AFTER SUMMER VACATION

289 8 0
                                    

Balik Metro Manila na naman ako matapos ang dalawang buwan na summer vacation. Di ko nga rin maintindihan kung bakit summer vacation parin ang tawag ng marami eh June and July naman ang bakasyon. Kasalukuyan akong naka-stock sa bus na aking sinasakyan dahil sa traffic. Ano pa ba ang aasahan mo sa Manila? Ramdam ko ang alinsangan dahil sa tirik na araw taliwas sa pinanggalingan kong lugar. Tumungin-tingin muna ako sa labas. Sobrang dami ng tao ang paroo't-parito sa mga lansangan.

Maya-maya pa ay umusad na rin ang trapiko. Malapit na an gaming sinasakyang bus sa Pasay Terminal kaya naman medyo naiipit sa traffic. Mga bandang alas onse na iyon ng umaga kaya nanonoot na sa balat ang init ng araw. Ilang minuto pa ang lumipas ay nasa terminal na kami. Nang makapwesto na ang bus ay nagsibabaaan naman ang mga sakay nito. Pinili kong magpahuli na bumaba, ayaw kung makipag gitgitan sa kanila. Nang makababa ay umupo muna ako sa waiting area para magpalamig. Labis rin ang uhaw na nararamdaman ko kaya malimit akong uminom ng tubig. Nang bahagyang mapawi ang init sa katawan ay sinubukan kong i-dial ang number ng taong susundo daw sa akin. Ang taong matagal ko nang kasama at kaibigan.

Nakakadalawang dial na ako ngunit wala paring sumasagot. Saan kaya nagsususuot ang gagong yun, naiinis kong sabi sa sarili ko dala ng mainit na pakiramdam. Kapag di pa siya sumagotmalilintikan talaga tosaakin.

"Hello Vince,dumating ka na ba?" Hay sa wakas ay may sumagot rin.

Oo nasa terminal na ako. Bakit ang tagal mo kasing sumagot ng tawag huh? Alam mo bang kanina pa ako dial ng dial, ang init-init dito sa terminal, nabwebwesit kong sagot sa kanya.

"Relax masyado kang hot. May training kasi kami sa swimming kaya di ko hawak ang cellphone ko.Magbihis lang ako at sunduin na kita agad, okay?"

Okay, sige! Ito nalang ang naisagot ko kay Lanz.

Habang naghihintay ay minabuti ko munang magbasa sa phone ko. Pero dahil nga sa nakakairitang init ng panahon ay nawalan ako ng gana at isinara nalang ito. Tinungo ko ang isang store para bumili ng malamig na tubig. Umiinit rin kasi ang ulo ko.

Lumipas ang halos isang oras at dumating na rin si Lanz. Gamit niya ang kanyang kotse.nang Makita ko itong mag-park ay lumapit na ako rito. Habang papalapit ako ay lumabas naman ito sa kanyang sasakyan. Seryoso akong lumapit at naiirita na talaga sa init ng panahon.

"Buti naman at dumating ka na," nakangiting salubong nito saakin.

Tiningnan ko lang siya ng seryoso.

"Miss mo 'ko no?"

Hindi ko siya sinagot., sa halip ay iniba ko nalang ang usapan. Ah, Lanz tara na nagugutom na kasi ako, seryoso kong pagyayaya rito.

"Pasalubong ko saan na,"demanding nitong paghahanap at talagang inilahad pa ang palad niya.

Wala akong dalang pasalubong, deristo kong sagot. Napansin ko na nadismaya ito at nag-iba ng mood. Mabilis siyang pumasok sa kotse niya at pinaandar niya.

Huy, Lanz! Sigaw ko. Nagpatuloy lang ito sa pagpatakbo ng kanyang kotse kaya hinabol ko ang gago. Nananadya ata ang animal na to ah. Sigaw ako ng sigaw hanggang sa labas ng terminal. Pinagtitinginan nga ako ng mga dumadaan pero wala akong pakialam. Huminto naman si Lanz nang nasa labas na kami ng terminal. Sinalubong ko agad ito ng batuk nang makalabas sa kotse niya na nakangiti pa.

