Nag mamadali akong lumabas ng apartment dahil kanina pa ako late sa klase. Tumingin ako sa relo ko 9:50 na pala ,late na talaga ako neto kaya tumakbo na ako palabas at dali daling sumakay sa kotse ko.
Andito ako ngayon sa mall hindi na ako pumasok dahil late na din naman ako atsaka na siraan pa ako ng kotse kaya dumiretso na lang ako dito para mag shopping.
Habang pumipili ako ng damit parang may naka tingin sakin kaya tumingin tingin din ako sa paligid pag tingin ko sa kanan ko yung sales lady yung na abutan kong naka tingin sakin na naka ngiti kaya ngumiti din ako.
Tapos nako pumili ng damit kaya pumunta na ako sa cashier para mag bayad pag ka tapos kong mag bayad dumaan muna ako sa Jollibee para kumain dahil hindi din ako kumain kanina pag ka alis ko dahil late na ako.
Palabas na ko ng mall medyo madilim yung langit sigurado akong uulan toh kaya nag madali na akong mag lakad nasa highway na ako patawid na sana ng biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya napahinto ako nakita ko din yung ibang patawid na sana pero tumigil sila yung iba naman tumakbo na agad at ako eto mag eenjoy na lang sa ulan tutal wala naman akong payong na dala tsaka baka madapa pa ako pag tumakbo ako dahil naka high heels ako at dala dala ko din yung mga pinamili ko.
Naka tingin ako sa langit, pinag mamasdan ko ang madilim na kala ngitan at bawat patak ng ulan ng biglang may humarang na kulay red na payong kaya napa lingon ako sa likuran ko.
Nagulat ako dahil sya na naman ang nakita ko ,habang sya ay naka ngiti na naman at naka tingin sa mga mata ko gusto kong umiwas dahil parang may na aalala ako sa kanya pero hindi kayang iiwas ng mga mata ko sa mga mata nya.
Bumalik ako sa katinuan ng biglang mag vibration yung cellphone ko kaya naputol ang pag titigan naming dalawa.
Kinuha ko yung cellphone ko at nakita kong tumatawag si jarah yung best friend ko kaya sinagot ko agad.
"Hello"
"Hoy gaga! ka bat dika pumasok?" Tanong nya sa kabilang linya
"Na late kase ak---" diko na naituloy yung sa sabihin ng biglang mag shut down yung cellphone ko.Binalik ko na lang ulit yung cellphone ko sa bulsa bago tumingin ulit sa lalake.
"Bakit ka nga pala nag papaulan? Baka mag kasakit ka" nag aalala nyang tanong.
"Wala kase akong payong" nahihiya kong sabi habang naka yuko.
"Dika pa din talaga nag babago" bulong nya kaya napa angat yung ulo ko.
"Huh?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya.
"Haha wala ,tara na baka mag ka sakit ka pa" naka ngiti nyang sabi sabay hawak sa kamay ko kaya napa kagat labi ako dahil sa ginawa nya. Di kase ako sanay kapag may humahawak ng kamay ko lalo na kapag lalake pero bat hindi man lang ako nailang sa kanya para bang gusto ko yung ginagawa nya.
Nag lalakad lang kami habang hawak-hawak nya pa din yung kamay ko.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kanina pa kase kami pa lakad-lakad.
"Ihahatid ka" simpleng sagot nya.
"Hindi mo naman alam ang bahay ko"
"Kaya nga ituturo mo"naka ngisi nyang sabi kaya napa ngiti na din ako ng Hindi ko alam kung bakit.
" Baliw ba sya?"
"Oo yata nag sasalita mag isa eh"
"Baka na nuno lang"
Agad akong Napa tingin sa na uusap na mga babae pero umiwas sila agad ng tingin sakin mag tatanong sana ako kung ako ba yung pinag uusapan nila pero biglang may humawak sa braso ko.
"Wag mo na lang silang pansinin" nakangiting pahayag nya at hinila nya na ko agad para maka alis dun sa mga nag chichismisan pero bago pa kami maka layo muli kong sinulyapan yung mga babae kanina nakita kong nag uusap na naman sila habang naka tingin sakin na para bang nakakadiri akong babae.
"Bat sila ganun sakin?"
"Dahil maganda ka" diretso nyang sabi kaya hinampas ko sya ng mahina sa braso.
"Haha bakit mo ba kase sila iniisip?"
"Wala lang parang kakaiba lang yung tingin nila sakin kanina" malungkot na pahayag ko. Napahinto ako dahil huminto din sya sa pag lalakad at lumingon sakin.
"Anong kakaiba sa tingin nila sayo?" Takhang tanong nya at naka titig lang sa aking mata.
"Ewan ko" umiwas na lang ako ng tingin dahil kahit sya ay kakaiba din ang nararamdaman ko sa kanya.
"Nga pala I'm Jahris Mofelco" naka ngiting pakilala nya sakin habang naka lahad ang kamay nito.
"Lizanne. Lizanne Delaquin, Liza for short" ngumiti din ako sa kanya bago nakipag kamay.
"Masaya ako at nag kita muli tayo Liza"
Tahimik lang kami sa pag lalakad at medyo awkward dahil naka hawak pa din sya sa kamay ko. Kanina pa nga kami nag lalakad tsaka parang alam nya yung bahay ko dahil tama yung dina daanan namin eh hindi naman sya nag tatanong sakin.
"Alam mo ba yung bahay ko?"
Napa tigil sya sa pag lalakad kaya napa hinto din ako.
"H-hindi b-bakit?" Nabubulol nyang sabi naramdaman ko din yung pag lamig ng kamay nya kaya napatingin ako dun napansin nya sigurong naka tingin ako dun.
"S-sorry" bigla nya namang binitawan yung kamay ko.Tipid akong ngumiti sa kanya bago nag salita "its ok, sige na hanggang dito na lang" tatalikod na sana ako para mag lakad ng biglang hawakan nya ang braso ko" Hahatid na kita ,malayo pa yung bahay mo "nag tataka akong tumingin sa kanya ,paano nya nalaman na malayo pa yung bahay ko? At yes he's right malayo layo pa ang bahay ko.
" OK lang ako.Umuwi kana" nag simula na ako mag lakad dahil uulan na naman to baka maabutan pa ako.
"Ingat ka ha!" Sigaw nya. Lumingon naman ako at ngumiti "ingat ka den!" Sigaw ko pabalik at nag lakad na paalis. Hindi pa naman ako nakakalayo pero naramdaman ko yung malakas na hangin na para bang sumusunod sakin. Hinayaan ko na lang at binilisan yung lakad ko para hindi ako maabutan ng ulan.
To be continued..

YOU ARE READING
The Second Chance
RomanceSi Lizanne Delaquin ay hindi na niniwala sa mga kaluluwa o multo dahil para sa kanya isa lamang iyong ka sinungalingan na panakot sa mga bata. Paano kaya kapag nakilala nya si Jahris Mofelco? Isang binatang kaluluwa. Ano kayang mangyayare sa kanilan...