Chapter 2
Matapos ng lahat lahat ay napaupo kami sa pagod.
"Did I achieved my perfect tan?" Sarkastikong sabi nitong si Jessica.
"Sa laki ng bahay niyo, dapat naisipan man lang ng baliw mong asawa na kumuha ng maid! My Gosh! Nakakapagod!" Reklamo naman ni Angel.
Maid?? He don't want a maid dahil obligasyon ko raw na pagsilbihan siya as his wife. Wala namang kaso sa akin dahil mas gusto kong ako ang nagsisilbi sa kanya pero pahirap ng pahirap ang mga pinagagawa niya.
"Gustong gusto ka talagang pahirapan ng asawa mo, noh?!" Inis na sabi ni Jaimy.
I inhaled-exhaled makahinga lang ng maayos dahil sa pagod.
"Why don't we kill him para wala na tayong problema? Dudukutin lang naman natin yung------" binatukan ko na si Leoninn bago niya pa ituloy yung sasabihin niya.
"Gusto mo ba mata mo dukutin ko?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
"H-how can you say that to me?! You are so unbelievable! We're bestfriends but you want me to.... to..... My God! I can't believe you!" Himutok nito atsaka pabalagbag na sumandal sa couch habang nakanguso at kunot ang noo.
Napailing na lang kami. Ayan na naman yung pagkachildish niya. Umeepekto na naman. Tsk. Tsk.
"It's already 2:33 and we're not eating yet." Sabi nito ni Jaimy na bigla rin naming naalala.
Oo nga pala. We're not eating yet. Nakalimutan na namin.
"Ako na magluluto. What do you want to eat?" I asked atsaka na tumayo at inantay ang sagot nila.
"I'm vegetarian. So anything basta fresh vegies." Jessica.
"I want meat." Jaimy.
"Just give me apple. That's enough." Angel.
"I'm craving for pizza. Magpapadeliver na lang ako." Leoninn.
Matapos nila yung sabihin ay dumiretso na ako sa kusina.
"Ahm.... waiter! Half-cooked lang, a!" Rinig kong sigaw ni Jessica.
Natawa naman ako. Wala talaga silang balak na tulungan din ako sa kusina. Hindi ko naman sila masisisi dahil pagod na sila. And easy lang din naman ang magluto. Sanay na ako rito.
Ginawa ko na ang dapat gawin at ipinagluto sila. Nang ihahain ko na ay tumulong na sila kasabay nun ang pagdating ng pizza. Nang maihain ay kumain kami. Nilubos lubos ko na ang pagkain dahil may kutob ako na baka ito na ang una at huling pagkain ko ngayong araw.
Nagkwentuhan kami saglit at nanuod at pagkatapos ay nagpaalam na silang aalis at baka maabutan pa sila ng asawa ko.
"Girl, ayaw mo ba talaga? Yung plano ko? Yung dudukutin natin yung-----" hindi ko na pinatapos pang magsalita si Leoninn at itinaboy na sila.
"Sige na. Alis na. Baka maabutan pa ni Kiefer yung kotse niyo." Taboy ko dito.
"Sure. At baka hindi ko rin matantsa yang asawa mo pag nagkita ulit kami." Sabi nitong si Jaimy.
"A, by the way, painumin niyo ng gamot yan si Leoninn, ok?" Mapang-asar na sabi ko.
"Kami ng bahala dito." Sagot ni Angel atsaka na inakbayan si Leoninn at kinaladkad papasok ng kotse. Umapila pa 'to at tanaw ko siya na salita ng salita sa loob. Natawa na lang tuloy ako.
Matapos iyon ay tumingin ako sa orasan. 6:03. Alasais na pala. Kailangan ko ng magluto dahil baka dumating na si Kiefer.
Ginawa ko na ang dapat gawin art pinagluto si Kiefer. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang kotse niya. Mabuti na lang ay naihain ko na sa lamesa yung mga pagkain.