Shin's Pov
"Thank you Lord for another day, Amen." pagkatapos ko magdasal ay dumiretso na ako sa banyo pagkatapos ay nagpaalam. Nagiisip ako ng may biglang bumusina sa likod ko at napalingon agad ako sa bumusina, laking gulat ko ng makita ang isang kotse na
Ferrari at ang nagmamaneho nito ay si..."Yuri?!" wow yaman mo ikaw na mayaman. "Sabay ka na!" dahil nga medyo malayo-layo ang bahay namin sa school nakisabay nako. Pagkasakay ko ay bigla nalang akong nainip kaya bigla ko nalang na tanong kung may girlfriend ba sa Yuri.
"May Girlfriend ka ba?" ito ang salitang gustong ilabas ng bibig ko.
"Wala, bakit gusto mo maging tayo?" ayun at kinilig na naman si heart, pati na rin si face, ang init naman dito.
"Hindi ba ang init dito? Wala ba tong aircon?" kunyare pa akong naghahanap ng aircon kahit nandyan lang naman.
"Nagblu-blush ka, patingin nga" tumawa naman siya. "Magfocus ka na nga lang diyan magdrive, mamaya mabangga pa tayo" sabi ko sabay iwas sa kanya, siguro dapat pala hindi nako sumabay, nakakainis tong lalaki na toh.
Maya maya pa ng makarating na kami sa school at dahil magkatabi lang naman ang room namin, sabay na kaming pumasok at nagulat ako ng may makita akong love letter sa upuan ko at binasa ko.
To: Shin
Shin, alam mo ba matagal na akong may gusto sayo? Pero hindi ko sayo masabi ng personal kasi nakakahiya kaya eto sa sulat nalang. Kung binabasa mo toh ibig sabihin parang tinatanggap mo na rin akong bilang stalker mo.Thank you for reading my love letter.From: Secret Admirer
Nang mabasa ko yung love letter natuwa naman ako kasi syempre may effort parin siya kung sino man yun at nilagay ko na sa bag ang love letter. Nagsimula na ang klase at makalipas ang napakahabang oras ay pauwi nako ng bahay ng may napansin akong kakaiba, may mga sumusunod sakin kaya agad ko naman sila nilingon at mga lalaking kasing tangkad ni Yuri at sila ay limang magkakasama. Lumapit sila sakin at pinaligiran ako at syempre ako eto, nagulat.
Mukang alam ko na toh ah. Well this is my favorite. Fighthing
At ayun na nga si kuyang mukang lasing nagsalita "Ikaw si Shin diba?" nagulat ako dun, ang lalim ng boses ni kuya
"Opo,bakit?" tumawa naman silang lahat at tinaas ko naman ang isa kong kilay. "Sumama ka samin" ano ka,bakit ako susunod sayo?
"Bakit naman?" sagot ko sa kanya.
"Aba ayaw sumama satin pre oh!?" akmang susuntukin na niya ako ng mailagan ko ito, sinunutok ko naman siya sa panga, masakit diba? Susuntok na sana ang isa ng unahan ko siya at sipain sa tiyan, hindi ko nakita ang isang suntok na padating at ayun natamaan ako sa gilid ko, kuya masakit.
"Ano?! Ang lalaki niyo wala kayong laban sakin?!" sabay tawa ko.
Syempre at dahil favorite ko yan napatumba ko silang apat, yess naman 4 down 1 to go. Ito yata ang leader, lagot muka pa namang matigas, muka lang. Hindi ko namalayan na palapit na siya at bigla nalang niya akong sinikmuraan. Nahihilo ako at sinisipa sipa niya ako at syempre babae pa naman ako. Tuloy tuloy niya parin niya akong sinisipa, ng aakmaing sipain niya ako sa mukha napapikit nalang ako at hinihintay ang mangayayari pero wala pa rin. Nakita ko nalang siyang nakahiga pero sin-
Yuri.
BINABASA MO ANG
My Gangster Girl
FanfictionShin is your typical gangster. Palaban, laging naghahamon ng away, pero, mahahanap niya kaya ang makakasama niya sa buhay niya kung siya ay isang basagulero? *Most Impressive Ranking: #635 - sadstory (5/11/18) *Most Impressive Ranking: #270 - sadst...