"Aray!"

Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Inis na inis kong tanong sa kanya at aaktong babatukan ko na naman siya, pero mabilis nya akong napigilan.

"Matagal din kitang hindi naasar, masaya ba?"

Mukha mo masaya! Hindi mo ba alam na kanina pa ako buraot tapos gaganyanin mo pa ako.

"Wow ha, hindi mo lang alam kong gaano ako naghirap na maglinis sa piggery at poultry namin tapos tumulong sa palayan noong bakasyon. Niyaya kitang sumama sakin pero umayaw ka naman," nangongonsensiya nitong balik sa akin.

Dapat lang ah, na ikaw ang magtrabaho doon dahil ikaw din lang naman ang magmamay-ari nun sa future, diba? Isa pa sabi ko naman sa'yo na kailangan ko ring makasama mga magulng ko sa bakasyon.

"Ang tanda mo na di mo parin magawang humiwalay sa mga magulang mo."

Natigilan ako sa huli niyang sinabi. Napaisip tuloy ako at tinanong siya. Sa tingin mo Lanz, hanggang kalian kaya natin makakasama ang mga mahal natin sa buhay?

"Ayos ka lang Vince?"

Di ko siya kinibo.

"Uy, Vincent! Yung totoo okay ka lang ba?" at kinapa niya pa ang noo ko kung may lagnat raw ako.

Okay lang ako. Tara na.

Papasok na sana ako sa backseat ng kanyang sasakyan pero pinigilan niya ako.

"Hephephep."

Bakit?

"Sino nagsabing diyan ka? Halika rito sa harap, ikaw ang magdrive."

Ano? Alam mo naming di ako sanay sa mga daan ditto sa manila. Nababaliw kana ba?

"Ilang beses na kitang tinuruan noon, diba?"

Eh di ko naman tinatandaan ang mga tinuturo mo. Isa pa wala akong sariling sasakyan para maglagalag, ang naiinis ko paring sabi.

"Whatever, Dami mong sat-sat. Ako bahala basta magdrive ka diyan." No choice ako kundi ang pumunta sa driver's seat. Tumabi naman ang mukong para daw alalayan niya ako.

Heto nga at kasalukuyan naming binabaybay ang daan papuntang bago naming apartment. Sakay sa dating kotse na talaga namang masasabi ko nan a-miss ko ang ganito sa dalawang buwan na di kami nagkita ni Lanz. Para sa akin ay ilang taon iyon. Gustuhin ko man na maagang bumalik rito tulad niya ay di ko magawa dahil sa higpit ng mga magulang ko. Basta kasama ko tong old bestfriend ko, walang minuto na di ako masaya kahit pa nagaasaran kami at may mga ilang di pagkakaintindihan.

Sa huling taon namin ngayong college ay gusto kong mabigyang linaw ang lahat ng mga bumabagabag sa akin. Gusto ko ring masulit ang bawat pagkakataon na kasama ko ang aking nag-iisang bestfriend for 4 years. Hiling ko na sa huling taon na ito sa aming pag-aaral ay mas marami pa ang mabubuting mga bagay at pangyayari ang dumating. Sana ay magsalo pa kami sa mga masasayang karanasan. Sana ay marami pang litrato an gaming maipon bilang ala-ala ng masaya at makulay naming pagsasama bilang mag-bestfriend. Sana ay mapatnayan ko na rin sa sarili ko ang matagal ko nang gustong malaman sa sarili ko.





AN: This is the very first chapter. Sana ma boost ko na ang inyong interest towards following 'till the end of this story. If you have time,you can suggest and comment down. Sana mag vote din po kayo, salamat.

FRIENDSHIFTWhere stories live. Discover now