AN: Ngayon lang to na-update. Isinisingit lang sa oras eh. Sana Maenjoy ito ng mga makakabasa.
"Saan mo ba balak kumain?" Tanong ni Jollie matapos siyang humintong magsalita. Nakahalata siguro siya na di ako kumikibo sa mga kwento niya. Di naman talaga dahil wala naman akong time makinig sa kanya. Ewan ko ba kung bakit kung ano-ano ang pumapasok sa kukute ko.
Ahh...Kahit saan nalang, aligaga akong sumagot sa kanya.
"Alam mo kanina ka pa ha, akala mo di ko napapansin na di mo ako pinapakinggan. Iniisip mo si Laaa..." hindi niya na naituloy yung sasabihin niya dahil tinakpan ko na ang bibig niya.
"Naku Vince ha, halata na kita," pagpapatuloy niya ng alisin ko na ang kamay ko sa baba niya.
Tumahimik ka na lang kasi. Ang dami mong kwento di ko naman naiintindihan, tapos kung sino-sino pa binabanggit mo.
"Wow ha Vince! Thank you at nakakahiya naman na isinama mo pa ako, parang ikaw pa yata ang naabala sa pagsama ko sayo no?" Naiinis na wika ni Jollie sakin saka huminto sa paglalakad. Naoffend siguro siya sa sinabi ko.
Sorry na. Halika na dito. Ang ingay mo naman kasi kanina ka pa daldal ng daldal.
"Eh alam mo naman na ganito na ang nature ko ever since, di ka pa ba sanay? Dati rati naman tuwang tuwa pa kayong dalawa ng bestfriend mo pag sinasama niyo ako kasi ang jolly jolly ko, diba?" Paliwanag niya. Oo nga naman dati rati kasi gustong gusto ko ang kaingayan nitong babaeng to, ewan ba bakit ngayon parang nawalan ako ng gana.
Syempre alam ko naman na yun, medyo gusto ko lang kasing tumahimik muna ngayon. O' dito na tayo kumain, masasarap ang pagkain dito. At pumasok nga kaming dalawa sa loob ng Restaurant sa gilid ng daan kung saan kami huminto.
"Oh, I can smell something Fishy."
What?
"Wala hindi ikaw. Masyado ka namang assuming. Yung nilulutong fish naamoy ko," at mabilis nanaunang pumasok si gago. Agad naman akong sumunod.
Sa di sinasadyang pagkakataon ay nandito rin pala sila Lanz kasama ang girlfriend nitong si Pam. Nasa bandang dulo sila ng kainan at masayang nagkwekwentuhan, ang sweet nila tingnan. Ewan ko ba bakit tila gusto ko na palang lumabas at sa iba nalang kumain. Naunang naupo si Jollie, hindi muna ako humatak ng upuan at sandaling natigilan.
"Uy, sino ba kasing tinitingnan mo," takang tanong ng kasama kong madaldal.
Wala. Ah siya nga pala Jollie sa iba nalang tayo kumain mukhang hindi pala ata masarap ang pagkain dito, kunwari'y pagdadahilan ko.
"Ano ba naman yan. Dito na ah kasi! Akala ko ba gutom kana sabi mo kanina sa daan tapos pipili ka pa ng kakainan. If I were you Mr. Beans este Mr. Vince, umupo kana kasi mukhang alam ko na kung bakit umurong yang appetite mo.
Sinasabi mo diyan?
"Eh kaya naman pala tingin ka ng tingin sa kabilang banda... Bakit di ka pa kasi pumunta doon at samahan yung BF mo," pang aalaska ni Jollie.
Anong BF sinasabi mo, baka gusto mong di ko bayaran yung kakainin mo.
"Hala! Naku ikaw talaga Mr. Vince masyado kang defensive. Parang binibiro ka lang. Di mo ba alam ang BF? It's an acronym of bestfriend," rason niya pa saka ako tinawanan.
Huwag mo nga akong binubwisit eh alam ko naman na ibang BF ang ibig mong sabihin. Isa pa talaga ikaw sasagot sa orders natin.
"Ikaw ang nagbigay ng ganung meaning..." mahinang sabi ni Jolly sabay hagikhik. "Anyways, oorder na nga lang ako baka umurong na rin yung mang lilibre.
YOU ARE READING
FRIENDSHIFT
Teen FictionSila yung laging magsama,magkasabay, magkakbay. Mula pagkabata ay kaagapay ang isa't isa. Paano kung subukin ng panahon ang kanilang matatag na samahan at pagkakaibigan? May magbabago ba? Kung sa pagdating ng panahon ay di na kaibigan ang turing niy...