SWIMMING BONDING

244 5 0
                                    

AN: Hi, this is the second chapter. Enjoy reading.





Pagkarating namin sa apartment ay agad kong tinungo ang kulungan ng alaga kong love birds na nasa malapit sa bintana. Si Lanz naman ay agad na ibinagsak ang katawan sa kama.

"So Vince, kumusta ang baguio"? Pagsisimula ng topic ni Lanz.

Ayun, Baguio parin, di pa naging Cebu, pamimilosopo ko rito.

"Gago ka talagang kausap, nagtatanong ako ng maayos eh."

Wait lang, bakit parang pumayat tong mga love birds? Inalagaan mo ba to ng mabuti?

"Oo."

Pinakain mo?

"Pinakain malamang."

Nililinisan mo ba ang bahay nila?

"Parati ah, Bakit di mo pa kasi dalhin yang mga alaga mo sa Baguio?" Naiinis na sagot ni Lanz.

Nag-iisip ka ba? Sa byahe pa lang baka mamatay ang mga to. Isa pa kaya nga di ba nauna kang bumalik dito sa Manila para alagaan mo itong love birds.

Ang alaga kong love birds ay matagal nang naging kasama namin ni Lanz. Simula noong nasa dormitory palang kami noong third year ay kasama na namin ang mga ibong ito. Noong umuwi ako sa Baguio ay pinaalagaan ko muna ito sa kaibigan namin. After one month na vacation ay bumalik naman agad si Lanz dito sa Manila kaya siya na ang nag-alaga.

"Alam mo ba na muntik na makatakas ang isa niyan?"

Buti hinuli mo dahil kung hindi...

"Bakit kung hindi," pamumutol nito sa sasabihin ko.

Mamamatay itong isa. Parang tao lang din kasi itong mga to, alam mo ba yun. Ang love birds, kapag umalis o iniwan siya ng kapareha niya, ay malulungkot ito at eventually mamamatay. Hindi kasi kayang mabuhay mag-isa ng mga love birds, nalulungkot sila at nagiging dahilan ng kanilang pagkamatay. Diba ganun din naman ang mga tao kapag iniiwan sila ng kanilang mahal sa buhay, nasasaktan sila at nalulungkot, ang pinagkaiba nga lang ay di sila agad namamatay dahil lumalaban sila di gaya ng mga ibon na nagpapadala sa masidhing lungkot.

"Hay naku Vince, umandar na naman yang kadramahan mo sa buhay. Epekto na siguro yan ng kababasa mo ng mga libro at kakapanood ng mga romantic movies."

Pakialam mo ba, ikaw kasi wala kang ibang alam kundi ang mag swimming, asar na baling ko sa kanya.

Nang mapakain ko na ang love birds ay naupo na ako sa kama habang si Lanz naman ay inaayos ang hinubad niyang damit. Lakas kasi maka topless ng kaibigan kong to pag nasa apartment lang. Tiningnan ko siya habang inilalagay sa hanger ang kanyang T-shirt. Alagang- alaga sa gym at training ang katawan nito. Hindi katulad ko na medyo payat at hindi toned ang muscles. Hindi naman kasi ako katulad niya na mahilig mag gym tapos siya swimmer pa . Kahit nga paglangoy ay di ako gaanong marunong. Sa kabundukan naman kasi ako lumaki kaya paano ako matutong lumangoy. Isa pa takot rin ako sa tubig.

"Ah Vince, tara sa school? Magswimming tayo," pagyayaya nito. Naisip ko na dapat ko na talagang subukan at pag-aralan na lumangoy kaya pumayag na ako.

O sige ba, masaya kong sagot sa kanya nang lumapit ito sa akin.

"Wait, akala ko ba takot ka lumangoy?"

Akala ko rin ba niyayaya mo ako?Masama bang subukan at labanan ang fear? Malay mo maging varsity rin ako sa swimming tulad mo huh, talagang who you ka sakin kapag nangyari yun. Isa pa Lanz ang init kaya, sarap magswimming ngayon, ganti ko sa kanya.

"Yumayabang na ata ang bestfriend ko. Let's see mamaya. Magbihis ka na para alis na tayo," at tumalikod ito para kumuha ng damit niya pang swimming.

Siya nga pala Lanz, tawag ko dito sabay abot ng pasalubong ko sa kanya.

FRIENDSHIFTWhere stories live. Discover now