Shin's Pov
"Ano, ha?! Susugod pa kayo!?" sabi ni Shin habang nakakuyom ang kanyang kamao na akmang susuntukin ang mga lalaki.
"Hindi na po,diba aalis na tayo?" sabi ng lalaki na may dugo sa ilong. "Oo nga tara na" sabay hatak ng isang lalaki sa kanyang mga kasama na may dugo sa gilid ng labi.Aalis palang siya ng may humawak sa kanyang balikat. "Galing mo naman makipaglaban" sabi nito kay Shin.Hinarap naman niya ito para kausapin. "Teka nga, kilala ba kita?" tanong niya dito.
Wow ang gwapo naman nitong nilalang. Kulay brown ang kanyang buhok at may pagka-hazel ang mga mata nito.
"Hi, ako nga pala si Yuri" maligaya niyang sagot.
Bakit parang nasa iba akong mundo? Ang bagal ng paggalaw nila.
"A-Ako naman s-si Shin" bahagya siyang napatawa.
Teka lang bakit ba siya tumatawa? May nakakatawa ba sakin?
"Bakit ka nauutal?" tanong niya sakin.
"Hi-hindi ah"
"Oo kaya"
"Hindi kaya"
"Oo"
"Hin-""Waitttt!" paghinto ko sa kanya. "Papasok pa ako, san ka nga pala nag-aaral?" sabay tanong ko sa kanya. Curious lang ang peg teh.
"Ahh, diyan sa International School" tugon niya.
What the fish? Doon din ako nag-aaral. Biglang nagparty sa loob ang puso ko ng malaman iyon.
"Saan ka naman nag-... Wait are you blushing?" tumawa siya at hinawakan ang pisngi ko. Bigla na lang ako naglakad palayo, hindi ko ba alam kung bakit ako nagkakaganito, hindi kaya...
Maya maya pa ng makarating na sila sa International School ay nakita nila ang napakadaming estudyante sa entrance dahil sa event na gaganapin ngayon ng biglang mapatanong si Shin kay Yuri.
"Eh kung dito ka nag-aaral bakit hindi kita nakikita?" yun ang nakakapagtakang tanong ko, dahil pareho naman kami ng school pero hindi ko siya nakikita o baka dahil lagi akong busy sa mga bagay bagay kaya hindi ko na naaasiakso ang mga nasa paligid ko.
"Huh...hi-hindi ko rin alam eh." sabay kamot niya sa ulo niya. Sakto naman ang pagtunog ng bell kaya nagtakbuhan na ang mga estudyante papunta sa kanilang sariling mga room. "Sige mauna na ko sayo." sabi ni Yuri sabay takbo.
Bakit parang iniiwasan niya ko? Mahirap mag-assume kaya sisiguraduhin ko muna.
Pagdating ko sa room, wala ang mga kaklase ko dahil nandoon na sila sa gymnasium para simulan ang kanilang event. Napansin ko si Tae na nakatingin sakin, wag kayo ah, gwapo din si Tae. Classmate ko siya. Wala pa akong boyfriend dahil masyado pa akong bata kahit na 16 na ako.
Ng makita ko ulit si Yuri, para bang tinitingnan niya ako at eto naman si ako, may iniisip na baka gusto niya ako kaya naman kinilig ako at umiwas nalang ng tingin.
Nagsimula na ang event at wala akong ginawa kundi ang tumulala sa ere, yeah that is so like me, tulala, akala mo naman may iniisip na malalim.
Natapos ang event at diretso na kami pinauwi dahil daw baka napagod kami kakalaro.
Medyo malayo ang bahay namin pero kaya namang lakarin wala kasi akong pera ngayon dahil nakalimutan kong humingi kay ate.
Pero ako, hanggang ngayon nakatulala iniisip ang pagtitig ni Yuri sakin.
BINABASA MO ANG
My Gangster Girl
FanfictionShin is your typical gangster. Palaban, laging naghahamon ng away, pero, mahahanap niya kaya ang makakasama niya sa buhay niya kung siya ay isang basagulero? *Most Impressive Ranking: #635 - sadstory (5/11/18) *Most Impressive Ranking: #270 - sadst...