaga biro lang uy, Hintay!" paghahabol naman nito.
"Di kita bati." Parang bata na sagot ni Vince nang makalapit ang kaibigan.
Inakbayan nalang ito ni Lanz. Pumipiglas kunwari ang nageenarteng si Vince ngunit mahigpit ang pag akbay ng kaibigan nito. Naglakad nanga sila patungo sa canteen.
AN: Happy Reading!
YOU ARE READING
FRIENDSHIFT
Teen FictionSila yung laging magsama,magkasabay, magkakbay. Mula pagkabata ay kaagapay ang isa't isa. Paano kung subukin ng panahon ang kanilang matatag na samahan at pagkakaibigan? May magbabago ba? Kung sa pagdating ng panahon ay di na kaibigan ang turing niy...