SCOOP ONE

171 11 5
                                    

TRIPLE SCOOP ICE CREAM

By madieberswag

All Rights Reserved 2012. 

 -------------------------------------------------

*First Update* 

"Tae!" 

Oo. Tae. Yan ang first word na mababasa niyo sa kwentong 'to. Yan din ang dahilan kung bakit ako namomoblema ngayon. 

Eh sa nakatapak ako ng Tae eh -____-  Kaya ayun tinapon ko ang aking tsinelas. 

"RafRafRaf!" 

Ano ba yun? Nang lumingon ako, 

O.O 

Laking gulat ko kasi hinahabol ako ng isang pagong. 

Naniwala naman kayo? Joke lang 'yun. Hahaha! Aba syempre aso yung humabol sa 'kin. Nagsasalita ba ang.pagong? 

Tama na ang daldal! Takbo na Ahkeyaah!!! 

"raf!raf!raaf! Grrrrr!" 

Ahkeyah? Ai Oo nga pala. Hindi ko pa napapakilala ang sarili ko sa madlang people. Haha. 

The name's Ahkeyah Dee Crossford. Hindi po ako American o paaralan. Haha.

Sadyang ganyan lang talaga ang apelyido ko. Hindi ko rin po pinsan si Enchong Dee. Physical Appearance? Uhm. Maganda. Dejoke. Hahaha! Nanloko pa. Cute nalang tuloy. Singkit ako pero nakakakita pa rin ako ng kulangot. Maputi at hindi kataasan. Tamang height lang, eh kasi naman pag masyadong matangkad na yung babae mahirap na makahanap ng lalaki, este lovedoveys. At Chubby rin ako, palakain kasi ako eh. 

Mental? Este Personality? Ewan. Haha. Makulit. Masungit. Cold. Misteryoso pag hindi pa kilala. Maingay. In other words, hindi mo ako maiintindihan. XD

Eh sa ganun ang binigay sakin na ugali ni Author eh. 

Ay Oo nga pala, I know nagiisip kayo kung Single ako. Aba syempre, I'm always available. Haha Pero I'm taken. Ang labo lang? Haha. Oo, taken na ako by Food.

Hindi ako gluttoned ah! Grabe naman. >____< Talagang mas masarap ang kumain kesa magkaboyfriend. Sakit sa ulo lang yan. 

Gaya ng nangyayari ngayon. 

Haaixt! Takte na aso naman oh! Kakaligo ko palang kanina pagpapawisan na naman ako. 

"Ay tae!"

Oo. Tae na naman. Pero hindi na tae ang natapakan ko ngayon kundi Paa ng isang lalaki. Kaya ayun, by the rule of stamp, nagtransfer yung tae ng isa ko pang tsinelas - Yeah. Hindi ko lang kasi tinapon ang isang 'to kasi ano ako? Nakapaa lang habang pauwi ng bahay?

So ayun nga nagtransfer yung tae sa polished shoes ng isang lalaki. 

"Sorry!Sorry!Sige babye!"

Haha. Eh sa hinahabol ako ng aso. Ano mas aatupagin ko? Magsosorry dun sa mama na alam ko naman na inis na inis na 'yon sakin at baka ipahanap ako sa mga FBI or yung asong canine na handa na akong lamunin? Aba syempre Choice Number Two!  

Hinahabol pa rin ako ng aso at syempre takbo naman ako ng napakabilis. Eh sino ba ang hindi matatakot? Andrenaline Rush to uy. 

"Stop! In the name of dog foods!" 

Huminto ako at hinarap yung aso. 

Kaso I thought maiintindihan niya ako pero hindi pala, Mas nagalit eh! 

Takbooooo!!!!! 

Hanggang sa natanaw ko na ang Bahay namin. Kaso nakalock ang gate! Leche naman oh. Kung kelan emergency tsaka nakalock -____- 

Scooping Love ♥ (UNDER CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon